Prologue

2 0 0
                                    

___


Tahimik lang ako habang ang tunog na nanggaling lang sa air conditioner lang ang maririnig sa loob ng kwarto. Nakatayo pa rin ako bilang pahiwatig na hindi ako magtatagal at aalis din kalaunan.

Alam naman na niya kasi ang pakay ko kung bakit andito ako ngayong araw kahit na wala akong pasok.

Narinig ko siyang suminghap ng mahaba bago nagbukas ng tanong sa akin.

"Okay lang ba talaga sa'yo?" Tanong nito sa akin. Umulit muna ako ng buntong-hininga bago ngumiti at tumango.

"Opo sir." Mabilisan ko na sagot. Nakapag-isip-isip na rin naman na kasi ako mula pa noong isang linggo. And I thought, this is the right time to start a new. Malayo sa gulo. Malayo sa mga tao dito.

"Hindi kaya magka-problema ka doon? Malayo pa naman ang hospital at centers doon Mr. Gantuangco. Nag-aalala lang naman kami sa'yo. Baka mapaano ka doon." Kita ko sa expression maging sa mga mata niya na nag-aalala siya sa maaaring kahihinatnan ko doon.

Ngumiti na lang ako ng malamlam bago huminga ng malalim at binigay ang sagot ko.

"'Wag po kayong mag-aalala Sir Ferguson, kaya ko naman po ang sarili ko. Ako na pong bahala sa sarili ko doon. At saka po, mas mabuti po sa sarili ko kung doon ako naassign. Mahirap man i-access ang pagamutan, I know I'll be okay there." Umiling ito ng marahan bago nag buga ng hinga.

I know they worry about me. Sa tagal na panahon ko ba naman na pagtatrabaho kasama sila, talagang magkakaroon kami ng bond bilang pamilya. And I am grateful that I found another family in them.

Pinirmahan na nito ang papel na naglalaman ng notice of transfer ko papuntang Sitio Lu-bak. Kulang kasi sila ng Elementary Teacher at nag-request ang kapitan doon na magpadala ng bagong magtuturo sa mga bata. And I am one of the few na napili para magturo doon.

Kahit ba malayo sa sentro ng siyudad at medyo masukal, ay okay lang naman sa akin. Isa pa, I want to leave this place. If ever, for the better.

Inabot na nito ang tapos nang pirmahan na papel kasabay ng iilang mga paalala. Isinilid ko iyon sa brown envelope na hawak ko bago marahang hinaplos ang palapulsuhan ko.

"Don't forget to reach us out kapag kailangan mo na talaga ng tulong ha, Lewis?" ayaw ko man silang iwan, wala na akong magagawa kasi nakapagdesisyon na ako.

"Opo Sir Alex."

"Nakakapanghinayang lang kasi, mami-miss ka namin dito bunso." Isang mahabang buntong-hininga ang nilabas niya na kinatawa ko naman.

Mami-miss ko din sila. Sila na kasi ang pamilya ko.

"Ako din naman po. Sige po mauuna na po ako. Madami pa po kasi akong aasikasohin." Paalam ko dito.

Lumabas na ako ng office at nagmamadaling umalis ng school. Ayaw ko na magpakita sa pag-alis ko, baka kasi hindi ko mapigilang mapaiyak. Tapos ko na rin naman kunin ang mga gamit ko sa Faculty Department noong isang araw pa. Ang kulang na lang talaga ay iyong papel na papipirmahan.

Sumakay agad ako ng jeep nang may pumara sa tapat ko para makauwi. Naninikip ang dibdib ko kasi, everything seems so unwell. Idagdag pa na mahina ang puso ko. Isa ito sa mga rason kung bakit sila nag-aalala sa akin.

May sakit ako sa puso.

Pumara ako nang matapat ang jeep sa harap ng Apartment Complex na pinagrerentahan ko sa loob ng halos pitong taon. Bumaba ako nang makabayad at nagmamadaling pumasok sa Apartment at umakyat sa second floor kung saan ang Unit ko.

Pagkapasok ay ang kwarto agad ang una kong pinuntahan para ilabas ang mga bagahe at maleta ko. Kakaunti lang naman ang mga gamit ko kaya hindi gaanong marami ang dadalhin ko. Sinecure ko na rin ang mga papeles ko sa isang itim na bag na may kalakihan kasama na rin ang mga gamot ko.

Mamayang alas nuebe kasi ng gabi ang alis ko para pagkadating ko sa Barangay Mabu-ak kung saan ang Sitio Lu-bak ay mag-uumaga na. Sa may bandang bukirin kasi iyon na bahagi ng siyudad.

Nang mailabas ko na lahat sa sala ay napalibot ako ng tingin sa kabuohan ng bahay na tinirhan ko ng halos kalahati ng buhay ko.

Naluluha ako sa mga ala-ala na dapat ko nang ibaon sa limot. Lalo na ang mga ala-alang walang maibang maibibigay sakin kung hindi sakit at panghihinayang.

Simula ngayon, ako naman ang tatalikod. Ako naman ang maghahanap sa sarili ko.

----

Napatayo ako sa kinauupuan nang dumating na ang bus na sasakyan ko papuntang Baranggay Mabu-ak. Pasado alas nuebe na rin ng gabi. Tapos na akong kumain kanina sa may karinderya para hindi ako gutumin sa byahe.

Sa pag-apak ko pasulong sa loob ng bus na 'to, maglalakad na rin ako ng pasulong sa buhay ko. Hindi na ako lilingon. At sana sa pagdating ko sa bagong lugar na iyon, maraming bago din sana ang makasanayan ko.

Sana, sana mahanap ko na ang kulang sa pagkatao ko bago man lang ako mawala sa mundo.




----

Hi guys! Another story na naman ang madadagdag sa mga pendings! HAHA hindi ko kasi maatim na hindi ito isulat eh! But like Manlo and Loco, this story will only cater few chapters. So short story lang. Hehez.

Anyways, salamat sa mga nagbabasa sa mga gawa kong crappy HAHA sana patuloy niyo pa rin na subaybayan ang mga stories ko kahit ang bagal ko na mag-update! Love you guys!

Theguyatthegate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Somewhere in TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon