CHAPTER 2: 10 YEARS?!

8 1 0
                                    

Third person's POV

"Morning Daddy"

Ang dalawang salitang yan ang naging dahilan ng paghahari ng katahimikan sa apat na sulok ng kwarto ni Drake.

Tila huminto ng panandalian ang pagikot ng mundo walang nais magsalita, walang sino mang nangahas na basagin ang katahimikan.

May pansariling dahilan kung bakit walang makaimik sa kanilang tatlo.

Si Drake na halos hindi makapaniwala sa kanyang narinig naisip niyang siya dinadaya ng sariling pandinig.

Si Matea na hindi maipinta ang mukha dahil naghahalo ang kaba at takot na nadarama dulot ng salitang nasabi ng kanyang anak sa ama nitong ni hindi manlang alam na may anak na itong sabik na makasama ang daddy nitong ngayon lamang nagising.

At si Altea na nalilitong nagpapalipat lipat ng tingin sa kanyang mga magulang.

Natapos lamang ang katahimikan iyon ng muling magsalita ang kanilang anak.

"mommy!" nakapout na tinawag niya ang ina

Tumikhim muna si Matea bago marahang nilapitan ang anak

"baby pwede bang labas ka muna saglit lang intayin mo nalang si mommy sa baba tapos pakitingnan mo na rin kung dumating na si Mr doctor pretty please" masuyong utos niya na sinunod naman nito

Nang makaalis na ito ay isinara muna ni Matea ang pinto

POV of Drake

Nananatiling nakapako ang aking tigin sa babaing nagsara ng pinto nakatalikod pa rin ito sakin.

Nang muli itong humarap sa akin kasabay ng pagbuntong hininga at muling lumakad para tawirin ang distansiya

Marahan siyang naupo sa gilid ng kama ko.

"ahm... sorry Alfred" sabi nito

"Ganoon lang talaga si Altea pagpasensiyahan mo na masyado lang talaga siyang sabik sayo kaya... " pahabol pa nito.

Sobrang wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya.

Sinubukan kong bumagon ngunit parang manhid ang buong katawan ko kamuntikan na akong mawalan ng balanse ng daluhan ako nitong babaing to

"wait take it easy let me help you careful"

Sabi niya habang inaalalayan akong makaupo ng maayos, nakatingin lang ako sakanya samantalang siya naman ay abala sa paglalagay ng unan samay likuran ko.

"who are you? " tanong ko

"... ah... right hindi mo nga pala ako kilala sorry I forget to introduce myself ako nga pala si Francine Matea Lee"

Inilahad nito ang kamay niya sakin upang makipagkamay alanganin ko namang tinangap iyon

"and where am I? Bakit ako nandito?, I mean pano ako napunta dito? and who's that child, Is the party's over already? " sunod sunod kong tanong kay Francine.

Kasi naman naguhuluhan talaga ako sa mga nangyayari ngayon tapos sumasakit pa yung ulo ko kakaisip sabayan pa ng katawan ko na nanakit din.

"alam kong marami kang mga tanong pero mamaya ko na sasagutin ang lahat ng yan sa ngayon sumandal ka muna at i relax mo lang sarili mo baka mapano ka"

Sinunod ko nalang ang sinabi niya, huninga ng malalim at hindi din nagtagal ay may pumasok na lalaki nasa unang tingin mo palang ay malalaman mong doctor siya.

"wow! totoo nga ang sinasabi ng inaanak ko gising ka na nga talaga drake magandang balita to siguradong magpapa party sila tito at tita"

"so may masakit ba sayo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 30, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mysterious Ways of LOVEWhere stories live. Discover now