Tamaya

18 0 0
                                    

I Like You, Hiroki.

Mahinang bigkas ko habang pinagmamasdan ang lumang cardboard na nakadikit sa wall ng aking kwarto. Kinuha ko ito at pinunasan ng malinis na tela. Pagkatapos ay maingat ko itong ibinalik. Sabado ngayon syempre walang pasok.

Naalala ko pa kung paano ko iniyakan si lola para lang ipa-frame ang kauna-unahang project ko sa art noong Grade two ako. Tandang-tanda ko pa ang pagtataka sa mukha nya habang pinagmamasdan ako, ngunit isang tipid na ngiti ang sumilay sa mga labi nya ng mabasa ang nakasulat doon.

Nahihiwagaan na ba kayo kung sino ako? Tamaya Fae Natividad nga pala ang aking ngalan, ulilang lubusan na sa edad na labim-siyam. Siyam na taong gulang palang ako ng maaksidente sina Mama at Papa nang mag bakasyon sila sa Boracay.

Tanging si lola Mali na ina ni Papa ang naiwan at nagpalaki sa akin. Mabait at mapagmahal si lola Mali maliban lang sa paninigarilyo nya. Ito na rin ang dahilan kaya maaga siyang nawala at naiwan akong mag-isa.

Kinupkop ako ng ilang kamag-anak ko matapos ng libing ni lola kaya lang hindi naging maganda ang pakikitungo nila sa akin. Pag-aaral ang naging kapalit ng paninilbihan ko sa itinuring kong pamilya. Sa loob ng apat na taon kung paninirahan, hindi ko naramdaman ang salitang "kadugo".

Unang araw ko pa lang sa bahay noon ramdam ko na ang tensyon at lamig ng pakikitungo nila. Tiniis kong pakisamahan ang mga pinsan ko kahit na katulong at palamunin ang turing nila sa akin. Ganun na lang ang saya ko noong ika-18th birthday ko dahil pinayagan ako ng DSWD na magdesisyon para sa sarili ko kaya naisipan kong bumukod agad at umuwi sa dati naming bahay.

Fourth Year na ako sa Highschool at tinatapos ang activity na ibinigay ng Classroom teacher namin kahapon bago mag-uwian.

"Kung bakit ba naman ganito kalalim na words ang kailangang gamitin pwede namang normal lang para walang kahirap-hirap, di'ba?" maktol ko habang nakatitig sa picture frame ni Hiroki na ninakaw ko pa sa wallet nya noong nakaraang taon.

"Buti na lang at nandito ka kahit paano may dahilan pa rin akong mag-aral." Sabay haplos sa maliit na larawan nya sa study table ko.

Si Hiroki Hernandez nga pala ang first love ko, first crush, first friend, first sa lahat ng first. Half Japanese imported from Japan. Echos lang. Sa katunayan kababata ko sya.

Mag-isa akong naglalaro noon sa tabing daan ng may tricycle na huminto sa tapat ko. Bumaba ang isang lalaki na nasa middle 30's at tinanong ako.

"Ne, alam mo ba ang bahay ni Tammy Natividad?", malumanay n'yang tanong.

"Papa ko po siya at doon pa po ang bahay namin", sagot ko.

"Sino po ba kayo?" masigla kong tanong sa kanya. Ngumiti ang matandang lalaki sa akin.

"Ikaw pala ang anak nina Tammy at Aya. Ako ang Tito Danny mo kaibigan ng papa mo."

Kasama nya noon si Hiroki na nasa loob pa ng tricycle. At that moment, natigilan ako ng makita s'ya, ang cute nya sa totoo lang. Ang ganda ng mga mata nya tapos yung buhok nya straight na may pagka-blonde.

At the age of 9, I fell for a guy na unang beses ko lang nakita. Alam ko, napaka-superficial ng rason para mahulog ng ganun kadali sa isang tao dahil lang sa physical appearance. Pero iba sya. There was something about him that I cannot explain. Pakiramdam ko, malaki ang magiging ambag nya sa buhay ko.

Kasalukuyan kong pinupulot ang scratched papers sa sahig ng makarinig ako ng ingay mula sa labas.

"Nandyan na sila!" excited akong napatayo. Napasilip ako sa bintana ng aking kwarto. Naglalakad siya kasama ang mga kaibigan nya.

May liga ngayon sa barangay at ang grupo nila ang maglalaro ngayong araw. Dali-dali akong nag-ayos ng sarili at kinuha ang banner na ginawa ko kagabi.

Sa sobrang pagmamadali, hindi ko napansin ang plastic bag na nakakalat sa sahig at naapakan ito. Isang malutong na sampal mula sa pinto ang natamo ko. Napaupo na lang ako sa sahig habang hinihimas ang pisngi kong tumama sa pintuan.

"Kailangang presentable ako sa harap ni Hiroki mamaya. Baka isipin nyang may katangahan na naman akong ginawa."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life After YouWhere stories live. Discover now