Chapter 23

56 2 0
                                    

Alexx POV

Andito na kami sa bahay nina cheska at alley.

Hindi na sumabay si Ciara dahil baka sinundo siya ni xander.

Mage-eight na sana pero wala pa din si ciara.

Sinubukan siyang tawagan ni cheska pero hindi niya makontact.

Naisip kong pumunta muna sa terrace. Medyo mahangin pa naman ngayon at napakagaan sa pakiramdam.

Umupo ako sa upuan.

Sinubukan kung pinikit ang aking mga mata at dinama-dama ang hangin.

"Anong ginagawa mo jan?"

Nilingon ko kung sino ang nagtanong sakin, si Alley lang pala.

"wala, nagpapahangin lang." sagot ko sakanya.

"uhm ate, kung may magtatanong ba sayo na, bigyan mo siya ng chance, bibigyan mo?"

Ano bang iniisip ng kapatid kong to?

"hindi, baka kasi drug adik, rapist, kidnapper, hold-"

"ah sige ate. pero ung paano kung si kuya xander magtatanong nun sayo?"

"okay lang, chance lang naman eh! pero hindi ibig sabihin non, susundin mo din ang mga agreements niya, sino ba siya? wala naman siyang karapatan. at isa pa, may chance lang siya, hindi pa siya nanliligaw, at kapag nanliligaw na siya, wala din siyang karapatan dahil nanliligaw lang siya diba? at isa pa, hindi pa kayo." pagpaliwanag ko sakanya at mukhang naintindihan naman niya yata.

Bakit ba niya naisip to? di kaya, may nanliligaw na sakanya?

"ah sige ate, labas na ako." sabi niya at tuluyan nang lumabas.

Nakatingin lang ako sa mga stars.

Bakit kaya ako nagkakaganito?

Ahy, oo nga pala, crush ko eh!

Kinuha ko ang phone sa bulsa ko at tinignan.

4 messages galing kay ciara.

Lex, pakisundo naman ako dito kay manong. please.

Lex, pakibilisan may mga adik dito.

Alex, nasabihan mo na ba? wala pa siya dito eh!

Lex, tulungan mo ko.

Shit. Anong nangyari kay ciara.

Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi ko din makontact.

Sinubukan kong tawagan si xander pero nahihiya ako sakanya.

pero ngayon, wala nang hiya hiya to. bestfriend ko ang nakasalalay dito.

Nakadalawang ring palang sinagot na niya agad.

"lex, bakit?"

"gusto ko lang sana tanungin kung sinundo mo si ciara kanina?"

"uhm, hindi bakit?"

"hindi pa siya nakauwi dito sa bahay."

"shit. teka, pupunta ako jan." sabi niya at binaba na ang phone.

Lumabas ako ng kwarto at hinanap si cheska.

"Oh, anong nangyari nagmamadali ka yata?"

"Nagtext kasi akin si ciara eh! nanghihingi siya ng tulong. baka ano na ang nangyari dun."

"Nasabi mo na ba kay xander?"

Tumango lang ako at lumabas na kami ni cheska sa bahay.

Buti nalang kasama ni alley si yaya ngayon.. may magbabantay sa kanya. Sabi niya kasi kanina gusto niyang sumama pero pinigilan ko na baka mapahamak siya.

          

Pagkalabas namin ng bahay, nakita na namin si xander.

Sumakay kami sa sasakyan niya papuntang school.

Medyo maliwanag pa naman ang daan dahil aa mga streetlights.

Nakita naming may mga lalake dun sa gate.

t-teka si ciara, hinihila nung lalake.

Naglabasan na kami at pinuntahan siya.

Pagkalabas namin ay nagsi-alisan na sila.

Buti nalang dumating agad kami, kung hindi mas malala pa talaga.

Yinakap nalang ni xander si ciara.

"okay kalang ba?" tanong sakanya ni xander.

Tumango lang siya at pinuntahan namin ni cheska.

"okay ka lang ba? may masakit sayo?" tanong ni cheska sakanya habang ykap yakap ito.

Umiling siya at nagsalita na ako.

"uhm, sorry ciara, hindi ko kasi nabasa ang mga text mo." sabi ko at yinakap na din siya

kinabahan ako kay ciara kanina. Akala ko ano na ang nangyari.

Umuwi na agad kami. Kung kanina ako ang nasa passengers seat ngayon si ciara na.

Ano bang magagawa ko? girlfriend eh.

Sinubukan kong kunin ang phone ko at tinignan.

Ang awkward kasi ng atmosphere sa loob ng sasakyan at si cheska naman kanina pa niya ako tinitignan.

Aning problema nito?

Akala niya siguro nagseselos ako este nagseselos na nga.

Biglang may nagmessage sakin.

Si cheska?

Ba't magsasayang pa ng load kung katabi ko lang naman siya?

"okay ka lang? Hindi ka ba nagseselos?"

"uhm, nagseselos."

Nang ma sent ko na ang message ay bigla siyang naghalagikhik ng tawa.

"uhm, ches may problema ba?" tanong ni xander sakanya habang ako ay tumitingin lang sa phone habang nakikinig sa inuusapan nila.

"ah, w-wala haha. si alexx kasi eh! haha!"

"bakit anong meron kay alexx?" tanong niya kay cheska.

"Pwede ba tumahimik ka? natutulog kaya si ciara." sabi ko sakanya pero siya? di parin tumitigil sa pagtatawa.

Anong nakakatawa? eh natutulog naman talaga si ciara eh! at isa pa, hindi nakakatawa na nagseselos ako.

"sabi kasi niya- haha!"  bago niya pa sabihin ay tinakip ko na ang bunganga niya.

Ano ba ang nangyayari dito? ang kati-kati ng bunganga!

Tumawa naman ng mahina si xander at ibinaling sa pagdadrive.

Patuloy lang ang byahe pero hanggang ngayon tinatakpan ko pa rin ang bunganga ni cheska. baka mayaya kung ano pang masabi niya.

Bigla nalang nagsalita si xander.

"gusto niyo bang mag-overnight muna samin? tutal wala namang klase bukas. wag kayong mag alala maraming xtra rooms dun."

"sige gusto ko yan! magmomovie marathon tayo dun!" parang btang sabi ni cheska.

"pero bago sana yun, ihatid mo muna kami sa bahay para makakuha nang mga gamit at makapaalam kay yaya." sabi ko kay xander.

"sige."

THE CRUSH STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon