• Dedicated to roosseeey •
I'm always receiving a love letters, gifts, flowers and foods from a secret admirer.
New day, new gifts again.
Napapatanong ako kung sino nga kaya talaga ang nagpapadala nito?
"Hi Roselle!" Bati sa 'kin ni Zian, kasamahan ko sa music club.
"Hello." Bati ko sa kanya saka ngumiti. Siya kaya?
Okay self, assuming.
"Pahingi!" Saad niya saka kinuha ang bigay na tsokolate sa 'kin ng kong sino.
"Salamat!" Sigaw ko rito ng sarkastiko nang tumakbo siya papalayo.
"Welcome!" Ang kapal ng mukha, sasagot pa.
"Roselle, a-ahm...hi." nahihiyang dinig kong tawag ni David, kaschool mate ko.
"Nagustuhan mo ba?" Nakangiti pero nahihiyang tanong niya habang nakayukong bahagya at kumakamot sa batok.
"Sa 'yo galing?" Sa wakas nagpakilala rin.
"Salamat." Sabi ko saka ngumiti sa kanya, naiilang siyang tumingin sa 'kin saka tumingin nanaman sa ibang direksiyon.
"C-can I court you?" Bahagya akong nabigla sa tanong niya saka ko nanaman naalala ang nakaraan.
------------------
"Babalik si papa, pangako." Saka siya sumakay sa tricycle at umalis.
Umiyak ako habang nakayakap sa tita ko.
Ilang araw pa ang lumipas wala parin si papa.
"Papa, nasaan ka na?"
Kinabukasan sisilip muli ako sa bintana nagpapakasali na naroon na si papa pero wala.
"Papa, ang tagal mo."
Lumipas ang buwan at taon walang bumalik na ama ko.
Hanggang sa nagkolehiyo ako't nag-aantay parin sa kanya. Nang malaman kong may bago na siyang pamilya.
"Anak, namiss ka ni papa." Saka niya ako niyakap na tila ba hindi niya ako iniwan ng ilang taon.
Na para bang walang nangyari na nasaktan ako ng sobra.
"Anong ginagawa mo dito?" Matalim ko siyang tinignan sa mata at ni katiting na ngiti sa 'king labi ay hindi ko maipakita.
"Kinakamusta ka. Dalaga na ang anak ko, may nobyo ka na ba?"
"Wala." May bahid ng galit na pagkakasabi ko rito, paano niya nakukuhang umakto na parang ayos lang kami?
"Bakit? Akala ko may ipapakilala ka na sa 'kin."
"Wala, wala akong lalaking tinanggap sa buhay ko maliban sa nasa itaas. Kasi ikaw! Ikaw mismo na ama ko sinira ang tiwalang binitawan niya. Ikaw na unang lalaking minahal ko iniwan ako." Saad ko dito habang may tumutulong likido sa'king mata.
Sinubukan niya akong hawakan pero lumayo ako.
"Pagkatapos ngayon babalik ka na parang wala lang? Iniwan mo 'ko! Nang dahil sa 'yo wala na rin ako pinapapasok na lalaki sa puso ko. Kasi naranasan ko na 'yon at sobrang sakit hanggang ngayon."
"Patawarin mo ako, binalikan na kita." Napangisi ako at bahagyang natawa ng nakakaloko sa sinabi niya.
"Bakit ka pa ba bumalik? Sana hindi na lang."
"A-anak..."
"Tama na papa. Ikaw ang unang lalaking nanloko sa 'kin, ikaw ang unang lalaking nagpaiyak sa 'kin. Ayoko na ng lalaki! Kasi ikaw papa, ikaw ang first heart break ko. Sa'yo unang beses nadurog ang puso ko."
-----------------
Magmula noon hindi na ako nagmahal pa. Lahat ng nanliligaw sa 'kin, inaayawan ko.
Ayoko magmahal ulit. Ayoko madurog nanaman ang puso ko ng dahil sa lalaki.
Hanggang ngayon hindi pa ako nakakamove on sa first heart break ko, it is because of my father.
BINABASA MO ANG
Chapters of My Life (On-Going)
General FictionDifferent stories, casts, genres in one book. Ready to cry, laugh, feel scared, confused and etc. Every chapter of our lives, every imagination that we had, every pieces that we want to show, every ink that we can used. Let us hold a book with a dif...