Chapter 35: Into the Lake

18.8K 766 29
                                    

SHAMIERE'S POV

Kinaumagahan ay kusa akong nagising at pagtingin ko sa orasan ay bandang ala singko pa lang ng madaling araw.

Sabado ngayon kaya walang pasok at dahil hindi na rin naman ako inaantok ay napagpasyahan kong maglakad-lakad nalang muna sa labas.

Bumaba ako sa sala at dahil paniguradong tulog pa ang dalawa ay hindi na 'ko nagtaka pa na napakatahimik dito.

Nang tuluyan akong makalabas ay bumungad sa akin ang madilim na paligid at ang napakalamig na ihip ng hangin. Hindi ko na pinansin ang lamig na dulot nito at ipinagpatuloy nalang ang paglalakad. Walang katao-tao sa buong paligid at tanging ako pa lang ang nag-iisang estudyanteng naglalakad sa madilim na pasilyo.

Natagpuan ko ang sarili ko papasok sa entrada ng kagubatan sa likod ng mismong akademiya. Maya-maya pa ay nakita ko na ang tambayan, pero nilampasan ko lang ito at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Makalipas ng ilang minutong paglalakbay ay nakarating ako sa isang pamilyar na lugar. Ang lugar kung saan ako napadpad no'ng minsan ako'y magliwaliw.

Hindi lingid sa kaalaman kong hindi na ito sakop ng akademiya ngunit ipinagsawalang bahala ko nalang ang bagay na ito at pinagmasdan ang nakakamanghang tanawin sa harapan ko. Kagaya ng dati ay naglipana pa rin ang mga nagsisiliparang alitaptap sa kapaligiran at labis na nakakaayang tingnan ang mga ilaw na nagmumula sa kanilang katawan. Ang kulay ng lawa sa aking harapan ay gano'n pa rin, subalit mas tumingkad ang kulay asul nitong tubig na siyang nang-aakit sa aking paningin na ito'y lapitan.

Hindi na 'ko nagdalawang-isip pa't tuluyang lumapit dito at lumuhod sa sa gilid nito. Inilubog ko ang kaliwang kamay ko at dinama ang temperatura ng tubig. Napangiti naman ako nang malamang katamtaman lang ang lamig nito.

Muli akong tumayo at inilibot ang paningin sa buong paligid. Walang katao-tao at siguradong mahirap puntahan itong lugar na ito.

Pasikat na rin ang araw at may mumunting liwanag nang lumulusot sa mga punong-kahoy.

Nang masiguradong walang sinuman ang nasa paligid ay saka ko hinubad ang saplot sa katawan ko at dahan-dahang lumusong patungo sa tubig.



BEA'S POV

Nagising ako bandang ala-sais ng umaga at dahil hindi na rin naman ako makatulog ay nagtungo nalang ako sa kusina para maghanda ng almusal namin mamaya.

Pero hindi pa man din ako tuluyang nakakatapak sa kusina ay napalingon ako sa hagdan nang marinig kong magsalita si Yvonne.

"Gising ka na rin?" nag-iinat pang tanong niya.

"Oo, hindi na 'ko makatulog, eh. Ikaw? Ba't ang aga mong nagising?" pabalik kong tanong sa kaniya.

"Hindi ko alam, basta nalang akong nagising, eh." kibit-balikat na aniya't nag-umpisang bumaba.

"Tulungan mo nalang akong maghanda ng almusal natin para mamaya."

"Sige."

Maya-maya pa ay nagsimula na kaming magluto, nahinto lang ako nang may napansin.

"Teka, :diba kadalasan ay mas nauuna pang magising si Shamiere kaysa sa atin? Ang weird lang na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya gising. Teka, sisilipin ko." sambit ko kay Yvonne at tumango naman siya. Naglakad na 'ko pabalik sa itaas at nang kumatok ako sa kwarto ni Sham ay walang sumagot. Tinawag ko pa ang pangalan niya kasabay nang pagkatok ko ulit pero wala pa ring sumasagot kung kaya't binuksan ko na ito at agad na inilibot ang paningin sa kabuuan ng silid niya, pero wala siya rito.

