Chapter Seven
Today is thursday which is our Physical Education
Lahat kami ay dapat pumunta sa gymnasium ngayon dahil may laro kami
"Masaya 'to"
"Pero masakit sa katawan"
Ipinaliwanag sa'min ng aming guro ang dapat naming gawin sa laro.
Kami ay nahahati sa grupo grupo kung saan anim na manlalaro ang sasabak sa bawat team na ipanlalaban sa kabila pa. Divided pa kami kung saan inihihiwalay ang babae at lalaki.
"Ma'am" agad kaming lumingon sa kanya
"Yes, Mr. Padilla?"
"Sobra ako ma'am, i don't have a group. Pwede bang wag na sumali?" Tinignan kami ni ma'am na mga babae bago ibinalik ang tingin sakanya
"No, you can join here"
"Ma'am. That's embarrassing. Saka ako lang o, puro babae yan" Sumimangot si ma'am dahil sa reklamo ni daniel
"Fine, Iibahin natin ang groupings. Three girls, Three boys on one group at dahil may sobra sa boys. One group with four boys is considered" pagpapaliwanag niyang muli
"Okay, but for now each group should practice because i know some of you doesn't know how to play this game" Agad pinag ensayo ni ma'am ang aming mga kaklase na hindi pa marunong sa larong 'to. Halos nahati ang klase dahil sa mga hindi pa marunong at kakaunti kaming mga naiwan
"Since, Wala kayong ginagawa. Maglaro muna kayo. Practice okay?"
"Yes ma'am"
"Are all sure that you know how to play this game? Baka mamaya hindi kayo marunong, kayo rin"
"Lumapit ka na" bulong sa'kin ni Daniel at agad ko siyang siniko sa tiyan na agad niyang ikina daing
"Dapat lang sa'yo yan. Baka gusto mo ikaw ang lumapit?"
"Malapit naman na tayo ha? Bakit tinatanong mo pa kung gusto ko. E ikaw ba gusto mo?" sinamaan ko siya ng tingin dahil sa tanong niya
"Ayoko"
"Sure?"
"Oo"
"Baka ngumawa ka na kakaiyak diyan mamaya kapag lumayo ako sa'yo" napairap ako dahil walang kwenta ang pinagsasabi niya
"Alam mo? Pwede ka ng umalis ng lugar na 'to. Bumalik ka na lang sa Manila. Di ka bagay dito" tinawanan niya ako matapos kong banggitin yun
"Pero tayo oo" anong oo kami?
"Ano?"
"Wala sabi ko. Laro na tayo kasi kahit ang slow mo parang ang hirap mong habulin" Ano ba ang sinasabi niya?
"Wag mo akong kausapin at hindi kita maintindihan"
"Julia! Daniel! Sali kayo rito" sabi ng isa naming kaklase
Agad kaming pumwesto sa isang parte ng court kung nasaan ang grupo na sinalihan namin.
Ang grupo sa kabila ang unang nag serve sa laban namin. Na agad nasalo ng isa naming ka grupo ng tinira ang bola papunta sa gawi namin
"Mine" sabi ni Daniel at agad naman tinara ang bola na napunta sa kabilang parte ng court
Maganda ang takbo ng laro dahil kapwa magagaling ang mga kalaro at maging nasa grupo ko. Sa bawat Toss, Block ng bawat grupo at Spike na naisasalba
Nasa pangalawang set na kami ng laro kung saan ang score ay parehas ng 14, dahil nga sa laro laro lang ito ay 15 ang bawat set ng laro
Patuloy ang laro at nasa kabila pa ang bola ng bigla itong matira na papunta sa amin. Sa akin.
"Mine! Mine!" Sigaw ko ng mapupunta na banda sa gawi ko ang bola at baka magkabanggaan pa.
"Oo Julia! Kalma! Iyong iyo lang ako" Napahinto ako sa pagpunta sa bola at tumingin sa gawi niya. Ano raw?
