Chapter 7

92 4 5
                                    

Stell's POV

"Shar!" tawag ni Zack kay Shar saka tumakbo palapit samin

"Asungot," bulong ni Justin.

"Narinig ko 'yon," asar ko at sinamaan nya naman ako ng tingin.

"Uy Zack!" bati ni Shar.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Zack.

"Ah, nakita kasi namin yung flyer dito. Naghahanap daw sila ng pwedeng magperform for the mini-con,"sabi ko.

"Pinag-iisipan namin kung sasali ba kami. Biglaan din kasi eh. 3 days na lang yung natitirang time to practice tapos may exam pa. Syempre, kailangan rin magreview," ani Sejun.

"Ay oo. Di na raw kasi makakasama yung isang student na dapat magpeperform. May naibigay pa naman na na sched sa mga performers. At dahil nga may umalis, kailangan nila ng papalit to fill the time allotted dun," sabi naman ni Zack.

"Weyt, tama ba narinig ko? Sasali kayo?" tanong naman ni Shar. Ngayon pa lang nagniningning na yung mata nya.

"Yes! Exciting diba?" masayang sabi ni Ken. Mukhang sobrang miss nya na talagang magperform.

"Waaaah! Amazing! Grabe! Anim na kaibigan ko magpeperform sa mini-concert! Nakakatuwa naman! Chicheer ko kayo! Gawa na rin kaya ako ng banner? Tsaka chant? Excited na 'ko mamaaaa!" nagtatatalon sa tuwang sabi ni Shar.

"Wag ka muna magsaya. Di pa nga namin alam kung makakasama kami eh. Pipili sila remember?"

"Ano ba Jah! For sure mapipili kayo noh. Sobrang galing nyo kaya!" proud na sabi ni Shar na nakapagpangiti kay Jah. Aysus! Kanina parang mangangain ng tao 'to ah?

"Ano? Punta na ba tayo doon? May 35 minutes pa naman bago matapos yung break," sambit ni Josh.

"Paano 'pag mahaba yung pila? Di pa 'ko nakakapagbreak,"

"Lahat tayo Sej, di ka nag-iisa. Mamaya na lang tayo kumain. Di naman tayo magtatagal don eh,"

"Stell's right. Galing ako don kanina. Wala masyadong nag-audition. Everyone's busy preparing for the exam I think," sabi ni Zack saka kami nginitian.

"Oh? Ano pang hinihintay nyo? Tara na!" aya ni Shar.

"Ay? Ikaw mag-au-audition teh?" biro ko kay Shar.

"Pwede naman. Kaso baka di na kayo makapagperform nyan? Kasi ako.mapipili for sure... Charot hahaha!," natatawang sabi nya.

"Ikaw talaga Shar. Hahaha! Tara na guys! Lez get it!" ani Sejun at nauna ng maglakad.

Excited na 'ko!

-

Donny's POV

"Donny, ilan na lang natitirang auditionees?" tanong sakin ni Ms. Cruz.

"Dalawa na lang po," sagot ko.

"Papasukin mo na yung sunod," utos nya.

Nandito ako ngayon sa Theatre Room. I was asked by Ma'am to assist her sa paghahanap ng performer. Umalis kasi yung isa.

"Sige po," sabi ko saka labas ng room.

"Pasok na po yung next," I said as I get outside where the two auditionees are waiting.

"Thank you," sabi nito saka pumasok sa loob.

I was about to close the door when I saw Shar with Justin and his friends with Zack. Justin and Friends? Lol.

"What are they doing here?" bulong ko.

As they got closer, I can feel my heart beating abnormally. I need to hide.

Just the GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon