40 - For Real

17.2K 69 13
                                    

Hindi ulit makakaimik ang tinanong.

GINO: O, hindi ka na nakasagot diyan.

YANNI: (in a soft voice) Matulog na tayo, please. Inaantok na talaga ako.

GINO: Ayan ka na naman e. Lagi mo na lang akong iniiwasan. Lahat ng tanong ko pati nga sagot ko sa mga tanong mo, iniiwasan mo din. Yanni, lalaki ako. And every man has this dream of having his own family, a wife and children. And I want to have them with you. Alam mo yon. Kaya sana give me...us...a chance to work this out. Oo, gusto ko ganito tayo forever cause I believe na someday, matututunan mo rin akong mahalin gaya ng pagmamahal ko sayo. Umaasa ako na balang araw, makikita kita na masaya kasama ako at ng mga magiging anak natin. At naniniwala ako na ikaw na nga at ikaw lang ang babaeng para sa akin. Wala ng iba pa. Sana, ikaw, mapagtanto mo rin yon.

Magsasalita pa sana si Gino pero bigla itong napapatigil ng maramdaman niya na tahimik na tahimik ang asawa.

GINO: Yanni...Yanni...

He gets up and takes a look at his wife.

GINO: Tingnan mo to, tinulugan talaga ako. Pambihira. At naglagay-lagay ka pa ng great wall of pillows na to.

Tatanggalin nito ang ilang unan na nasa may bandang unahan at ulunan. Yanni's asleep, her face is towards him. He then smiles upon seeing her with that calmly countenance.

GINO: (mahihiga paharap sa asawa, nakatukod ang siko sa unan) So this is how it feels—ang makasama finally and officially ang asawa mo.

He reaches out and gently caresses her hair. Malaya niya itong pagmamasdan ang asawa.

GINO: How I've waited for this moment. To have you near me and to hold you and touch you like this. Yong ikaw yong makikita ko bago ako matulog at pagkagising. I love you my Teana. (bends over her and lightly kisses her on the head)

The next morning...

GINO: (ngiting-ngiti) Good morning asawa ko. (hahalik na sana ito sa asawa pero bigla siyang susupalpalin sa mukha ni Yanni)

YANNI: Tigilan mo nga ako. Umagang-umaga, nambubwisit ka na naman.

Tsaka nito mapapansin na wala na ang ibang suot niyang damit. Agad itong mapapabangon.

YANNI: Teka, bakit ganito na lang suot ko? (titingnan ng masama ang asawa)

GINO: Sorry. Ano kasi—

YANNI: Walanghiya ka talaga! (kukuha ng isang unan at ihahampas sa asawa)

GINO: (agad na sasaluhin at aagawin ang unan) Wait, wait, makinig ka na muna kasi. Hindi yong iba na agad ang iniisip mo. Wag malisyoso please.

YANNI: At ako pa talaga ang sinasabihan mo niyan. Kapal mo rin a.

GINO: Dahil yon ang totoo. Nagre-react ka kaagad di mo naman alam yong totoong nangyari.

YANNI: Okay, now tell me, anong ginawa mo sa akin?

GINO: Wala.

YANNI: Wala? E paanong natanggal yong mga damit ko? Ano, kusa silang umalis at naglakad?

GINO: Okay, okay. Ako nga ang nagtanggal ng mga yon.

YANNI: Sabi ko na ng aba. Walanghiya ka talaga! (kukuha ulit ng isang unan at ihahampas ulit sa asawa)

My Kind of GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon