"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata.
This is the story of an innocent girl growing up, a simple story that many of us will surely relate to. Join Remison on her quest of growing up while facing d...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
BACK to normal ulit ang buhay ko nang umalis at bumalik si Miggy sa Amerika. Well, gano'n pa rin naman 'yung life ko sa school, lokaret pa rin sila Burma, pero wala na 'yung tuwing uwian ay sabay kami ni Poknat na makikipagkita kay Miggy. Speaking of Poknat, ayon balik DOTA life ulit ang mokong.
Naging active nga pala ulit kami sa Drama Club dahil may mahalagang announcement 'yung bago naming club adviser, napromote na kasi as department head ng TLE si Sir Kalbs (short for kalbo) at napalitan ng mas batang teacher, si Mam Cass.
"Alright, I guess everyone's here," sabi ni Mam Cass nang pumasok sa loob ng auditorium. Tumahimik ang lahat dahil ang tsismis ay may pasabog daw, wala kaming idea kung ano. "Since I am your new club adviser, I wanted to make some changes for the betterment of our club."
Nasa unahan 'yung mga senior members, at dahil hindi na kami freshmen ay komportable na kami sa meetings kasi marami-rami na kaming kilala. Ang hindi pa rin talaga ako komportable ay 'yung masasamang titig sa'kin ni Philippian Girl—este ni Chantal.
Ka-row namin siya ng upuan at siyempre hindi nakakaligtas sa'kin ang mga irap niya, ewan ko ba kung gano'n siya sa lahat o sa'kin lang. Isang taon na kaming magkasama sa iisang club pero hindi ko pa rin alam kung bakit ang init ng dugo niya sa'kin.
"For the first time in Tanso National High School's Drama Club history, makikipagcollaborate tayo ng play sa Silvestre Academy." Umugong ang ingay sa buong auditorium, malaking pasabog nga! Paano ba naman? Collaboration ng isang public school at private school? 'Yung mga sosyal at rich kid na tiga-Silvestre Academy makakasama namin sa play? Nakaka-excite nga.
Damang-dama ko ang tuwa ng mga katabi ko nang basagin 'yon bigla ni Honey.
"Oh, kalma lang kayo, baka senior members lang ang makakasama riyan," sabi ni Honey na ikinawala ng malalaking ngiti ni Burma at Aiza.
"Ayyyy... Oo nga, tssss..." nakangusong sabi ni Aiza.
"Ano ba 'yan, umasa ako na baka mameet ko na ro'n sa Silver ang prince charming ko!" si Burma na tanging love life lang ang nasa isip.
"Quiet, guys!" saway ni Mam Cass sa lahat nang may magtaas ng kamay at itinanong ang kinoconcern ng mga kasama ko, kung mga seniors lang ba ang magpaparticipate sa collab.
"Thanks for the question, you may sit down," sabi ng guro sabay senyas. "Okay, let me explain first bago ko sagutin ang tanong na 'yan. May colleague ako from a theatre company na nagtuturo sa Silvestre Academy. Apparently, he also became the adviser of their Theatre Club, and we agreed to make a collaboration because, why not?" nagkibit-balikat si Mam Cass. "Fortunately, na-approve ng principal natin at ng principal ng Silvestre ang proposition namin that's why we can finally make this happen."
Nagpalakpakan ang mga tao sa auditorium matapos 'yong sabihin ng guro, nang humupa ang ingay ay muli itong nagpatuloy.
"You might be thinking na sa senior students lang mapupunta ang opportunity sa pag-acting, but I told you earlier that I want to make some changes. Everyone will participate, magkakaroon ng dalawang play which is mahahati sa dalawang grupo ang lahat, the first group are the first years and second years and the second group are the juniors and seniors."
Nagkasiyahan ang lahat nang marinig 'yon. Hindi ko nga rin gano'n kamaintindihan kung bakit sila tuwang-tuwa, siguro dahil nasasabik silang makipagkilala sa mga bagong tao, at katulad ni Burma'y naghahanap din sila ng 'love life'.