Pumasok pa 'ko sa loob at pati na sa banyo niya ay sinilip ko pa ngunit wala talaga.

Agad akong bumalik sa kusina at sinabi kay Yvonne na wala si Shamiere sa kwarto niya.

          

"Ha? Baka lumabas lang at naglakad-lakad? Baka hindi tayo napansin dito sa kusina, kumalma lang tayo dahil no'ng huling nangyari 'to ay hindi maganda ang kinalabasan." mahabang saad niya.

"Pero mas mapapanatag ang loob natin kung makita natin siya at siguradong nandito lang siya." sagot ko naman na nagsisimula nang mag-alala.

"Sige, hanapin natin siya. Tapusin ko lang 'to." agad na niyang tinapos ang pagluluto at tinabi na muna sa mesa at lumabas na kami ng dorm.

Masyado pang maaga kaya naman kakaunti pa lang ang mga estudyanteng nakikita namin sa paligid. Pero agad naagaw ng pansin namin ni Yvonne sina Theo na naglalakad, kaya naman tinawag namin sila. Tumingin naman sila sa gawi namin at ngumiti nang makita kami. Tumakbo kami papunta sa kanila at hiningal pa pagkatapos.

"Oh? Hahaha! Ang aga niyo rin, ah? Nasaan si Sham?" tanong ni Gino na nasa amin na ang paningin at nilingon pa ang pinanggalingan namin.

"Ayon na nga, eh, nasa kusina kami at nagluluto para sa almusal namin, kaso no'ng tingnan ni Bea si Shamiere sa kwarto niya ay wala raw do'n." wika ni Yvonne, agad namang nagpalit ang mga reaksyon nila.

"Ano? Eh, saan naman pumunta 'yon?" si Eros.

"Hindi nga rin namin alam, eh, tingnan natin sa tambayan baka nando'n lang 'yon." suhestyon ko sa kanila at sumang-ayon naman sila. Pero napatigil kami sa akmang paglalakad nang may isang lalaki ang hindi umalis sa kinatatayuan niya.

Taka kaming tumingin kay Theo.

"Oh? Tara na! Bakit hindi ka pa gumagalaw d'yan?" tawag-pansin sa kaniya ni Gino.

"Hindi ako sasama." walang emosyong sambit nito.

"Ano? Dre, hahanapin natin si Shamiere. Si Shamiere!" makahulugang tugon sa kaniya ni Gino at alam naman namin ang ibig niyang sabihin. Pero natigilan kami sa narinig na isinagot niya.

"So?"

Hindi kami makapaniwalang tiningnan siya at kukurap-kurap pa ang mga matang tinitigan siya.

"A-Ano?!"

"I'm not coming."

"Theo? Si Shamiere ang hahanapin natin! Maaga pa kaya baka kung anong mangyari sa kaniya! Hindi ka ba nag-aalala sa kaniya?" anas ni Mitch na humarap pa sa kaniya.

"I'm not in the mood right now-"

"Theo!"

"Fine!" pagsuko nito at wala pa ring reaksyon ang mukha niyang nagpaumunang maglakad papunta sa tambayan.

Nagkatinginan naman kaming lahat bago sumunod sa kaniya.

Ilang minuto lang ay narating na namin ang tambayan at agad kaming pumasok sa loob.

"Sham? Nandito ka ba?" sigaw ko habang nililibot ang paligid.

"I guess she's not here." ani Van at tumingin naman ako sa kaniya.

"Saan naman siya pwedeng magpunta?" nag-aalalang tanong ko.

"Iisa lang ang taong sa tingin ko ay kasama niya o alam kung nasaan siya." saad nito.

