Chapter 22

216 14 0
                                    

𝑫𝒆𝒔𝒕𝒊𝒏𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝑳𝒐𝒗𝒆 𝒚𝒐𝒖

Addison's POV

Araw ng Lunes ngayon kaya maaga akong nagising. Excited na akong makita si Rage. At nalaman kong may ginawa lang siya kahapon kaya hindi niya nasagot ang mga tawag ko.

Pumunta ako sa banyo at naligo na. Ilang minuto lang ang itininagal ko sa banyo at lumabas narin ako. Inayos ko muna ang aking sarili. Naglagay ako ng make up sa aking mukha para mas lalong maging maganda ako sa paningin ni Rage.

Lumabas na ako sa kwarto ko at dumeretso sa kusina. Naabutan ko namang nagtatawanan silang tatlo. Nakakainggit sila.

" Good morning mom, dad. Sayo rin Zariah. " pagbati ko sa kanila. Tumingin lang sila sa akin at ngumiti. Tinuloy na nila ang pag kain nila.

Napansin ko naman na pareho na naman ang ulam namin noong isang araw. Paborito nga pala ito ni Zariah kaya ito ang lagi nilang pinapahanda tuwing umaga. Ni wala man lang yung paborito kong pagkain dito.

Natapos ko na ang pagkain ko at ganoon din si Zariah. Nauna na siya papunta sa sasakyan. Tumunog naman ang phone ko at nakita kong nag message sa akin ni Rage.

Nandoon na daw siya sa labas at hinihintay ako. Napangiti ako habang nakatingin sa message niya sa akin. Ang sweet niya talaga. Lalo akong nahuhulog sa kaniya.

Nasa labas na ako at naabutan ko naman doon si Rage. Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan. Ngumiti ako sa kaniya pero hindi niya yata napansin. Pero parang nakatingin naman siya sa akin.

Tinignan ko kung merong ibang taong malapit sa akin. Hindi naman ako nagkamali, nandito parin pala ang kapatid ko. Inaayos niya ang sarili niya at pumasok na sa sasakyan.

Kitang kita ko kung paano tinignan siya ni Rage. Naaalala na kaya niya?

Nalipat lang ang tingin niya sa akin nang tuluyan nang nakapasok si Zariah sa loob ng sasakyan.

" Hey Addi, kanina ka pa ba diyan? Hindi kita napansin sorry" sabi niya sa akin habang naglalakad palapit sa akin. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya bago sumagot.

" Ahh no, kalalabas ko lang. "sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya ang ngumiti sa akin. Iginaya niya ako papunta sa kotse niya.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Tahimik lang siyang nagmamaneho at ako naman ay deretsong nakatingin lang sa bintana.

" Addi? Naaalala mo pa ba yung binigay kong bracelet sayo noon?" pagbabasag niya sa katahimikan. Ano daw? bracelet? eh wala naman siyang binibigay na ganoon sa akin.

" What bracelet? wala ka namang ibinigay sa akin." sagot ko naman sa kaniya. Nakita ko naman kung paanong kumunot ang kaniyang noo.

" Ah ganon ba? ang pagkakaalam ko kasi ay nabigyan kita noong mga bata pa tayo. " sabi niya sa akin. Nataranta ako dahil sa sinabi niya. Fuck! baka magduda siya sa akin. Anong gagawin ko?
Eh wala naman talaga siyang ibinigay sa akin. Wait, si Zariah kaya ang binigyan niya?

" Ahh naalala ko na, binigyan mo pala ako noon. Pero hindi ko na alam kung nasaan." pagsisinungaling ko sa kaniya. Sana gumana please. Napatingin naman siya sa akin at agad na nagtanong.

" Talaga? Naalala mo pa ba kung kailan ko iyon ibinigay sayo?" tanong niya sa akin. Napatingin ako sa bintana at nag isip kung ano ang isasagot ko. Sana maniwala siya sa sasabihin ko.

" Noong nagkakilala tayo" nag aalinlangang sagot ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin. Parang nakumbinsi ko naman siya sa sagot ko kaya gumaan ang pakiramdam ko. Buti nalang at nakaisip ako ng sasabihin.

Nakarating kami sa University at nagkahiwalay na kami ng daan. Nauna ako kaysa sa kaniya.

Rage's POV

"Talaga? Naalala mo pa ba kung kailan ko iyon ibinigay sayo?" tanong ko sa kaniya. Sana masagot mo ng tama. Nahalata ko naman na parang nag isip pa siya ng sasabihin niya.

"Noong nagkakilala tayo" deretsong sabi niya sa akin. Damn, hindi yan ang sagot sa tanong ko. Nagsisinungaling kaya si Addi? Sino ba ang paniniwalaan ko? Gulong gulo na ang isipan ko.

Maniniwala na kaya ako sa sinasabi nila mom at Zariah? Nagsasabi kaya sila ng totoo? Sino ba talaga ang paniniwalaan ko?

Kailangan kong makasigurado. Malalaman at malalaman ko rin ang katotohanan.

Nakarating na kami sa University at nauna nang naglakad si Addison papunta sa building kung nasaan ang klase niya.

Nang masigurado kong nandoon na siya ay naglakad narin ako papunta sa classroom namin.

Pagkatapak ko sa loob ay nakita ko agad si Zariah. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Tuwing kasama ko siya at tuwing nakakausap. Laging bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit pero ang sarap ng ganitong pakiramdam. Aaminin kong ni minsan ay hindi ko naramdaman ang ganitong pakiramdam kay Addison. Iba ang epekto sa akin ni Zariah.

Parang gusto ko siyang nakikita palagi. Hindi kaya totoo ang sinabi nila sa akin? Na siya ang mahal ko at babaeng pinangakuan kong pakakasalan?

Destined to Love youWhere stories live. Discover now