Chapter 4

1 0 0
                                    

Lalo akong nainis nang pag-tawanan nila ako! Nang mga tao roon! Nakakahiya!!!

"Sino 'yan mare? Anak ba ng panganay mo?" Tanong ng ginoong may edad na.

"Hindi, Karding... Nag-babakasyon lang dito.." sagot ni tita at lumapit sa'kin.

Ngumuso ako. Tumawa si tita at hinila ako papalapit sa kanila.

Alinlangang ngumiti ako sa kanila.

"H-Hello po... Ako po si Aye." pag-papakilala ko. Napakamot ako sa batok ko ng tumitig lang sila sa'kin.

"May kamukha s'ya, Lia..." Ani ng may edad na babae.

"Naku, mamaya na n'yan! Kumain na tayo.." sagot ni tita, nagsi-upuan na silang lahat. Sumunod ako kay tita at tumabi sa kan'ya.

"Wala pa sila Nat at Nic... Nasa manggahan pa siguro.." Sabi ni tito.

"Ako na susundo!" Kinabahan ako nung tumayo na si tita. Iiwan n'ya ako rito? Tumitig ako kay tita, ngumiti lang s'ya at tinapik ako.

Wala na akong nagawa nung umalis na s'ya. Tumitig sila sa'kin, 'yung iba'y pinanliitan ako ng mata. Napalunok ako at nahihiyang ngumiti.

"Ilang taon ka na, neng?" tanong ni Mang Karding.

"23 po." nagulat sila sa sinagot ko.

"Akala ko'y kinse anyos ka pa lang! Naku, hindi halata sa itsura mo!" tumawa ako sa reaksyon ni mang Karding.

"Mukhang, unang beses kang nakapunta sa palayan.." Ani ng ginang.

"Galing Maynila kasi si Aye.." sagot ni tito, tumango ako.

"Opo, gano'n na nga po.." dagdag ko

"Siguro... Inis na inis ka kasi ilang beses kang nadulas at naputikan.." si mang Karding.

Nahihiyang tumango ako.

"Naku! Wala pa 'yan sa naranasan ko... Alam mo ba nung bata ako, hindi lang paa ang naputikan sa'kin noon! Alam mo kung ano?"

"Ano po 'yon?" Tanong ko

"Buong mukha!" Nag-tawanan sila, pati ako natawa na rin."Bata pa kasi ako noon... Tapos, nawalan ako ng balanse kaya natumba ako paharap. Lumubog 'yung mukha ko mismo!"

Lalo akong natawa sa sumunod na sinabi ni mang Karding. Mas malala pa pala sa kan'ya.

"Ako naman, nung unang beses ko dito..." nakangiting lumingon ako sa ginang na nag-salita."Maulan kasi noon, syempre madulas rin ang daan dahil nga lupa... Tapos ayon, lamog ang puwet ko dahil ayon ang unang bumagsak! Ilang araw akong hindi naka-lakad dahil sa sakit.. "

Humagalpak ako sa tawa, halos hindi na ako makahinga dahil sa tuwa.

"Kaya 'wag kang mainis.. Wala pa 'yan sa mga naranasan namin.." Ani ni mang Karding.

"Opo, pasensya na po.." nag-tawanan lang sila.

Kung ano-ano pa ang kinuwento nila sa'kin tungkol dito sa bukid. Huminto lang kami nung dumating na sina Tita at nag-simula na kaming kumain.

"Nasa'n na ang isa mong tsinelas?" Ngumuso ako kay tita at napakamot.

"Hindi ko na po nakuha sa putikan..." Mahinang sagot ko. Marahang tumawa si tita.

"Suotin mo na muna 'tong bota ko." Hinubad ni tita ang suot n'yang bota.

"Pero tita... Pa'no po kayo?" Nag-aalala kong tanong..

"'Wag mo na ako isipin... Sanay na ako dito... Oh eto, isuot mo na!" Wala na akong nagawa nung si tita na ang nag-suot sa paa ko.

Bumuntong hininga ako at napangiti. Itinuturing n'ya talaga akong anak!

Take My HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon