CHAPTER 9 (HOUSE)

11 3 5
                                    

Hindi muna ako umuwing apartment, Dumiretso ako sa sakayan ng taxi.

"Manong sa manila north cemetery po"

Nang makarating na ako ay hinanap ko nag puntod ng pamilya ko.

Nang makita ko ay umupo ako at pinunasan ang kanilang lapida.

Kaez Hero Z. Reyes
(1994-2012)

West Hera Z. Reyes
(1996-2012)

Patricia Denize Z. Reyes
(1969-2012)

Danilo T. Reyes
(1968-2012)

Umiiyak ako habang inaaalala ang happy memories namin, Bawat dinnee namin,bawat pag mamall, yung asaran namin nila ate at kuya, yung paglalambing nila mommy at daddy. Lahat lahat.

Ang bahay lang namin ay medjo malapit dito sa sementeryo. Pero parang di ko pa kayang puntahan ang bahay namin dati.

"M-mommy,daddy,a-ate at kuya.. Sorry po kung hindi ko po kayo binigyan ng hustisya noon.. pero ngayon po ay unti unti nang nag kakahustisya ang pagkamatay nyo.."

"Shh.." nagulat ako nang may nagsalita sa gilid ko.

Si carlt. At may inaabot na panyo, kinuha ko naman dahil baka mukhang grasa ma muka ko, mag tathank you na sana ako nang maalala ko ang nang yari kanina.

"Weyt lang ha, bakit ka ba nandito?"

"Sinundan kita." Simple niyang sagot.

"Bakit moko sinundan? Ahh.. Kasi baka pumatay ako?? At baka unahin ko tatay mo?"

"Hindi, im just concern sayo"

"Saken? Oh sa gagawin ko?" Sabi ko na parang may pait na ang boses.

"Both."

"By the way malapit lang pala dito bahay nyo dati?" Umiyak ulit ako dahil sa tanong niya. "S-sorry i didn't mean that"

Umupo siya sa tabi ko. "Gusto mo bang puntahan? I mean. Kaya ko ba?"

"H-hindi.. hindi ko pa kaya.."

"Kaya mo yan.. Kayanin mo, Habang buhay kang makukulong sa galit pag pinagpatuloy mo yan"

Napaisip ako na tama siya, pero kaya ko ba?

"K-kakayanin ko.." sabi ko, nilagay niya ang kamay niya sa balikan ko. "Let's go"

Sabi niya, tumango ako at tumayo. "Sana makaya ko.." bulong ko sa sarili ko.

Isang kanto nalang ay nandon na kami sa bahay namin, Im nervous,yes. And im scared to what i gonna felt later when we came to our old house.

A few minutes nasa harap na kami ng gate namin. Nangangalawang na ang gate, hindi yung dati na parang bagong pintura, ngayon may part na kalawang nalang."Are you ready?"

Tanong ni carlt kaya napatingin ako sakanya, halatang may pag aalala sa mga mata niya pero hindi ko na iyon pinansin at sinagot nalang ang tanong niya.

"I don't think so,what if hindi pa ako ready?"

"What if ready kana?" Tanong niya pabalik. Oo nga. What if ready na ako? E kasi parang hindi pa, kanina nga todo iyak pa ako.

Nagulat nalang ako nang bigla akong hilahin ni carlt. "Potcha nanghihila ka nanaman, wala nabang maisip? Kase puro buhay ko pinapakealaman unahin dapat utak" I whispered

"Tss, narinig ko yon". Nang makapasok kami sa gate ay nilibot ko ang paningin ko. Yung mga halaman sa garden namin ay mga patay na, yung pader namin puro supot na ng gagamba, sa gilid gilid naman may onting lumot na, halatang wala nang nakatira at walang nag alaga.

RETALIATION (ON GOING)Where stories live. Discover now