"We'll post your schedule for our meetings, sa susunod ay makakasama n'yo nang magmeeting ang Silverians," sabi ni Ma'am Cass. Iyon pala tawag sa mga nag-aaral do'n, paano kaya sa'min? Tansonians? "Sir Patrick, their adviser, told me na alternate ang sched ng meeting venue sa school natin at sa school nila. Anyway, I don't want you to think too much about this dahil alam kong excited na kayo. I'll post the schedule outside later and be sure to attend the meeting, okay?"
"Yes, ma'am!" chorus na sagot ng lahat.
At dumating na ang pinakahihintay ng lahat, unang araw ng meeting, kaming first group ang naka-schedule ngayon at sa Silver ang venue ng meeting. Para kaming mga tao na galing sa bundok dahil sa sobrang ka-curious-an namin sa loob ng Silvestre Academy.
Sa totoo lang ay lihim akong nae-excite dahil dito nag-aaral sila Deanna, Olly, Alex, at Azami, sana ay makita ko sila rito.
Pinapasok na kami ng guard sa loob matapos kumpirmahin ni Mam Cass 'yung letter na pinakita sa guard. Naglalakad kami sa malawak na daan na napaliligiran ng mga puno, parang Japan lang ang peg ng daan tapos may mga dahon pang nalalalaglag.
Ilang sandali pa'y narating na namin ang pinakaloob at halos malaglag ang panga namin sa nakita. Isang gusali na may dalawang palapag—pero kahit na maliit 'yon ay mistula naman 'yong mansion! Hindi 'to mukhang school at mas mukha 'tong mansion na may vintage na disenyo!
Si Mam Cass ang sinusundan namin dahil tila kabisadong-kabisado niya ang lugar, may mga estudyanteng naglalakad na bumabati sa kanya, totoo nga ang tsismis na dito siya sa school na 'to nagturo dati.
Pumasok kami sa main building at bumungad ang court, katulad ng sa amin, pero maliit lang pala talaga ang Silvestre Academy, kakaunti ang mga estudyante. Pero hindi pa rin matatawaran ang ganda nito dahil malinis, maraming mga halaman at puno, kumikintab ang mga sahig, pader, at salamin, parang lahat ng bagay dito ay mamahalin. Partida, kahit dalawang palapag lang ang main building nila ay mayroon pang elevator!
Pinagtitinginan kami ng mga ilang estudyante at mababakas ang pagtataka sa kanilang mga mukha—anong ginagawa ng mga hampaslupa rito? Naiimagine ko na gano'n 'yung nasa isip nila.
Nang marating namin ang auditorium ay napanganga na naman kami sa ganda sa loob, sobrang aliwalas, ang gaganda pa ng mga upuan. Wala pang ibang mga tao maliban sa isang matangkad at gwapong lalaki.
"Cass," lumapit ang lalaki sa adviser namin at humalik sa pisngi nito. Siyempre, hindi 'yon nakatakas sa mga tsimosa kong katabi.
"OMG, magjowa sila?" bulong ni Aiza.
"Tarush ni, Mam Cass, kainggit," si Burma.
"Magbebreak din 'yan," bulong naman ni Honey.
Grabe talaga 'tong mga 'to, pinigilan ko na lang matawa.
"Guys, this is Sir Patrick, my colleague and the adviser of Silvestre's Theatre Club," pagpapakilala sa'min ni Mam at humarap siya rito. "Pat, this is my first and second year kids. Where's yours?"
"Oh, patapos pa lang ang klase nila, they'll be here any minute," sagot nito at nakangiting tumingin sa'min. "You may take a seat."
Umupo kami at lumabas ang dalawang guro. Para kaming mga batang nasa sinehan na dinadama ang malamig na aircon at malambot na upuan.
"Hays, sana talaga at mayaman kami, ano?" sabi ni Aiza na nakatingala.