Chapter 22

7 1 0
                                    

Ano? Kompleto na ba ang dala mo? Lahat na ba ay i-uuwi mo?” tanong ni Vince habang inilalagay ang gamit ko sa kotse na dala niya. Hindi ito yung lagi niyang ginagamit, hindi ko alam kung kaniya ba ito.


Oo, tara na” tugon ko “Iyo ba itong kotse? Bakit parang nag-iba ang kulay nito, pinakulayan mo ng bago?” tanong ko pagkasakay ko, umiling siya. Hindi ito ang karaniwang kotse na ginagamit ni Vince kapag hinahatid at sundo ako sa bahay ng lola ko.

Sa kaibigan ko” sagot niya Hiniram ni mama ang kotse ko” patuloy niya, bahagya siyang tumingin sa akin at agad nag-iwas ng tingin.

Bakasyon ngayon at isang linggo akong nasa apartment ko kasama si Vince dahil wala naman akong pupuntahan lugar bukod sa apartment ko at bahay ng lola ko. Ipinagpaalam ko na din kay lola na star student ako kaya hindi na ako mapupunta sa Canada at maging tagapagbantay ng bahay ng tita ko. Maya’t-maya akong tinatawagan ni lola dahil pinipilit niya akong bumalik sa bahay niya dahil may raw my sorpresa siya. Plano ko rin naman na bumalik sa kaniya para maalagaan siya, sadyang inilaan ko lang ang isang linggo na si Vince lang ang kasama ko.

“Pupuntahan kita araw-araw sa hardinan mo” sambit ni Vince nang marating naming ang bahay ng lola ko, hinawakan niya ang kamay ko bago hinlikan ito

Inalalayan niya ako bumaba sa kotse bago binuhat ang gamit ko. Lumapit si Edward dito para kuhanin ang mga ito ngunit hindi ito ibinigay ni Vince sa pinsan ko. Kunot noo siyang pumasok sa loob para ilagay sa sofa lahat ng gamit ko dinala ko. Hindi nagtagal si Vince dahil kailangan pa niya ibalik ang kotseng hiniram nito para lang maihatid ako. Nang makaalis si Vince ay tumalikod na ako para pumasok ngunit naagaw ang atensyon ko nang makita kong bukas ang bintana ng kwarto ko. Nakita kong may nakasilip dito ngunit hindi ko malaman kung sino dahil patay ang ilaw doon at nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad niyang isinarado ang bintana ng kwarto ko. Agad akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto, nagulat ako nang makita ko si Elena na nakahiga sa kama ko.


“Elena? Bakit ka nandito?” nagtatakang tanong ko

“Bakit? Kwarto ko rin ito” tugon niya. Iisa lang ang kwarto naming ni Elena sa bahay ni lola, noong bata palang kami ni Elena ay ditto kami natutulog kapag wala si mama at papa. Hindi ako nagtatanong kung bakit siya narito dahil ang ibig kong sabihin sa tanong ko ay bakit siya ngayon nandito sa bahay ni lola

“Hindi sa ganon yon” umiiling na sagot ko “Kasama mo si mama at papa” patuloy ko ngunit iling lang ang isinagot nito. Ramdam ko parin ang galit ng kapatid ko ngunit alam kong mapapatawad din ako nito dahil hindi ako susuko para lang mapatawad niya ako.

“Boyfriend mo?” nakapikit na tanong niya, bahagya akong tumabi sa kaniya dahil iisa lang ang kama

“Kaibigan ko” tugon ko bago humiga sa tabi ng kapatid ko

“tsk” sarkastikong aniya “Nag-abala ng tatlong oras ang kaibigan mo para ihatid ka dito? May kaibigan palang humahalik sa kamay mo?” patuloy niya

“Nanliligaw siya sa akin” tugon ko bago tumagilid ng higa at humarap sa kaniya ngunit nakapikit lang siya

“Kaya ba isang linggo ka bago dumating dito dahil kasama mo siya?” tanong niya bago imulat ang mata at bahagyang tumingin sa ako “Pinatawagan kita kay lola dahil gusto kita makasama, pero sa ginawa mo pakiramdam ko ay wala na talaga akong halaga” patuloy niya bago tumigilid ng higa at talikuran ako. Ang pagdating siguro ni Elena ang sinasabing sorpresa ni lola.

Bahagyang tumulo ang luha ko dahil sa narinig ko, kung alam ko lang sana na siya’y nandito pagkakuha ko palang ng card ay dumiretso na ako dito. Ipinikit ko ang mata ko at hinahyaang makatulog ako dahil sa pagod ng katawan ko.



