VIEN'S
Madaling araw na nung matapos ang graduation ball namin at halos karamihan sa amin ay may mga lasing na kabilang na dun ang dalawang kaibigan kong si ezra at norman, magbestfriend nga sila tsk. si ezra at norman ay magchildhood bestfriend, nakilala ko si norman dahil kay ezra, naging kaklase ko dati si ezra nung elementary kami kaya naman ay mga kaibigan ko sila since elementary hanggang sa nung maghighschool kami ay nakilala ko naman si david at naging bestfriend ko na siya dahil nahiwalay ako dati kina ezra ng section at hanggang sa nakilala nila si david at kaming apat ay naging magkaibigan hanggang sa nung nasa 3rdyr highschool na kami ay kami naman ni norman ang naging magkaklase at si ezra at david naman ang magkaklase hanggang ngayon.
mabilis kong inakay si ezra palabas ng venue at nagderetso sa may parking lot, binuksan ko ang sasakyan ni norman at maingat na sinakay dun si ezra, agad ko namang natanaw si david na akay akay si norman papalapit sa gawi namin, dali dali naman akong lumapit sa gawi nila at inabot kay david ang susi ng kotse niya tsaka pinagbuksan sila, maingat namang pinahiga ni david si norman sa backseat ng kanyang sasakyan at sinarado ang pinto nito.
"magpapaalam lang ako kina sofia sa loob baka kasi hanapin tayo" ani ko kay david at tumango naman siya bilang sagot, kaya naman ay tinalikuran ko na siya at muling bumalik sa venue. mabilis akong lumapit sa gawi ni sofia nang matanawan ko sila.
"ohh hey vien" baling niya sa akin nang makalapit,
"we need to go sofia, lasing na sina ezra at norman eh" nagaalinlangang ani ko, ngumiti naman siya tsaka tumago sa akin.
"ingat kayo pauwi, uuwi na din ako after ko maasikaso lahat"
"thank you, ingat ka din. tetext nalang kita about sa trip natin"
"okay" nakipagbeso beso lang ako sa kanya bago siya tinalikuran at naglakad paalis dun. si sofia ang class pres namin at bagay na bagay sa kanya ang posisyun niya dahil napakaresponsable niya, sa tuwing may mga trip kaming magkaklase siya lagi ang nagaasikaso sa mga kailangan namin at syempre tinutulungan ko naman siya. minsan ay hindi ko siya matulungan dahil student council pres ako kaya madami din akong ginagawa na mga school paper works at mga kung ano ano na about sa school program at activities.
"let's go. you go first i'll follow you" ani ko kay david nang makarating ako sa parking lot. tinapik niya lang ako tsaka kami kanya kanyang sumakay sa mga kotse, ako ang magdadarive ng sasakyan ni norman dahil lasing siya. ganito kami lagi, kami lang ni dave ang hindi nalalasing sa tuwing may inuman kami, nung nag18 na kasi ako ay tsaka ako nagsimulang maginom,pinayagan naman na ako nina daddy dahil nasa legal age na ako basta I should drink responsibly daw. syempree ayus lang sa akin ang uminom ng madami dahil mataas ang tolerance ko sa alak. at nagkamali ako nang sabihin kong magpapakalasing ako dahil si ezra ang nalasing na balak akong lasingin.
nang makarating kami sa Bahay ni norman ay bumaba si david para pagbuksan ako ng gate, si norman ay anak ng isang politician at isang sikat na model sa ITALY nagiisang anak lang si norman kaya hindi na ako magtataka kung bakit nakukuha niya lahat ng gusto niya. nang maipark ko ang sasakyan ni norman ay akay akay namin pareho ni david si norman papasok ng Bahay niya, medyo nahirapan pa kami dahil hindi namin mahulaan ang keycode ng Bahay niya. nang maihiga na namin sa kanyang kama ay inayus ni david ang kumot niya tsaka nilapag ko naman ang kanyang susi sa kanyang side table kasama ang celpun nito, pinatay ni david ang ilaw sa kanyang kwarto bago kami tuluyang bumaba. at nagiwan kami ng note sa kanyang coffee table sa sala niya bago tuluyang umalis sa Bahay niya, binuhat naman ni david si ezra at sinakay ito sa kanyang kotse at pinaharurut yun paalis.
nang makarating naman kami sa apartment nina ezra ay nadatnan namin ang ate nitong naghihintay sa labas, habang hawak ang celpun nito. katatapos ko lang kasi siya tawagan kanina. sabay kaming bumaba ni david at binuksan ang backseat ng sasakyan niya at hinayaang buhatin si ezra, sinalubung naman kami ng ate ni ezra.
YOU ARE READING
DOCTORS TANDEM (TRES MARIA'S SERIES I)
Teen FictionMARIA AZALEAH VIEN DE CASTRO, SIYA ANG CLASS VALEDICTORIAN NG CLASS-A SA S.T.I. KILALA ANG KANYANG PAMILYA BILANG ISA SA PINAKAMAYAMANG ANGKAN SA BUSINESS INDUSTRY. SI VIEN ANG PANGANAY NA DALAGA NINA MR. EMMANUEL DE CASTRO AT ATTY. MARIE ANNA DE C...