CHAPTER 01
BABYAkala ko si Kuya na sisigawan ako para gisingin upang 'di malate sa school ang bubungad sa akin sa umaga, pero nakapagtatakang sobrang tahimik ng buong bahay pagmulat pa lang ng aking mga mata.
Hinanap ko si Kuya pero hindi ko siya mahanap sa buong bahay. Halos akyat-baba ako sa pangalawang palapag ng aming bahay para lang mahanap siya, pero wala talaga. Naisip ko na baka umalis siya. Kaya nandito ako sa kuwarto ko, hinihintay ang pagbalik niya.
Pero sa'n naman kaya nagpunta 'yong bubuyog na 'yon?
Ang hirap 'pag isa lang ang kasama mo sa buhay tapos iniwan ka pa. Ang hirap maiwan. Lalo na ang maiwang mag-isa.
Sobrang mahal na mahal ko si Kuya dahil siya lang naman 'yong laging nand'yan para sa akin. 'Di lang talaga maiwasan minsan na mainis sa kanya kasi ang kulit niya na sobrang daldal pa, pero sobrang maalalahanin n'on lalo na 'pag dating sa akin.
Halos kanina pa ako naghihintay. Naiinip na rin ako, pero buti na lang nakita ko na siya sa may pinto ng kuwarto ko. Finally Kuya!
"Kuya Honey sa'n ka galing? Hinahanap kita kanina pa," bungad kong sabi pagpasok niya.
"Oh, Baby nagluto muna kasi ako ng hapunan natin, eh," sagot niya.
Ha? Ang tanong ko saan siya galing? Tapos sagot niya naman nagluto muna raw siya. Wait, what? Anong connect?
"May sasabihin pala ako sa 'yo," muling tugon niya then suddenly, he smiled.
"Wow Kuya bakit ka nakangiti d'yan? Nababaliw ka na naman 'no?" sabi ko at bigla niya na lang akong sinamaan ng tingin. "Ahh, so alam ko na, I smell something... good news?"
"Aba, oo naman Baby damulag ko, good news talaga 'yon. Mag-impake ka ng mga damit mo mga good for 2 weeks," nakangiting saad niya at ako naman napatikom ng bibig.
"Eh good news ba 'yon Kuya? P-Papalayasin mo ba ako?" Bigla akong napasinghap.
Grabe! Babawiin ko na ba 'yong sinabi kong mahal ko si Kuya? Gusto kong umiyak sa ideyang papalayasin niya ako.
"Hahahaha ikaw talaga! Hindi hindi, may pupuntahan tayo."
"Saan naman tayo pupunta Kuya? At bakit naman gano'n katagal?" I asked him again. I'm really confused.
"Punta tayo sa Palawan para makagala at makapagrelax tayo," aniya.
"Ay, akala ko may pasok. Hinintay pa naman kita Kuya dahil 'kala ko male-late na ako dahil 'di mo 'ko ginising."
Natawa na naman siya. "Bakasyon ngayon. Nakalimutan mo na agad, ayaw mo bang magpahinga muna sa lahat?"
"S-Syempre gusto Kuya." Gustong-gusto. Nakakapagod kayang umasa na lang lagi sa mga bagay-bagay na sinasaktan ka lang.
"Oh, edi tara sa Palawan!" nakangiting anito at doon niya napagdesisyunang tumabi sa akin sa may side ng kama kung saan ay naroroon ako.
Palawan? Parang may naalala ako do'n. Napangiti ako kahit nakakalungkot talaga 'yon. Hanggang sa napangiti na lang ako nang mapait.
Bata pa ako nagpunta kami nila Mom, Dad at Kuya ro'n. Isa 'yon sa hindi ko makakalimutang memories namin. Buo at masaya kaming sama-sama at puno ng pagmama---Wait tama na ang reminiscing. I should look forward.
Reminisce about the past and look forward to the future. Oo tama gano'n dapat.
"Sure Kuya, magandang ideya 'yan. Kaya ka ba wala kanina dahil lumabas ka para bumili ng ticket?" I asked even it's really obvious. I just reassured it, wala namang masama.
"Oo Baby, at bukas 'yong flight 8:30am," sagot niya. Ang bilis naman, pero sige okay na rin 'yon.
"Sige Kuya mag-iimpake na ako, sana lang hindi mabigat 'yon." I sighed, thinking about the suitcase luggage that's surely so heavy... that I'm about to carry.
"'Wag kang mag-alala nandito lang si Kuya pwedeng-pwede kong buhatin 'yon, malakas ito," aniya sabay pakita n'ong muscles niya.
Ngumiti ako kay Kuya. Oo Kuya alam ko, na kahit hindi mo sabihin, alam kong lagi kang nand'yan para sa akin. Kaya Kuya, sobrang mahal na mahal kita.
Hindi ko na pala babawiin 'yong I love you ko kay Kuya. Akala ko lang talaga papalayasin niya ako kanina, eh.
Nagsimula na akong mag-impake. Siguradong makakarelax kami roon. Maganda 'yong tanawin at sariwa 'yong hangin.
Kahit na nakakaiyak dahil doon mismo sa lugar na 'yon nagpapaalala sa masayang nakaraan namin na malayong-malayo sa kasalukuyan.
Pero tanggap ko na, siguro? Kahit hindi sapat 'yong sayang nararamdaman ko kasama si Kuya.
Hindi matutumbasan ng ninuman 'yong binibigay niyang pagmamahal sa akin.Kaya tanggap ko na. Na si Kuya 'yong ina at ama ko dahil 'yong mga magulang ko wala sila.
Siguro ang pagpunta rin namin do'n sa Palawan ay simbolo at tanda ng aming pagtanggap. Nangangahulugan na kailangan naming tanggapin ni Kuya na hindi na kami magiging gano'n sa dati. Dating masaya at buo kagaya ng alaala ng nakaraan do'n sa Palawan.
Pagkatapos kong mag-impake agad akong lumapit kay Kuya and I hugged him tight. "Kuya sasama ako at pupunta ro'n hindi lang para magrelax, kundi dahil handa na ako Kuya. Handa ko ng kalimutan 'yong masakit na nakaraan ng pamilya natin," I whispered. Hanggang sa niyakap niya rin ako pabalik.
"Oo Baby kailangan na talaga nating kalimutan 'yon. Pati ang 'yong school mo, kalimutan mo na rin 'yon. Alalahanin lang natin 'yong masasayang alaaala na parang walang nangyaring kalungkutan," pagsang-ayon niya. "Almusal na tayo pagkatapos mong mag-impake," dagdag niya.
"I love you Kuya. Sige Kuya kain na tayo tapos na akong mag-impake, eh. Ikaw ba Kuya nakaimpake ka na?" I asked him.
"Mahal din kita Baby damulag ko. At oo nakaimpake na ako Baby, matagal ko na rin kasing pinag-iisipan 'yong paggala natin," he said then he smiled. Parang baliw, puro siya ngiti kanina pa.
Sabay na kaming bumaba ni Kuya at pumunta sa hapag kainan. Nagsimula kaming kumain at mabilis ding natapos. Lumipas ang araw na ito kasama si Kuya. Gumala lang kami kung saan-saan, kagaya lang ng araw-araw. Bakasyon nga pala ngayon.
Kinabukasan 8:00am na kami ni Kuya pumunta sa airport. Nandito na kami ngayon nakasakay sa eroplano at paalis na ito after 5 minutes.
"Baby matutulog ka ba? 1 hour 'yong byahe natin. Pwede ka pang magpahinga," he whispered.
"No need na Kuya okay lang ako. Gusto ko ring makita 'yong mga ulap at 'yong itsura sa ibaba," I answered. Pero ang totoo niyan medyo inaantok talaga ako dahil maaga akong nagising kanina.
"Oh sige pala Baby," aniya.
Hello, and welcome to Love Flight 143 to Palawan. This is not a romantic flight as it seemed, the name of this flight itself doesn't have any connection with love. But I do know that you're here with someone you love." Nakarinig ako ng ilang mga mahinang tawa, ang iba naman ay napangiti dahil sa aming narinig mula sa flight attendant yata.
And yes po, kasama ko nga ang taong mahal ko. Ang nag-iisang tao sa buhay ko na mahal na mahal din ako.
"I love you Kuya," I whispered. Hindi lang ako sigurado kung narinig ni Kuya.
"Ladies and gentlemen, please take a moment now to make sure your seat belts are fastened low and tight about your waist. To fasten the belt, insert the metal tab into the buckle. To release, it's a pulley thing---not a pushy thing like your car because you're in an airplane. We will about to take off, so just relax and please enjoy the ride. Thank you for choosing our Flight, it means a lot to us," the flight attendant announced and I heard it from those speakers from the above surface of the airplane.
Nag-umpisang umandar 'yong eroplano. Hanggang sa tumataas na ito at umabot na sa himpapawid. Grabe ang ganda-gandang pagmasdan sa ibaba, 'yong mga tao para na silang mga langgam kaliliit.
Pero bigla ako napasimangot dahil sa dinami-rami ng tao sa mundong ito, bakit kaya si Kuya lang 'yong tinadhanang makasama ko? May dadating pa ba? Sana. Sana talaga.
Puro sana, a word that Baby Love loves.
I'm Baby Love, by the way.