Seventeen

259 14 0
                                    

CHAPTER SEVENTEEN
Kalungkutan

SUMABAY SA pagaspas ng hangin ang tela ng aking magarang saya, sumasayaw sa hangin ang nakalugay kong buhok kasabay ng nag uumapaw kong kapangyarihan. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga bampirang nasa harapan ko.

Batid kong ang bampirang nakatakda sa kapatid ng Hari ay wala rito at hindi ko rin alam kung alam niya ba ang ginagawa ng angkan niya sa pamilya ng babaeng mahal niya.

Higit din na mas malakas ang ugnayan ng bampira sa kanilang kabiyak, lalo na kung nakainom na ito ng kaniyang dugo. Hindi ko mawari kung anong nag udyok sa mga bampirang ito na kitilin ang buhay ng amang hari.

Masyadong mapusok, masyadong marahas. Isa sa mga dahilan kung bakit lagi ko silang binabantayan. Ang mga kilos nila ay lubhang brutal.

"Sabi ko yuko!" Lumalagpas na sa lente ng aking salamin ang pag ningas ng aking mata ngunit sa halip na magsi yuko ay malakas na pagtawa ang namutawi. Lalong nag diin ang mga kamao ko sa aking saya,

"Baby..." dama ko ang pag hakbang ni Shadow upang lapitan ako ngunit pinigilan ko siya gamit ang pagpapalabas ng pulang abo sa paligid ko.

"Look, wala sa kanila si prince Leyden, you're just disguising yourself" Inianggat niya pa ang kamay niya upang ituro ang mga prinsipe, tama siya nagkulang nanaman ng isa.

"Nais mo pala akong subukan," umangat ang sulok ng aking labi, inisa isa sila saka unti unting ibinaba ang salamin ko sa mata.  Sa isang iglap, humalo na sa akin ang pulang abo ng kasamahan nila. Siya yung kaninang may dala ng ulo ng amang hari.

Bumadha ang takot at gulat sa kanilang mga mata. Isa sa mga napag aralan ko sa Alba Morticia ay ang kilalanin ang pakay. Hindi ko na sila kailangang utusan na pumikit dahil mata ko na mismo ang umaasinta sa kalaban.

Akala ko ay tuluyan ko na silang mapapayuko sa ginawa ko ngunit mas umangat ang galit sa kanilang isipan, nag labasan na ang mga pangil nila kasabay ng pagkukulay dugo ng kanilang mga mata.

Nadatnan ko pa ang agarang pag responde ng mga prinsipe na ngayon ay nakahelera na, si prinsipe shadow at keith ay kapwa nasa aking tagiliran, nakaposisyon. Samantlang ang ibang prinsipe ay nasa aking likuran.

Labing isang bampira laban sa siyam na prinsipe, na ang isa pa ay nawawala. Isang binatang taga ëröstä, at ang reyna ng Alba Morticia. Magandang labanan.

Dama ko ang pagtaas ng kanilang mga enerhiya, samantalang ako ay pirming nakatayo sa harapan. Hindi kumikilos.

"Bibigyan ko kayo ng isa pang pagkakataon," inayos ko ang salamin ko sa mata. "Magbigay pugay kayo sa inyong reyna"

Ngunit mukhang biro lamang ang lumalabas sa aking bibig dahil sa isang iglap, isa isa na silang naglabas ng ispada, sunod sunod na ispada ang lumabas hindi lamang mula sa mga bampira kundi sa aking mga kaanib. Isang ispada ang nakatuktok sa akin, habang ang may hawak ng ispada ay may nakakatutok din sa kaniya, na siyang hawak ni Shadow.

Sunod sunod, at walang kumikilos sapagkat ang bawat isa ay may patalim na nakatutuk sa kani kanilang leeg.

Tumagal ng ilang segundong titigan, bago ko maramdaman ang hapdi sa aking leeg kasabay ng paglandas ng dugo ko sa kaniyang espada. Nag siklab sa galit si Shadow at ang mga kaanib ko, ngunit panibagong enerhiya ang aming naramdaman kasabay ng sunod sunod na alulung mula sa paligid.

Hindi na bumilang pa ng segundo at sa isang iglap ay higit sa dalawangpung lobo ang nasa aming paligid, iba ibang klaseng lobo at ang nasa harapan ay lulan ang prinisipe. Si Prinsipe Leyden.

"Oh? Leyden invited the pack!" tuwang tuwang saad ni Clement.

"Nais mo bang sagarin ang pasensya ko?" tumaas ang kilay ko sa kanila. Kanina pa ako nag titimpi sa mga lapastangang ito, ngunit tila ba hindi nila ako sinersyoso.