"Julia" Sigaw ng mga kaklase ko. Agad akong naalarma bago pa naalala na sa'kin nga pala papunta ang bola na ngayon
Nagkaroon ako ng takot dahil ayoko naman matamaan ng bola sa mukha. Masakit yang bola na iyon kung sakali pero hindi pa masyadong malapit sa akin ang bola na kaya pa naman gawan ng paraan
Inihanda ko ang sarili para tirahin ang bola kahit di ko na sigurado kung saan ang bagsak nito ngunit nabigla ako dahil lang may tumulak sa'kin na agad kong ikinabagsak sa sahig ng gym at ang paginda ng lalaki na halos humiga na sa sahig
"Daniel" sabi ng mga kaklase namin na lumapit sa kanya
Muli akong tumayo at pumunta sa gawi niya
"Oy daniel. Okay ka lang?" tanong ko ng makalapit ako pero nagulat ako ng makita ang paglabas ng dugo mula sa ilong niya. Nabigla ako kaya agad ko siyang iginaya para tumayo
"What happened?" tanong ni ma'am habang nakatingin kay Daniel
"Natamaan ng bola ma'am" sabi ng kaklase namin
"Dalhin niyo na sa clinic"
"Ako na bahala ma'am" tumango si ma'am sa sinabi ko at agad ko rin inalalayan si Daniel papunta ng clinic
Nang marating namin ang clinic ay nagbigay ng yelo ang nurse para ilong nito na may pasa nung wala na ang pagdurugo nito
Humiga siya at ako ang naghawak ng yelo. Senyorito e. Maging ang labas ng ilong niya ay nagkasugat. Ang sensitive naman. Tsk
Tinitignan ko ang mukha niya at bago ko lang napagtanto na talagang gwapo si Daniel. May kalakihan ang mata niya pero hindi naman mukhang lalabas at nababagay sa itsura niya. Napakatangos ng ilong nito at ang ganda ng pagkahulma. Maging ang mga labi niya ay napakaganda ng pagkakakurba
Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay kong nakahawak sa yelo
"Ako na" agad akong bumitaw roon at naalala kung bakit kami narito
"Ang tanga mo naman! Ang bola sa volleyball, pinapalo hindi sinasalo ha" pagpapaalala ko.
"But you're the one who was supposed to be hit by that ball" reklamo niya
"Nagdahilan ka pa! ako pa yung ginawa mong tanga. Saka bola lang yun. Alam ko ang gagawin sa laro na yun. Marunong naman ako maglaro ng volleyball no" kung hindi lang dumudugo ang ilong niya ay baka ako pa ang sumapak sa kanya para maranasan niya yan
"Oo na! Wala ka sa sarili kaya akala ko hindi mo masasalo. Nakita ko kaya na natakot ka" inilagay niya sa gilid ang yelo dahil mukang hindi na siya nasasaktan kahit medyo pumasa ito at namumula mula pa. Ano bang balat meron siya? Pati ang mga kamay niya na pinanglaro kanina ay nagpasa na. Kulay violet at pula ang mga ito.
"Kaya pa naman yun" sabi ko bago dinikitan ng band aid ang ilong nya na nagkasugat buti maliit lang ang pasa sa mukha niya. Hindi hugis bilog
"Natakot lang ako syempre saka iniligtas na kita ha! You owe me a kiss julia, dalawa na" nagulat ako sa sinabi niya. Like seriously?
"Mariremedya pa yun no at Iniligtas? Wala naman akong sinasabi na saluhin mo para magkautang ako sa'yo ng halik!"
Pero hindi ko naman gusto na masaktan siya ng dahil sa'kin.
Niligpit ko ang mga gamit na pinakialaman namin kanina kahahanap ng band aid dito.
"But julia, I just want you to know that I would gladly catch anything for you" Napahinto ako sa pagliligpit ng gamit at agad siyang tinignan pero nakatakip na ang kanang braso niya sa mga mata niya "Even you"
BINABASA MO ANG
My Twin's Lover
FanfictionIs it right if your heart beat for your twin brother's lover? "If loving you is a sin. Then, I conclude that I am a sinner."