Chapter 15

2.7K 68 0
                                    

15

Pagmulat ko ng aking mga mata ay isang Chaz Wesley agad ang nasilayan ko, mahimbing pa din syang natutulog, pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Maamo ito,kahit tulog ay gwapo pa rin sa paningin ko, hindi na ako nakatiis at pinadausdos ko ang aking hintuturo mula sa noo nya pababa sa ilong hanggang makarating ito sa labi nya. Gumalaw sya ng bahagya at unti unti nyang iminulat ang kanyang mga mata.

"Goodmorning ^_^" nakangiting bungad nya sakin

"goodmorning" ganting bati ko sa kanya at mabilis na hinalikan nya ako sa pisngi

"kanina ka pa ba gising?"

"medyo kagigising ko lang din, mukhang napasarap ang tulog mo ah"

May gumuhit na ngiti sa kanyang labi bago sya sumagot

"sino bang di sasarap ang pagtulog kung katabi at kayakap mo ang taong mahal mo" sabay yakap nya sakin.

"ikaw ang aga aga binobola mo na kaagad ako" hinampas ko sya sa braso na ikinahalakhak nya

tumayo na sya sa pagkakahiga

"mag ayos ka na ng sarili magbe-breakfast tayo sa labas" he said while smiling, kumuha muna sya ng damit nya sa closet nya bago tumungo palabas ng kwarto, mabilis din naman akong kumilos at tinungo ang banyo

"shall we?" he grabbed my hand

Nasa byahe na kami. Pagkaraan ay nagpark kami sa isang Floating Restaurant. Dito ay kung saan ikaw mismo ang kukuha ng kakainin nyo at ipapaluto ito sa kusinera ng resto. 

"madalas ka ba dito?" nagsisimula na syang mamingwit ng isda at ako ay tamang panood lang sa kanya, hindi naman kasi ako marunong

"actually first time ko dito" nakahuli na sya ng tatlong pla-pla at isang malaking maya maya

"eh bakit dito mo ako dinala?"

"gusto ko lang maexperience dito na ikaw ang kasama ko" binitbit na nya ang mga nahuli nya at ibinigay sa kusinera,yung crabs at mga sugpo ay binili nalang nya sa loob, aba mahirap ata manghuli non

"halika na sa kubo, doon nalang natin hintayin ang almusal natin"

after 30 minutes ay dumating na din ang magiging almusal namin.

"wow ang dami naman" natutuwang saad ko

"haha hindi tayo aalis dito hanggat hindi nauubos ang mga yan" he said

"seryoso ka?" isang halakhak lang ang sinagot nya sakin

Naghugas na kami ng kamay, mas masarap atang kumain na nakakamay kapag ganyang pagkain ang nakahain. Natatakam na ako kaya naman nagsimula na kaming kumain

pinaghihimay nya ako ng isda at sugpo, ang sweet lang nya, paminsan minsan ay sinusubuan nya din ako

"aahhh! busog na busog ako!" masayang sabi nya

"panung di ka mabubusog nilantakan mo lahat"

"haha masarap palang mag almusal pagkasama ka, nakakagana, kung lagi mo pala akong sasabayan sa pagkain ay tiyak na tataba ako nyan" natatawang sabi nya

"ayan ka na naman eh, sa bagay di lang kita bubusugin sa pagkain, bubusugin din kita sa pagmamahal ko" he hugged me at nagtawanan nalang kaming dalawa

Love at First Sight (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon