Kabanata 32
Completeness
I WANT TO feel sad when Vince told me na pupunta siya kay Gia. But when he explained that he's just going to send her to the airport, I was shocked.
She'll be leaving the country... for good. Sabi niya.
"Hindi ka nalulungkot?" that's a risky question, but of course I want to know what he's feeling.
"Nalulungkot, mamimiss ko si Lavin." simpleng sinabi. Those words are enough for me to understand.
He made it clear na mahal niya pa si Gia, pero bilang isang kaibigan na lang. The night when he asked me to let him love me more is the night that he became true to his words.
Kaya hindi ko na siya pinagbawalan pa, may karapatan man ako o wala. I will still do the same thing.
Hindi ako ganoon ka-selfish. And I believe in his words.
"Ingat ka ha," bilin ko matapos siyang ihatid sa kanyang sasakyan. Resien's still sleeping dahil maaga pa.
Maaga rin akong nagising kaya napaghandaan ko siya ng umagahan at napagtimplahan pa ng kape.
"I will, tawagan mo ako kapag may problema. I love you," he said then planted a kiss on my forehead.
I just sweetly smiled at him and nooded.
Sa ilang beses niyang sinabi sa akin ang tatlong salitang iyon ay pare-parehas ang aking nararamdaman.
Parang palaging bago, unang beses. Naroon pa rin ang pag-aalinlangan ngunit natatabunan ng labis na saya.
Bumuntong-hininga ako bago napagpasyahang pumasok muli sa bahay.
Pagbalik ko sa kwarto ay narinig ko ang pagtunog ng aking cellphone. Pabagsak kong inihiga ang aking sarili sa kamang kanina lamang ay hinihigaan naming dalawa.
I still can't believe that this is happening.
Pinagtuunan ko ng pansin ang aking cellphone at nabasa ang mensaheng mula kay Vince.
From: Vince
Send Resien to Mama's home and prepare. Wear a formal dress, I will take you out on a date. I love you♡That message sent butterflies in my stomach. Para akong highschool girl na inaya ng crush niya na kumain sa labas.
I didn't type a reply and excitedly prepare for what he told me.
Naglinis pa ako ng kakaunti sa bahay bago inasikaso si Resien. Masayang masaya ako habang pinapakain ito, kahit noong pinaliguan ko siya ay nagtaka pa siya sa aking kakaibang kilos.
"Mama, you're so hyper. Para ka pong... nagmamadali." aniya habang naglalaro ng bula.
Tinawanan ko lang ito bago binanlawan. Masyadong observant ang anak ko.
"I'll just leave her here kasi sabi ni Vince dito ko daw muna siya dalhin." sabi ko kay Iris ng iniabot rito ang bag ng aking anak.
"Yeah, he informed be about that." she replied.
She's smiling and it is creeping me out. Hindi ako sanay na mabait siya sa akin.
Hindi rin kasi siya iyong tipo ng taong palangiti. Maarte ito ngunit palaging nakapoker face. Pareho sila ni Vince, parang palaging seryoso sa buhay.
BINABASA MO ANG
Almost Home (Almost Trilogy 2)
General Fiction[COMPLETED] MASOCHISM. MARTYRDOM. DESPERATION. Words than can be related to Hannah Avien Celestine, a fine young, gorgeous lady who fell hard, deeply and madly inlove with Vince Alcedrick Go, the broken, sexy hot boss she just met. As an uncommon se...