Freya Gracie's POV:
Hawak-hawak pa rin ako ni Gavin sa wrist ko hanggang makarating kami sa parking lot ng university.
"Wait lang, saan ba tayo magpa-practice? Bakit hindi sa music room nalang?" tanong ko kay Gavin.
Napahinto naman siya sa paghila sa kamay ko at humarap sakin.
"Oh sorry, I forgot to tell you na sa bahay nalang tayo magpa-practice. Hindi tayo sa music room kasi for sure kahit malawak yun, hindi tayo makakapagconcentrate ng maayos because the others will practice there." explain niya.
"O-okay."
Nagpatuloy na nga kami sa paglalakad at sumakay na sa kotse niya. Pinagbuksan naman niya ko ng pinto sa passenger seat bago siya sumakay.
"Saan ba ang inyo? Malapit lang ba?" tanong ko sa kanya pagkasakay niya ng kotse.
"Twenty to thirty minutes will do. Diyan lang naman kami sa may Sunnies Village." sagot niya habang iniistart ang engine ng kotse.
Tumingin nalang ako sa labas ng bintana and watch the cars passing by and the view outside habang nagda-drive siya.
"Gavin, di ko pala dala yung gitara ko. Hindi ko naman kasi alam na sa inyo pala tayo magpa-practice. I thought we are just going to practice in the university. But, I can call my driver to bring my guitar to your house, just give me the address." sabi ko.
"No need to worry, I have spare guitar in our house. You can use it for our practice." sagot niya.
"Okay, thanks."
After our small talk, wala na ulit nagsalita between us. Sobrang tahimik lang namin on our way to his home. Sa kakamasid sa mga nadaraanan namin, hindi ko na namalayan na pumasok na yung kotse niya sa village. In ferness, ang ganda ng styles ng bahay dito. More like modern vintage at modern classic yung styles ng mga bahay. Dire-diretso lang kami then lumiko siya at pumasok dun sa may gate na kulay gold.
Pagkapasok ng kotse, sobrang namangha ako sa bahay nila, ang linis kasing tingnan kahit sa exterior design nito.
Gavin's house ^^^
Nagpark siya then pinagbuksan ulit ako ng pinto. Grabe ang refreshing sa feeling ng bahay nila. Very accomodating yung aura.
BINABASA MO ANG
Una at Huli kong Pag-ibig
General FictionLahat naman siguro tayo ay napapatanong kung paano ang magiging takbo ng ating mga istorya. Magiging masaya ba o gaya ng mga telenobela at fairytale na napakadaming kailangang pagdaanan bago makamit ang "Happily ever after". Pero ang pinaka-inaabang...