"Sino?"

"Si Miko."

Paalis na kami sa tambayan nang mapatigil kami nang magsalita si Mitch.

"Teka."

"What is it, Mitch?" tanong sa kaniya ni Serene. Sinenyasan naman kami ni Mitch gamit ang kanang kamay niya at pumikit. Taka kaming tumingin sa kaniya na animoy nagpopokus sa ginagawa.

Ano nga bang ginagawa niya?

"What is she doing?" dinig kong bulong ni Megan kay Yvonne pero kibit-balikat lang ang isinagot nito at muling ibinalik kay Mitch ang paningin.

"May binubulong ang hangin, sa tingin ko ay nando'n siya." sabay turo niya sa mas malayong parte ng gubat.

"Sigurado ka, Mitch? Anong gagawin niya d'yan?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ako sigurado, pero do'n nanggagaling ang ihip ng hangin na tila bumubulong sa 'kin." sagot niya at do'n ko lang naalalang hangin nga pala ang kapangyarihan niya.

"So? Shall we go there?"

"Tara!"

* * * * *

Ilang minuto na kaming naglalakad at pasikat na ang araw.

"Are you sure that this is the right path, Mitch?" saad ni Van.

"Oo, dito."

"Pero Mitch, nasa labas na 'to ng academy." natigilan kami sa isinatinig na 'yon ni Lash.

"Ha?!"

"Yeah, nasa labas na tayo ng academy."

Sabay-sabay kaming napatingin lahat kay Mitch.

"Pero dito nga, nararamdaman ko. Sa tingin ko at malapit na tayo."

"Paano kung may mga kalaban dito?Baka kung anong mangyari satin?"

"Hindi, wala akong nararamdaman."

"Let's move." blangkong bigkas ni Theo at sumunod naman kami sa sinabi niya.

He's cold.

Nagtuloy-tuloy lang kami sa paglalakad at hindi nagtagal ay nakalabas kami ng gubat at agad na tumambad sa amin ang isang napakagandang tanawin.

Napanganga pa kaming lahat sa ganda ng paligid, lalong lalo na ang kulay asul na tubig ng lawa. Marami ring mga lumilipad na alitaptap na mas dumadagdag pa sa kagandahang taglay ng buong lugar, at nagkalat din ang makukulay na mga halaman at bulaklak na naroroon kahit saan ka man tumingin. Maging ang mga samo't saring paru-paro ay nakakaengganyong pagmasdan.

"I didn't know that this place exist." namamanghang sambit ni Serene.

"Me, too." wala sa sariling saad ko rin habang namamanghang inililibot ang paningin sa ganda ng paligid.

Abala kaming lahat sa pagkilatis sa napakagandang kapaligiran na ito nang bigla nalang kaming mapatigil dahil sa tunog na tila'y may umahon mula sa tubig. Dahil doon ay sabay-sabay kaming napalingon sa pinagmulan no'n at ganoon na lamang ang agarang panlalaki ng aming mga mata't dagliang pag-awang ng aming mga labi dahil sa aming nakita.

"OH MY GOSH!"

"SHAMIERE!!!"

"F-FUCK!!"

"OH SHIT!!"

"D-Damn!"

"Crap!!"

"Oh my!"

"Holy-"

"TUMALIKOD KAYO!!!" agad na sigaw ko sa mga kalalakihan dahilan upang taranta silang mapatalikod habang labis na namumula ang kabuuan ng kanilang mga mukha't patuloy na nagsisimura.

Nakita lang naman namin si Shamiere na umahon mula sa lawa nang NAKAHUBAD.

Mabuti nalang at natatakpan ng mahaba niyang buhok ang kaniyang dibdib habang ang pang-ibabang parte ng katawan naman niya ay nakalubog pa rin sa ilalim ng tubig, pero. . .

NAKAHUBAD PA RIN SIYA!

The Mysterious Girl of Terrensia Academy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon