Annika's POV
Hindi ako pwedeng mamatay, hindi ko pwedeng sundin ang landas ni audree kung hindi mamatay ako at mismong emperor ang magpapapatay sakin
Tumayo ako, kailangan kong mabuhay sisiguraduhin kong sa buhay ko na to magiging masaya ako, mamumuhay ako ng payapa at malayo sa panganib
Napagdesisyonan kong lumabas at humanap ng pwede kong pagtanungan, kailangan kong malaman at aralin mabuhay sa panahong ito kung hindi madedeads uli ako, nagulat ako pag bukas ko ng pinto
"Kanina pa kayo diyan?"-Tanong ko sa dalawang naka maid outfit kanina
"Opo prinsesa"-Sabay nilang sabi, Teka bat ba parang takot na takot sila sakin?
Magtatanong na sana ako ng marealize ko na hindi nga pala maganda ang trato sa kanila ni audree noon, masyadong nagrerebelde si audree sa kanyang ama di nadamay nya yung mga tao sa paligid nya
"Pwede ba kayo pumasok? May gusto akong malaman"-Sabi ko, nakatinginan naman silang dalawa, hindi ko sila magsisisi sino ba naman ang di magtataka sa taong napaka sama ang ugali tapos biglang bumait, well di naman ako sobrang bait pero kumpara naman kay audree mas di hamak no
"Masusunod po prinsesa"-Sabay nila uling sabi taray chorus, tumabi ako sa pintuan para makapasok sila, nang makapasok sila nilock ko ang pintuan at narinig ata nila ang pag lock non agad silang na patingin sakin at namutla siguro akala nila ay sa saktan ko sila katulad nang ginagawa ni audree sa kanila
Lumapit ako sa isang mahabang sofa sa kwarto ko may maliit na mesa sa harap non bali dalawang mahabang sofa na mag ka harap tas sa gitna may kahabaang mesa
"Upo kayo"-Dali dali naman silang naupo at ako naman ay naupo sa harap nila
Grabe muka silang tense na tense wala naman akong ginagawa, grabe talaga ka demonyohan ni audree iba din
"Wala akong maalala sa nangyari sakin"-Sabi ko, napaangat sila ng tingin
"PO?"-Gulat nilang tanong
"Wala ako ang maalala, kahit ano"-Napagdesisyonan ko na lang na mag panggap na may amnesia ako tapos babaguhin ko ang hinaharap sino ba gustong mamatay
"Tatlong araw po kayong walang malay, hindi rin po namin alam ang nangyari sa inyo, natagpuan po kayo ng kusinero sa may hardin habang sya ay namimitas ng gulay na gagamitin sa pagluluto, ang sabi nya nakita nya na lang kayong walang malay doon at wala syang nakitang ibang tao"-Sabi ni ano nga ulit ang pangalan nya? Alice? Oo tama alice! Silang dalawa yung ka tulong ni audree na sobrang loyal sa kanya kahit na kinakawawa nya
Naalala ko na ang dalawang ito, ang isa sa kanila ay tinorture dahil pinagtakpan si audree sa ginawa nya tapos ni hindi man lang nag pasalamat o nag sorry ang bruha
"Gusto ko humiling ng pabor sa inyo"
"Kahit ano po prinsesa"-Sabi naman ng isa
"Walang makakaalam ng tungkol sa sitwasyon ko, maliwanag? Tulungan nyo kong dalawa na maalala uli ang nakaraan ko"-Grabe ang lalim non! Di ko na keri
"Walang problema prinsesa, ngunit prinsesa dadating na ang ika labing walong kaarawan mo at makakalaya ka na sa palasyong ito hindi mo na po kami laging makaka sama"-Alice, tama sya sa kwento ay naging ka tulong na lang sila sa palasyo ng kanyang ama kung saan sya lilipat pagkatapos ng ika 18th birthday nya
"Magiging personal ko pa rin kayong ka tulong, akong bahala"-Kung kailangan ko ipakiusap yon sa tatay ni audree gagawin ko, kailangan ko sila ayoko magmukang tanga sa panahong ito
*
~One month later
Isang buwan na ang nakalipas mula nang napadpad ako dito, isa lang masasabi ko ANG SARAP NG BUHAY DITO
Kung ako lang kuntento na ko sa ganitong buhay malayong malayo sa buhay ko noon, hindi ko na kailangan mag banat ng buto at ilagay ang sarili ko sa panganib, dito pa petix petix lang ako gigising, kakain, magaaral, kakain magaaral, kakain, matutulog and repeat, hindi ko kailangan gumising ng maaga sila ang nag aadjust sakin pero syempre marunong ako mahiya gumigising na ko ng kusa sa umaga
Ang hirap lang siguro na naranasan ko dito ay aralin yung etiquette nila dito ang daming kaartehan! Madali lang naman aralin ang buhay dito medyo toxic nga lang dahil hindi pantay ang tingin sa kababaihan at kalalakihan dito
Kalalakihan lang ang may karapatan makapag aral ng kahit ano, kung sa babae naman ang mga mahaharlika lang o yung mga babaeng mayayaman pero yung gusto mo lang trabahuhin ang pwede mong aralin, katulad ng doktor at teacher limitado lang ang pwede mong aralin pero karamihan naman sa mga babaeng maharlika di nila kailangan magaral dahil uso dito yung arrange marriage, ipapakasal sila sa mayamang lalaki tapos di na sila pwedeng nagtrabaho
Katulad ni audree syang inaral na kahit ano bukod sa pagbabasa, pagsusulat at pagbibilang, yan lang naman ang kadalasang inaaral ng mga kababaihan dito
Malayo yon sa balak ko, hindi ako matutulad sa kababaihan dito! Ayoko iasa sa pagaasawa ang buhay ko, kaya ko mabuhay magisa no
*Door knocks*
"PASOK"
"Prinsesa andito na po ang magsusukat sa inyo"-Mila
"Magsusukat?"
"Opo, yung gagawa po ng susuotin nyo para kaarawan nyo"
"Ahh, Sige papasukin nyo"-Birthday ko na nga pala este ni annika sa isang araw, ngayon lang ako nakakita ng mananahi ng damit isang araw bago yung okasyon
"Magandang umaga Prinsesa Audree"-Sabi ng isang may edad na babae kasama ang isang ding babaeng di nalalayo ang edad sakin
"Magandang umaga din"-Mukang nagulat pa to sa pag bati ko pa balik, grabe kasi chismis sakin dito napaka sama daw ng ugali ko well totoo naman ganun talaga si audree pero ako si annika, di ko rin sila masisi kasi kahit ako banas ako sa babaeng yon
*
Ayon sinukatan na ko, antaray talaga dito di uso dress, gown talaga lagi parang laging js prom, kung ako tatanungin di na ko mag papagawa ng damit kasi napaka daming damit ni audree pero wala akong magawa tatay daw ni audree ang nagutos
Speaking of her father, since napunta ako dito never ko syang nakita na dumalaw man lang kahit na sabihin natin na 3 days walang malay si audree, well I feel bad for her kahit na masama ang ugali nya she doesn't deserve this
"Ang ganda po ng katawan nyo prinsesa"-Sabi ng kasama ng may edad na babae
"Rari ano kaba!"-Pasigaw na buong ng babaeng may edad, yung fashion designer kung tawagin satin
"Paumanhin prinsesa"-Sabi nung rari
"Ayos lang, salamat"-Sabi ko na lang, well di maipagkakaila na maganda talaga hubog nitong si audree, siguro isa din ito sa pag ka kaiba namin mas malaki kasi ang pwetan nya kesa sakin pero mas malaki ang hinaharap ko, may ilalaban din naman ang likuran ko hindi nga lang kasing laki ng kanya, yung dibdib nya naman mas maliit lang ng konti sa dibdib ko di naman ganon kalaki ang difference, oo na mas maganda na katawan nya saken, wala rin naman na rating tong kagandahan at kasexyhan nya kasi di rin nya rin nagamit sa emperor
BINABASA MO ANG
Wait! Who am I again?!
RomanceA/N:It's been a 2-3 years since the last time na nag sulat ako, now I'm back I hope you'll also like this new story of mine wavyu❤️