Kina Chavez
Nag-iisip pa rin ako kung tama nga ba talagang isama ko ang mag-ama sa bakasyon ko. Well, I promised and I shall never take it back. Nag-lista ako ng mga pwedeng puntahan para malibang si Kinoe sa pupuntahan namin. Wala kasi dun ng mga gadgets to make his time worth the while.
> Subic Beach, at Matnog, Sorsogon.
> Bulusan Lake, at Bulusan, Sorsogon
> Barcelona Church, at Barcelona, Sorsogon
> Hot Springs, at Irosin, Sorsogon
Hmmm...I guess pwede naming mapuntahan kahit dalawa lang sa mga lugar na ito. Uuwi ako ng probinsya ng bicol para lang makapag-isip ng desisyon sa project. But I will tag them along. Ang gulo ko naman talaga mag-isip. Grrr...Aktong gugutay-gutayin ko na ang sinulatan kong papel nung biglang mag-ring ang phone ko. "Yes, hello..." "Kina, ako 'to." Kung di ko kilala ang boses niya, siguradong tatarayan ko ang tumawag. "Oh, Raven, bakit napatawag ka?" Naririnig ko ang soft background ng tugtog na marahil galing sa player or laptop. "Ah...ano kasi....ahm....ano..." Naiinis talaga ako sa mga utal-utal. "Ano ka ng ano dyan. Spit it out, will you!" "Kasi, gusto kong itanong kung kelan tayo aalis papuntang probinsya at hanggang kelan tayo dun." Great timing talaga ang mokong na ito. Mukhang naririnig niya ang isip ko. "We'll leave on Thursday and babalik tayo dito ng Tuesday. Itatanong ko nga pala kung papayagan si Kinoe ng teachers niya. Baka kasi..." "Nagpaalam na ako sa teachers niya. Sabi ko may kailangan kaming asikasuhin ng anak ko sa probinsya." "Wow ha...andaling mabola ng mga teachers ni Kinoe. Baka naman kinulam mo." pabiro kong sabi. "Oy hindi ah. Siguro they just liked the way I said it. Haha. Sige. Mamaya punta kami dyan. Bye."
Ibinaba ko ang phone at napaisip sa sinabi niya. May bigla akong naalala.
"Kahit anong mangyari, huwag kang makikinig sa kanya. Kung ayaw mong madurog ang puso mo, huwag kang makikinig kahit sa boses niya."
In fairness, di ko na napapanaginipan yun simula nung ma-meet ko sila ni Kinoe. I felt shivers down my spine. Ano kaya ang ikakawasak ng puso ko sa pakikinig sa boses ni Raven? Until now parang hindi ko pa rin maisip. Di bale na nga. Basta ba di na ako babangungutin gabi-gabi.
************************************************************************************************************
Black Raven
Iniisip ko pa rin kung anong idadahilan ko sa mga ka-banda ko. I really need to get a good reason. Nabigla ako nung tumunog ang telepono. Sakto, tumatawag ang kabanda ko. "Yo! Wazzup?" tanong ni Miggo. "Yo Dude. Eto nag-iisip. Hehe." "Ano bang iniisip mo? Gusto mo pag-usapan? Ah, kaya nga pala ako napatawag kasi mag-iinuman kami nina Jette at Ezlerom. Baka 'ika ko gusto mong sumama." This is my chance to tell them. Bahala na kung ano ang masabi ko mamaya. "Sige. That'd be good.I'll see you later." Tamang-tama, dumating na si Kinoe from school. Ang anak kong makulit, nilapag lang sa sofa ang bag niya at dumiretso agad sa kusina. "Dada...bakit walang snacks? Asan si Yaya Belen at si Manang Tessie?" dumadabog-dabog nitonglakad paikot sa counter ng kusina. Tantrums na naman ang drama ng anak ko. "Eh anak, pinagbakasyon ko sila." Simangot na simangot ang mukha ni Kinoe. "Eh bakit? Eh di walang magluluto tsaka maglalaba at maglilinis?" Natawa ako sa inaarte ng anak ko. Alam niya kasi na hindi niya ako maaasahan sa ganoong mga gawaing bahay. "Don't worry, tinawagan ko na si Mummy Kina mo para dun tayo mag-dinner mamaya. Tsaka sabi niya pwede ka raw dun matulog ngayong gabi." His face brightened up just hearing her name. "Talaga Dada? YES!!!" sabi niya sabay yakap sa akin. "Oo, kaya wag ka na magmaktol d'yan. Magbihis ka na kasi maya-maya unta na tayo dun sa kabilang bahay." NAg-smile lang ang anak ko at saka pumunta sa kwarto niya. If my son and me always get into a good mood dahil lang sa kanya, then it's not that bad to try a relationship again.
BINABASA MO ANG
Black Raven
RomanceAng kwentong ito ay tungkol sa mga bagay na minsan ay komplikado pero nangyayari. May mga bagay na sadyang kailangang piliin, bitawan, o simulan para gumulong ulit ang stagnant mong buhay. Minsan, ang mga taong di natin inaasahang seseryosohin tayo...