Chapter 67:💀PROF.KIM💀

1.2K 75 1
                                    

Scarlet Pov

KASALUKUYAN – nililinis ni King ang sugat ko, pero habang nililinis niya ang sugat ko ay todo-sermon ang naririnig ko sa kanya—na kung ano raw pumasok sa kukote ko kung bakit ko daw sinuntok ang salamin. Hindi ba raw ako nag-iisip na pwede ako masugat sa ginawa ko. Hindi ko daw ba ginagamit ang utak ko

"Eh, bakit ka nagagalit? Ako naman ang nasaktan dito, at hindi ikaw no—"

"KAYA NGA E! MABUTI AKO NALANG IYON NASAKTAN AT HINDI IKAW!" He cut me off

Napatigil ako sa sinabi niya at napatitig sa kanya na busy nililinis ang sugat ko

Panandalian namutawi ang katahimikan sa amin pero maya-maya ay si King na din ang bumasag

"K-kishie..." tawag ni King "Sorry kung nasigawan kita kanina, kasalanan ko ito ehh... Hindi ko man lang inisip na dapat tayo mag-tulungan dito at hindi magsigawan... Kasi naman, nag-aalala lang ako sayo kanina baka mapugutan ka ng ulo kapag hindi natin nahanap iyon lumang mapa tinutukoy ng Tagapangasiwa. Hindi ko makakaya na mamatay ka, mabuti ako nalang ang pugutin ng ulo... Huwag lang ikaw, Kishie."

Matalim na tinignan ko si King nang maramdaman ang mabilis na pagtibok ng akin puso dahil lang sa sinabi ni King. Shit!
Siya... Siya ang sisira ng plano ko dahil siya ang kahinaan ni Kishie, siya ang nagpapatibok ng puso ko at hindi pwede mangyari ito... Hindi pwede magpatuloy ang damdamin ito! Ayoko masira ang plano ko para lang sa walang kwentang pag-ibig na toh!

"GET OUT." malamig ko sabi sabay hablot ng kamay ko na hawak niya "UMALIS KANA."

"P-pero hindi pa ako natatapos na linisin ang sugat m—"

"I SAID GET OUT! AKO NA MAGLILINIS NG SUGAT KO BASTA UMALIS KANA! ALIS!" Gigil ko sigaw saka dinuro ang pinto palabas "LEAVE!"

Kahit naguguluhan si King sa pagbabago ng mood ko ay tahimik na umalis na siya lalo na ng makita niya na seryoso ako at ayoko ng makulit
Tuluyan ng nanlambot ang tuhod ko paupo sa sahig nang makaalis na si King. Kaya gigil na napahawak ako sa dibdib dahil sa nakaramdam ako ng kirot doon na parang hindi sang-ayon sa ginawa ko kay King na pagpapa-alis na parang ako rin lang ang nasaktan sa ginawa ko. Shit! Shit this heart! Damn my feelings! Damn you, king!

Kishie, don't... Ikaw rin ang sisira sa plano ko dahil sa puny*ta feelings mo doon sa walang-kwenta lalaki iyon! Huwag ka mahulog sa matamis niyang bitag, Kishie! Tiyak na matatalo ka lang. Hindi totoo ang mga sinabi niya, hindi totoo na nag-aalala siya sayo. KASINUNGALINGAN LANG LAHAT NG IYON!
Minsan mo na siyang minahal, Kishie. Pero ano sinukli niya? Sakit. Minsan ka ng nagtiis at naghirap sa pighati ipinaranas niya sayo! Minsan mo na siyang iniyakan dahil alam mong ang mahal ni King ay si Ate Shiela at hindi magiging ikaw. Pero lahat ng pag-iyak, pagtitiis at paghihirap mo ay may katapusan. Kaya hayaan mo ako makapag-higanti sayo

"Ang mahirap sa lahat na kalaban ay... Iyong sarili mo."

I heard a baritone voice from behind my back. So, I slowly tilted my head to my back. Hanggang sa makita ko na si Julius na naka-upo sa nakabukas na bintana ng akin kwarto. Halatang nag-akyat-kwarto ito

☠️Demons Academy☠️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon