Chapter 20: The half Dark, harlf Light Twin

46 1 0
                                    

Ian POV:
Week past ng maging sila Gio at Rylie pati na din ang pag amin ko na gusto ko si Mend pero Ewan ba at sadya talaga syang manhid

Simula din ng araw na yun lagi ko syang binibigyan ng roses and that roses has a meaning for me na sana mapansin nya hayy hirap ng ganito parang ngayon tinatanong nya ako kung bakit ko daw ba sya binibigyan ng roses hindi ba obvious ang sagot naman Menia manhid ka na nga shunga ka pa

"Anong sabi mo?" Tanong nya kaya naman agad kong sinara ang isip ko at pumasok sa room namin "words without actions are useless and actions without words are confusing" biglang sabi ni...Ate Gia kaya napatingin ako sa kanya "kung gusto at mahal mo sya sabihin mo sa kanya hindi yung ipinapakita mo lang Ian, you must know how to say it and then act on it" sabi naman ni kuya Ken

Kita mo tong dalawang to kung makapayo eh tignan mo naman sila pero tama din naman yung sinabi nila, nakita ko namang pumasok si Menia at naupo sa tabi kakausapin ko sana sya pero inirapan nya agad ako saka tumalikod kaya hinayaan ko na muna

Natapos ang morning class pero hindi ako pinansin ni Menia nandito na kame sa cafeteria at naorder ko na rin ang favorite food nya pero di pa rin nya ako pinapansin, nagulat naman ako ng sipain ni kuya Ken ang paa ko ng tignan ko sya ay inginuso nya si Menia na tahimik na kumakain "menia" tawag ko pero di nya ako pinansin "uyy pansinin mo na ako, sorry na" pangungulit ko sa kanya bigla naman syang humarap sa akin kaya nagulat ako at muntik ng mahulog sa upuan

"Bakit?" Tanong nya at alam ko kung anong ibig nyang sabihin hayy "hindi mo ba talaga alam?" Tanong ko sa kanya "magtatanong ba ako kung alam ko" naiinis na sabi nya at akmang tatayo para umalis ng hawakan ko ang kamay nya kaya napatigil sya ganun din ang mga kasama naming kumain dito sa table

Magsasalita sana ako ng biglang nakarinig kame ng hiyaw ng tignan namin ay nakita namin yung kambal na techno na nakatingin sa isang babae at isang lalaki na biglang sumulpot sa harap nila at may mga galos ito "darkinian" biglang sabi nila kaya naging alerto kame pero bigla nalang tumayo sila ate Gia at pinigilan ang mga susugod sa dalawa
Kaya napatingin sa gawi namin ang lahat maski yung kambal narinig ko namang napasinghap si Rylie teka ano bang nangyayare "a-ate G-Gia" sabi nung babae saka unti unting natumba "JEANA" sigaw nung lalaki saka nilapitan ang babae "jeana, twin gising please, gising" sabi nya at nagulat kame ng tumakbo agad si Nash papalapit sa dalawa

"Ate Nash heal her please" pagmamakaawa ng lalaki at teka kilala nila sila ate Gia? Agad namang tumakbo sila ate Gia sa kanila kaya napasunod kame "Jaspher anong nangyare? Bakit kayo andito? Bakit may mga sugat kayo?" Sunod sunod na tanong ni Menia habang ginagamot naman ni Nash yung babae at ni Rylie naman yung lalaki

"Nakita na nila yung pinagtataguan namin ate, sinugod nila kame" umiiyak ng sabi nung Jaspher "nasan ang matatanda at iba?" Tanong naman ni ate Gia "wa-wala n-na, wala na sila ate kame nalang..kame nalang ang natira..ate natatakot kame" umiiyak pa ring sabi ni Jaspher "hindi..pero..paano?" Sabi naman ni Clyde okey clueless kame dito, ano bang nangyayare "tawagin nyo si Lolo Dracu ngayon na" biglang sabi ni Menia
Dumating naman si Lolo Dracu kasama si HM at ng makita ni Lolo ang dalawa ay agad itong tumakbo "JASPHER, JEANA" sigaw ni Lolo, bakit? Bakit kilala nila ang mga darkinian na ito? "Darkinian pero paano?" Tanong ni HM "hindi, hindi sila masama kaya wag kayong matakot. Oo darkinian pero hindi sila pureblood, half dark and half light sila kaya wag kayong matakot" sabi ni Lolo "Jaspher apo anong nangyare sa inyo?" Tanong ni Lolo dun sa Jaspher

"Lolo nahanap nila kame, nakita nila ang pinagtataguan namin, may traydor Lolo kaya nasira ang barrier na ginawa nyo para sa amin. Lolo sila ama at ang iba Lolo" nagsimula nanaman syang umiyak "patay na silang lahat, wala na sila Lolo pinatay nila Lolo, ang sama nila ang sama sama nila" sabi nya habang umiiyak kaya naman agad syang niyakap ni Lolo "tahan na apo, hindi nila kayo matutunton dito, ako ng mag aalaga sa inyo" sabi ni Lolo

"Kuya Jaspher" mahinang sabi nung babae "jeana" bigla namang lumapit at niyakap nung Jaspher yung Jeana " ano? Maayos ka ba? May masakit pa ba sayo? Sabihin mo sa akin" nag aalalang tanong nito "wala na kuya, okey na ako" sabi nya at napatingin Kay Lolo "Lolo Dracu" sambit nya at nagbabadya naman ang luha nya "shh apo tahan na, nandito ako, ako ng bahala sa inyo sisiguraduhin Kong magigising ayos kayo"

Dinala naman sila sa HM office at hindi na kame sumama, nagsipagbalikan naman ang mga ilang student sa pwesto nila pero bakas pa rin ang pagtatanong at pagtatakha nila "Jaspher and Jeans were twins" panimula ni ate Gia kaya napatingin kame sa kanya "they were half dark and half light and they are not bad" sabi naman ni Rylie "nakita namin sila habang naglalakbay kame noon kasama si Lolo, ng makita namin sila ay nasa isang liblib at tagong lugar sila. Ng tanungin namin sila ay dun namin nalaman ang katauhan nila at nalaman din naming dati silang mga nakatira sa darklem kingdom pero tumakas at umalis sila dahil pinipilit silang makipaglaban ng evil witch na nagrereyna reynahan ngayon sa darklem" paliwanag ni Clyde "ng malaman namin iyon ay binalak naming isama sila kaso tumanggi sila dahil mapapahamak lamang daw kame, sabi nila hinahanap daw sila ng mga general ng darklem dahil gusto daw makuha ng huwad na reyna ang kapangyarihan ng kambal which is Jaspher and Jeana. They hold a rare type magic which is summoning, Jeana can summon any animal she like while Jaspher can summon any weapon he want" sabi naman ni Menia

"At dahil ayaw nila, Lolo decided na gawan nalang sila ng barrier and ginamit naman naming Lima ang powers namin para hindi sila matunton ng mga darklem, hindi lang namin alam kung anong nangyare ngayon at paanong nakita at nasugod sila" malungkot naman na sabi ni Rylie, hinawakan naman ni Gio ang kamay nun saying na magiging okey din ang lahat

"Balik na tayong dorm, sama kayo boys?" tanong naman ni ate Gia kaya napatango naman kame saka naglakad na pero hanggang ngayon di pa rin ako pinapansin ni Menia hayy

Enchantasia: Mythical AcademyWhere stories live. Discover now