Naglabas ako ng pulang abo sa aking mga kamay, dama ko ang paglandas nito at ang pagtindi pa ng aking kapangyarihan. Sa oras na may mapatay ako, ang enerhiya nila ay napupunta na sa akin.

Mas malakas na nilalang na aking napapatay, ay katumbas ng aking paglakas.

Tinipon ko ito sa aking kamay saka inilahad sa harapan nila. May ibang nakaiwas sa hagupit ng aking abo ngunit ang iba ay naistatwa na habang pinagmamasdan ang pulang salamin na pumapalibot sa kanila.

Mukhang sapat na ito upang mapatunayan ang aking sarili sa kaniya, kusang lumuhod ang mga bampira sa kanilang reyna bilang pagpugay. Ngunit huli na sila, sa isang iglap lamang ay unti unti na silang napapalibutan ng pulang salamin.

Dama ko ang panginginig ng aking mga kamay habang binubuo ang salamin, isa sa mga pinaka nakakaubos ng lakas ang paggawa ng salamin. Lalo na kung malakas din ang ipipiit mo sa loob. Mas malakas na nilalang na ipipiit ay dapat na mas matibay at mas makapal ang salamin.

Inutusan ko si Kazi na ilipad sila papuntang Alba Morticia. Isa si Kazi sa mga nilalang na kayang magpabalik balik sa Alba Morticia ng walang aberya.

Nang makaalis na si Kazi ay naramdaman ko ang banayad na pag higit ni Shadow sa aking palapulsuhan. "Ayos ka lang?" tanong ko sa oras na mag landas ang aming mata. Sinundan niya ito ng mahinang tawa saka pinunasan ang pawis na tumutulo sa aking noo pababa.

"Naunahan mo ako" naiiling nitong saad, lumagpas ang tingin ko sa lalaking nasa kaniyang likuran. Siya ang lalaki na kasama ko noon sa mundo ng mga tao.

Ang prinsipeng nangako sa akin na ako ang magiging reyna niya. Kusang  humakbang ang aking mga paa upang malapitan ang prinsipe. Hindi pa man buo ang alaala ko sa nakaraan, alam kong malaki ang parte niya roon. Nais kong malaman, na kung sakaling matignan ko siya ng malapitan ay babalik ang ilan naming alaala.

"S-sin.." bahagya akong nagulat ng tawagin niya ako sa aking pangalawang pangalan. Ang unang lalaking tumawag sa akin ng ganoon. Ibig sabihin nito ay kilala niya rin ako.

"Ezra! Bumalik ka!" natutuwang saad ng isa sa mga prinsipe ngunit hindi ko na sila napagtuunan pa mg pansin dahil nakatutuk lamang ako sa prinsipeng nagtataglay ng abong mata. Masyadong malinaw ang pagkaabo ng mata niya kumpara sa sino man.

"She doesn't recognize us, her memory was lost"  narinig ko pa ang pagpapaliwanag ng prinsipe ng mga yelo.

Kasalukayan kaming napapalibutan ng mga prinsipe, ni Caden at ang mga lobong inimbita ni Prinsipe Leyden. Nasa aking likuran ay si Shadow samantalang nasa aking harapan si Smoke. Sa gitna ng malawak na bulwagan, iba ibang nilalang.

"Nais kitang hawakan" sa tagal ko siyang pimagmasdan ay iyon lamang ang lumabas sa aking bibig. Bahagya lang nanlaki ang kaniyang mga mata sa kaniyang narinig.

Hindi ko pa nagagawang iangat ang aking kamay mg higitan nanaman ako ni Shadow.  Napapagitnaan ako ng aking nakaraang prinsipe at ang kasaluyan kong prinsipe.

"Baby, let's go" malalim ngunit dama ko ang kalungkutan sa mata ng aking prinsipe. Lalo ko itong makompirma ng tumingin ako sa kaniya.

"Shadow..." agad niyang pinupunasan ang luhang lumandas sa kaniyang pisngi. Ang aking prinsipe ay nagpakita ng kahinaan sa harap ng marami.

"Baby, let's go please..." lumamlam ang mata ko sa kaniya, hindi alam ang sasabihin.

"Please. It's hurt to see you...looking at him in that way" nagtubig ang aking mga mata sa aking mga naririnig. Hindi ko sinasadya, nais ko lamang na bumalik na ang mga alaala ko.

"I am your damn fate baby, but why do I feel like you're not into me?"

 The Hollow Throne [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon