20: Unstable

1.5K 62 0
                                    

(Fury's Pov)

"Mommy!" Napangiti ako at sinalubong si hermina na papasok sa silid ko, hindi ko nagawang sunduin sila kahapo n dahil sa paguusap namin ni metis at Mnemosyne para buoin ang plano. Naghahanda narin sila Cronus at sya na raw ang bahala sa mga pwesto o taktika nila na mga maiiwan at back up namin. Although some, choose to stay here and some choose to go back to where they came from, that includes Styx, ang sabi nya sya na ang bahala sa mga pupunta ng river styx para makadaan papunta rito. Masyadong risky yun kung kaya sinama na nya si Tethys at Prometheus. Pallas, Iapetus and lelantus will be on the other side of war.

"Mommy can i come?" Salita ni hermina.

"No baby, hindi ka pwede dun. Masyadong delikado" agad kong sagot sa kanya, yumakap naman sya sakin habang nasa kandungan ko.

"But... no one will protect you there... please mommy.." pagmamakaawa nya. Mabilis naman akong umiling iling.

"Masyado kapang bata para lumaban hermina. Tyaka... your daddy will be there" sagot ko at nagalinlangan pa sa huling sinabi ko. Kinakabahan ako na baka nasama sya sa mga anak ni Rhea na nakasaad sa propesiya, dahil kung ganun, kailangan ko nga silang tulungan. To save him and hermina from the rebels. To save my family and friends. Minsan naiisip ko ang apat supreme, parang kahapon lang nabobored ako kakahintay ng guro, ngayon, gyera na ang inaatupag ko.

"Are you sure mommy? You look sad. May problema ba?" Sunod sunod nyang tanong. Ngumiti naman ako sa kanya ng matapat.

"Of course, hindi ako pababayaan ng daddy mo. let's trust him baby" sagot ko. Tumango naman sya saka pinaglaruan ang hintuturo nya.

7 companion with 7 titans along side with me. Pero bakit may pakiramdam akong dehado parin kami? Gaano ba ka lakas ang mga rebels?

"Fury!" Nawala ako sa pagiisip at napatingin kay sara na humahangos na pumasok sa silid.

"The academy is under attack. Kailangan nila ang tulong mo" hinihingal nyang salita. Napatayo naman si hermina kaya napatayo narin ako. Hinawakan ko si hermina sa balikat.

"Stay with your tita sara. I'll be back baby" paalam ko at hinalikan ito sa noo. Pumunta ako sa closet at sinuot ang itim na battlesuit, nagsuot narin ako ng cloak at mask na tela para matakpan ang kalahati ng mukha ko.

"where's Mnemosyne?" Tanong ko kay sara.

"She's waiting for you outside the mansion" sagot nya. Tumango naman ako at nagteleport sa labas ng mansyon. Yeah i can do that, marami akong nalaman at nadiskombrehan matapos ang isang buwan na pagsasanay at isa na duon ang teleportation.

"Fury" address ni Mnemosyne sakin ng makita akong biglang lumitaw. Nahagit ng tingin ko si Thea na nakasakay sa isang arion at may isa pa sa gilid nya. The arion are an immortal horse who can fly as fast as the wishing stars.

"Thea will be with you, be safe fury" salita ni Mnemosyne. Tumango naman ako saka pumunta na arion sa tabi ni thea. Bago kami umalis, nakita kong nagiba ang itsura ni Thea pero nandun parin ang ganda nyang walang makakatalo.

"This was my disguise when i visit mortals" paliwanag nya. Tumango naman ako, she look different now, like she's one of the mortals though suot nya ang isang golden na battle suit at may nakasukbit na gintong latigo sa kanang bahagi ng baywang nya.

Sinimulan na naming paliparin ang arion at mabilis akong sinalubong ng hampas ng hangin. Nakakapit ako ng mahigpit sa arion bago bumaba ito ng daan, alam kong alam na nito ang destinasyon namin kaya hinayaan ko na itong dalhin kami doon.

Ilang minuto kaming ganun at tuluyan na kaming nakababa nakita ko na ng tuluyan ang kabuoan ng mundong kinatatayuan ng academy. There were fire all over the place at ang tanging hindi tinutupok ng apoy ay academy mukhang nagawan ng paraan ni president Z na protektahan ang academy.

THE CURSED DAUGHTER OF TITAN EURYNOME✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon