2

3 0 0
                                    

Mahigit dalawang linggo na ang lumipas matapos ang nangyari sa pagitan namin ni Dhalia, at masasabi ko na okay na kami ni Mama matapos ang isang linggo na cold treatment niya sa amin ni Beatrix. Pero hindi ko parin sinabi kung ano ang puno't dulo ng lahat. Ayokong malaman ni mama kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa pagitan namin ni Dhalia at Miguel. Mabuti na lamang at hindi na nagsaliksik si mama dahil isang dahilan ko lamang ay tinanggap na agad niya. 

Linggo ngayon at bukas ang unang araw ng klase ko bilang 2nd year college si Beatrix ay na sa 4th year High school, same school rin kami ng kapatid ko kaya pag nasa tiempo ang oras ay sinasabay ko na sya sa pag uwi, para menos gastos sa gas.

"Ate? Anong oras ba ang alis natin ng makapag-handa na ako."

Nandito kami ngayon sa sala kasalukuyan kong tinitignan ang magiging schedule ko sa buong semester nag email na kasi ang school about sa subjects and schedule namin. At napag desisyunan ko na ngayong araw na kami bumili ng mga gagamitin namin para bukas.

"Maligo kana Beatrix, aakyat narin ako log out ko lang yung account ko." Saad ko na nasa lotop ang tingin

"Sige saan ba Sm, Rob, Moa, Shangrila, O Mp?."

Daming satsat!

"Grrr! Maligo kana or else bahala kang mag commute!." Iritado kong sabi saka pabagsak na sinara ang loptop

"Chill Maisie kaya ka naagawan e!." Humalakhak pa nyang sabi sabay karipas ng takbo

Kahit kailan napang-asar talaga ang babaeng yun. Umakyat narin ako sa taas at naligo para maaga kaming makaalis sa bahay at maaga rin kaming makauwi.

3:30 na kami nakarating sa Sm Megamall, sa sobrang tagal kumilos ng isa ay naunahan ko pa syang matapos. Papasok na kami ng mall at kinakapkapan na ako ng babaeng guard nauna kasing nakapasok sa loob si Beatrix.

"Flat chested, tss."

Napalingon ako sa gawing kanan ko matapos kong marinig ang sinabi ng  lalaki, nakangisi sya at umiiling na nakatingin sakin habang kinakapkapan sya ng lalaking guwardiya.

Ang kapal!

"Miss kanina pa tapos, kaya pumasok kana sa loob marami pang nakapila." Sita ng lady guard ng mall sa akin

Natauhan ako sa sinabi nya at napayuko nalang ako sa kahihiyan saka tumingin sa likuran ko halatang inis na inis na sila kaya mabilis kong kinuha ang bag ko at isinukbit ito sa bandang balikat ko saka nagmamadalig maglakad.

"Tagal mo naman Ate, nakailang kapkap ba ang guard sayo?." Natatawang tanong niya kaya pinanlakihan ko sya ng mata

"Malas!." Bulong ko sa sarili

"Ang lamig talaga sa Megamall, hindi ko alam kung anong nainom nyo at ang init ng ulo ng mga tao." Pagpaparinig ni Beatrix

"National bookstore muna nga tayo."

Inunahan ko sya sa paglalakad rinig kong tinawag nya ako pero di ko sya nilingon. Nag-init ang ulo ko sa lalaking yon pero ayokong mag assume na ako ang sinabihan nya. Tinignan ko pa ang dibdib ko para i-assure kung ako ba yun. Confirm ako nga! Sino ba ang kinakapkapan ng guard ako lang naman at kita kong sakin sya nakatingin.

"Hoy Maisie lagpas kana!."

Sigaw ni beatrix na-realize kong nasa tapat ako ng Forever 21 kaya nilingon ko sya at madaling nag lakad papasok ng NB.

"Lutang na lutang ka ano bang meron? Akala ko ba Nb pero dire-deretso ka, daig mo pa ang sabog hahaha."

"Shut up! May iniisip lang."

"Ano? Si Miguel ba? Yie!." Aniya na kunwari ay kinikilig

Masasapak ko ang isang to pag hindi tumigil. Hindi ko nalang sya pinansin at dumiretso sa isang notebook section, hindi ako makapili kung Catleya o Victor ba ang bibilhin ko mas gusto ko yung hindi madulas na papel mas maganda kasi iyon sulatan kaya napagdesisyunan kong Catleya na lamang saka ako kumuha ng tatlong makapal na notebook, saka ako pumunta sa ballpen section simple lang naman ang ballpen na ginagamit ko basta tumitinta ay ayos na sa akin. Kumuha ako ng limang black ball pen at isang red required kasing red ang oang check sa mga test at quiz namin.

Nang matapos kong kunin lahat ng kailangan ko hinanap ko si Beatrix nakita kong busy siyang  ipagkumpara ang dalawang brand ng ballpen. Halatang pinag-iisipan nya kung alin ba sa dalawa ang bibilhin nya. Mana talaga sya kay papa lahat ng bibilhin ay sinisigurado parehas silang praktikal sa mga bagay-bagay gusto nila yung sulit yung ibabayad nila sa isang bagay once na mabili nils ito gusto nila yung pangmatagalan at hindi madaling masira.

"Mini mini sino ba ang pipiliin ko." Rinig kong kanta nya habang palitan nyang tinuturo ang hintuturo sa dalawang ballpen

Natawa ako sa ginawa nya kahit kailan puro kalokohan

"Woi!." Pang-gugulat ko sa kanya

"Ano ba! Maisie!." Iritableng saad niya

"Kung wala kang mapili sa dalawa edi bilhin mo yan parehas. Bilasan mo at gutom nako."

"Epal!." Saad niya sabay lapag ng hawak niya sa basket. At dumiretso na papuntang cashier para mag bayad.

Hindi manlang ako hinintay

Nakangusong sinundan ko siya patahak sa counter para makapag bayad narin, habang nasa pila ay iniisip ko kung saan kami kakain after naming mag bayad. Nakakasawa naman kung kakain kami sa Spaghetti house, kung mag Roaster naman kami siguradong desert lang ang gusto ni Beatrix orderin.

Bahala na..

"Next, Please!" Sabi nung cahier kaya binitbit ko na ang basket na dala ko at agad nilapag sa counter ang mga pinamili ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fall In love at First MeetWhere stories live. Discover now