Chapter 41"Please, just leave." Mariing aniya. "Just l-leave."
Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang kumalas siya sa yakap ko at walang lingunang iniwan. Nabato ako sa kinatatayuan ko. Wala akong ibang maramdaman. Wala akong maramdaman. At wala akong gustong maramdaman.
'How can you just turn your back on me, Cyrus, love?'
Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Ang pagpapakita ni Missy kanina. Ang pruweba na ipinarinig ni Missy kanina. Ang pruwebang pilit kong binabalewala. Ang pruwebang pilit kong hindi pinaniniwalaan. Ang pruwebang pilit kong pinasisinungalingan.
'I love Selene. Because she reminds me of my sister. That's the truth. Now, does it make you happy? '
Naramdaman kong sunod-sunod na tumulo ang maiinit na luha sa magkabilang pisngi ko. Nanatili lang akong nakayuko. Nakikita ko pa itong nalalaglag mula sa mukha ko. Pero wala akong maramdaman. Wala akong nararamdaman.
'Wala akong gustong maramdaman.'
Nakatulala lang ako habang naglalakad palabas ng ospital. May lumapit na nurse sa'kin pero hindi ko pinansin. Sinusundan niya 'ko pero hindi ko pa rin siya pinapansin.
"Miss, kailangan niyo pong--"
"Selene!"
Inangat ko ang tingin ko kay Haya na humahangos patungo sa'kin. Sinuyod niya ng tingin kabuuan ko. Hindi niya malaman kung dapat niya ba 'kong hawakan o ano.
"S-Selene, ayos ka lang ba? May problema ba?" Kitang-kita ang pag-aalala niya sa'kin.
Hindi ko alam kung bakit, pero no'n ko pa lang naramdaman ang sakit na dulot ng mga naganap ngayong umaga lang. Ngayong umaga lang.
Mas bumilis ang pag-agos ng mga luha ko. Mas yumugyog ang magkabilang balikat ko. Mas naramdaman ko ang sakit ng ulo ko. Mas sumakit ang balakang ko. Mas kumirot ang brasong hawak ko. Mas bumigat ang dibdib ko.
"S-Selene, tahan na..." Pag-aalo niya. "N-Nandito ako, nandito na 'ko..." Garalgal na rin ang boses niya.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon. Nakahilig ang katawan ko sa kaniya habang yakap-yakap niya 'ko. Hinahaplos niya ang likod ko habang walang tigil ang pag-iyak ko.
"I-I want to go home."
Naramdaman ko ang pagtango niya sa sinabi ko.
"Uuwi tayo, halika, iuuwi na kita."
Inalalayan niya 'kong maupo sa front seat. Tahimik siyang umikot, at bago pumasok ay may tinawagan muna. Marahil ay ang naiwan niya sa meeting na nabanggit niya kanina.
"I-I'm sorry. Naistorbo yata kita sa m-meeting mo." Sabi ko pagkaupo niya sa driver's seat.
"No, it's okay. Hindi naman 'yon sa DLC, eh." She smiled.
Tumango na lang ako at tumingin sa daan. Tahimik pa rin na tumutulo ang mga luha ko pero hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon na palisin 'yon.
'I love Selene. Because she reminds me of my sister. That's the truth. Now, does it make you happy? '
'Yes, yes, I care for you. I do. Because I love you...'
Mas lalong tumulo ang mga luha ko. Hindi ko alam kung may lakas pa 'ko ng loob na pagpaniwalain ang sarili kong hindi 'yon totoo.
'Hindi ko alam kung lakas pa 'ko ng loob na magsinungaling sa sarili ko.'
YOU ARE READING
Our Own Eclipse
RomanceHow would you believe in love, if it already destroy you enough? How can you believe in love, if you already know how can it hurt you a lot? She is a moon refusing to have a sun. He's a sun who lost his moon. She is a moon who's lack of light. A...