INIS na binato ng masasamang tingin ni Maru ang dalawa nyang kaibigan. Kung nakakapaso ang mga tingin nya ay paniguradong tustado na ang dalawa.
Mga bruhang ito. Ni hindi man lang ako tinanong kung payag ba ako o hindi. Pshh.
"So, punta na lang kayo sa friday. Doon na kayo dumiretso sa resort" nakangiti pang sabi ni Jonas sa mga kaibigan nya samantalang sya ay nagngingitngit sa isang gilid
Kumuha ng isang private room si Jonas sa bar. May gusto itong sabihin sa kanila. Nag-aaya pala ang mga dati nitong kaibigan para sa isang celebration. Hindi na sana sya papayag kaya lang dahil sa mahahadera nyang kaibigan ay ito na mismo ang nagpasya at walang pakundangan na pumayag ang mga ito.
"Yun pa din ba yung dati?" tanong ni Geraline
Tumango naman si Jonas "Yup. Actually we are planning to build a resthouse near there. Para kung sakali mang may magba-bakasyon ay pwedeng dun na lang pumunta"
"Sino-sino ba ang mga kasama?" singit naman ni Monique na pinapaikot sa kamay nya ang wine glass na may laman
Umiling si Jonas kaya napakunot ang noo nya "Ano!?" inis na sabi ni Maru kaya napatingin sa kanya si Jonas
Ngumisi ito sa kanya. Oh, how I wish I can rip his grin. Bwisit pa din sya! Hindi nya kayang kalimutan ang ginawa nito sa kanya. And yes, nakalista lahat ng iyon. Simula noong highschool sila. Idinagdag na nga nya ang paghalik nito sa kanya.
"Oh, nandito pala si Panget na Maru? Kanina ka pa dyan?" nang-aasar na bigkas ni Jonas
Pinaikutan niya ito ng mata. Ogags talaga ito! "Hindi" sarkastik kong sabi
Tumayo ito. Kung kanina ay katabi nito si Geraline, ngayon naman ay lumalapit na ito sa kanya. Mukhang sa tabi nya tatabi.
"Wag ka dito! Doon ka sa malayo" naiinis kong sabi. Alam ko naman kasing mang-aasar lang sya
Hindi sya natinag sa sinabi ni Maru. Ang tigas talaga ng balat nya! Kainis. Wala na syang nagawa. Tuluyan ng nakatabi sa kanya si Jonas. At ang mokong, ngiting-ngiti pa.
"Bakit?" asik ni Maru
Umiling-iling ito "Wala naman. Masama bang ngumiti?"
"Oo" sabi nya "Masamang ngumiti lalo na kapag ikaw. Hindi bagay" okay! That was a lie. Bagay nga sa kanya ang ngumiti dahil sa almost perfect teeth nito. Naiinis lang sya kaya nya nasabi yun.
Namamangha namang nakatingin sa kanya si Jonas "Hindi bagay saken ang ngumiti? Seryoso ka?"
Tumango na lang sya para tapos ang usapan. Hindi naman nakikinig ang dalawa nyang kaibigan dahil pareho na itong busy sa pag-inom ng wine. May sarili na itong mundo.
Sa hindi inaasahang pangyayare ay nagulat si Maru ng biglang inilapit ni Jonas ang mukha nito sa mukha nya. Hahalikan nya ba ulit ako? Oh no! Pipikit na sana sya ng maramdaman nya ang hininga ni Jonas sa may tenga nya.
"O baka naman ay ayaw mong makita na ngumiti ako dahil baka lumaglag pa ang panty mo" pilyong sabi nito
Sa sobrang inis ay hinampas ni Maru ng malakas sa may braso si Jonas. Hindi naman dumaing ang binata bagkus ay tumawa pa ito na naging dahilan para makuha nila ang atensyon ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Aggressive Enemy
General Fiction[Warning: Rated SPG] Simula pa lang ng pagkabata ay hindi na talaga nagkaka-ayos sina Jonas at Maru. Isa silang patunay na may mga taong aso't pusa. At sa pag-aaway na yun ay may biglang namuo Makalipas ang limang taon, ganap na dalaga na talaga si...