“Nandito na ang kapatid ko, sobrang saya ko dahil katabi ko na siyang muli sa kama ko” nakangiti kong kwento kay Vince habang nagdidilig kami ng mga halaman sa hardin ko “Tinanong niya kung boyfriend kita” patuloy ko

“Anong sinagot mo?” tanong ni Vince, itinigil niya ang pagdidilig bago ibinaling ang tingin sa akin

“Ang sabi ko ‘kaibigan ko’ na naging ‘manliligaw ko’” tugon ko, ngumiti siya bago ipinagpatuloy ang ginagawa niya. Nang matapos kami ay umupo kami sa upuan na gawa sa kahoy, pinagmasdan naming ang mga bulaklak ko. Isinandal ko ang aking ulo sa balikat niya at napangiti ako nang ako ay  yakapin niya. Habang nasa ganito kaming posisyon ay biglang tumunog ang cellphone niya, tumayo siya at lumayo nang bahgya. Pagkapatay ng linya ay bumalik siya sa akin at namaalam na dahil tinawagan siya ng mama niya.




“Bakit hindi mo pa siya sinasagot?” walang emosyong tanong ng kapatid ko pagkaalis ni Vince. Kalalabas lang niya sa kwarto dahil hindi ito lumalabas kapag bumibisita si Vince dito.


“Ha, e baka magalit sa akin si mama” tugon ko bago umupo sa sofa, pumunta siya sa kusina at kumuha ng meryenda.

“Alam mo naman palang magagalit” aniya bago sumimsim sa juice niya “Bakit nagpaligaw ka pa?” tanong niya ngunit hindi ako makasagot sa kaniya. Maayos na ang pakikisama niya sa akin ngunit muling nagbabago kapag si Vince ay nandito.

“Puntahan ko muna si lola” pag-iiba ko ng usapan bago tumayo at umalis.

“Lola?” tawag ko habng kumakatok sa pinto ng kaniyang kwarto ngunit hindi sumasagot ito. Muli kong ko siyang tiawag, hinahampas ko na ang pinto ngunit hindi parin siya sumasagot. Sinubukan kong pihitin ang doorknob ngunit nakakandado ito. Agad akong tumakbo sa kusina para hanapin sa cabinet ang mga susi dito.

“Bakit ka ba tumatakbo Anrena? Hindi playground ang bahay ni lola” sambit ni Elena habang naghuhugas ng kamay sa lababo

“Si lolaaaa” natatarantang ani ko bago muling tumakbo papunta sa pinto ng kwarto ni lola, agad ding sumunod sa akin si Elena. Tinulungan niya ako sa paghahanap ng susi, nang mabuksan namin ang pinto ay agad akong tumakbo sa loob ng kwarto. Iniwan ko kay Elena ang susi dahil hindi ito makakatakbo sapagkat bawal sa kaniya ang mapagod ng husto. Labis akong kinabahan at pinagpawisan nang wala si lola sa kaniyang kama. Agad akong dumiretso sa banyo ng kwarto ni lola at walang alintanang binuksan ko ang pinto nito. Napahinga ako ng maluwag nang makita ko siya nagsasayaw sa loob ng cr niya habang may suot na airphone ang kaniyang tainga.

“Lola bakit naman po kayo nagsasayaw dito?” hinihingal kong tanong “Pwede naman po kayo sa sala, isa pa ay wag niyo pong hayaan na ang inyong pinto ay nakakandado” patuloy ko bago kumuha ng panyo sa bulsa ko at punasan ang pawisang mukha ko.

“Apo, wala akong ka-duo sa pagzu-zumba” tugon ni lola habang pinupunasan ang pawis niya

“Samahan kita mag-zumba lola” singit ni Elena

“Gusto ko sana kung si Anrena ang kakanta habang nagzuzumba tayong dalawa” sambit ni lola

“Lola, hindi ko po alam kung kaya ko pang kumanta” nakayukong ani ko “Tsaka po bawal mapagod si Elena” patuloy ko bago muling tumingin sa kanilang dalawa

“Anrena, wala dito si mama kaya gawin mo ang gusto mo” singit ni Elena bago ngumiti “Sasamahan ko lang kayo sa pagzuzumba at ako na din ang taga-kuha ng tubig at towel na gagamitin niyo” patuloy niya tumango ako…..

Tama si Elena, wala si mama kaya maaaring gawin ko ang gusto ko para makawala ako sa kaniya.

Ginawa ko ang gusto nila, sinubukan kong kumanta. Napapangiti ako kapag nakikitang tumatawa si lola at Elena.

Dalawang linggo na kami magkasama at unti-unti ko na ulit nakukuha ang tiwala niya. Alam kong nawalan ng tiwala sa akin si Elena dahil tinaboy ko siya at iniisip niya na gagawin ko uli iyon sa kaniya.

I'm Blind With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon