Chapter 23: Feelings

88 5 7
                                    


-Anneka-

Yaass! This is it! Pupunta na kaming Philippine Arena in a bit. Dala ko na ba ang lahat? Yung camera, check. Yung lightsticks, check. Get-up for today, check. Naka-black akong shirt na may call me baby na nakasulat with their logo. Waa! Excited na ko. Makikita ko na si Chanyeol, ang Baklang si Baekhyun at ang Kwagong si Kyungsoo. Waaah! Sayang wala si Tao, nasa LA pa kasi siya e, sana bumalik na siya.

Narinig ko na ang busina sa harap namin. He's here already. Dali-dali akong bumaba ng hagdanan at nagpaalam na kina mama at papa. Inasar pa nga ako ng mga ito at sinabing goodluck daw sa date namin ni Alan. As if naman na date yun.

Nang makalabas na ako ng bahay, nakita ko siyang naghihintay at nakasandal sa kanyang Jaguar. Aba naman, yayamanin si kuya.

Pero teka..

" Bakit pareho tayo ng suot?!"

Ganoon din ang suot niya, pinabili ko pa ito kay mama e, di kaya..

" Oo, your mom gave it to me. Tch. Maganda e kaya sinuot ko. Magpapalit pa ba ako?"

" Okay na yan! Male-late pa tayo e"

At sumakay na kami sa kotse niya.

Dalawa kami na nasa kotse niya tapos parehas pa kami ng shirt na suot. Para kaming nagde-date sa lagay na 'to, para kaming.. couple.

Aish. Anneka ano ba itong pinagiisip mo?

Ang awkward kasi. Ano ba ang sasabihin ko?

" b-buksan mo nga ang radyo"

At binukas naman niya. Tama ba naman na ang kanta sa radyo ay yung Surely ni Gemini.

" A-ano ba yan? Ilipat mo nga yan!"

" Tch."

nilipat niya naman yung station ng radyo pero yung Ikaw ni Yeng Constantino yung kanta. Yung totoo?

" L-lipat mo nga yan. A-ang pangit ng kanta." Bakit ba ako nagkakaganito. Sudden awkwardness ang nafi-feel ko kay Alan? Geez. Sabayan pa ng mga love song.

" Nababaliw ka na Anneka Samonte"

" C-che! Magdrive ka na nga lang."

Bakit ako nakakaramdam ng ganito towards him?

I took a glance at him.

Seryoso siya sa pagda-drive. Tama nga sila, gwapo nga ang nilalang na ito.

" Humahanga ka nanaman sa kagwapuhan ko?"

" asa ka naman. Iba yung tinitignan ko no?"

" Tell me, naiinlove ka na ba sa akin?"

What a question from the conceited man.

" dream on mister. That'll never gonna happen"

" Let's see" he winked at me.

Yabang talaga. As if naman na mainlove ako sa taong ito.

**

- Alan-

Nasa Philippine Arena na kami at tulog pa itong kasama ko.

Staring at her face. Ito nalang ba ang kaya kong gawin?

" Luke.."

Looks like she's dreaming that guy again.

Kahit wala na si Luke, siya pa rin ang hinahanap ni Anneka.

Asar. Tama bang kainggitan ko ang wala na?

Si Jess lang ang nakakaalam ng lahat ng ito. She told me na sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko pero sa nakikita ko, mas mabuti kung itago ko nalang.

Iyon naman ang tama diba?

Bumusina ako.

O diba effective? Nagising ang bubwit?

" Jusko, magkakaroon ako ng heart attack sayo e!"

" tch. Para magising ka agad. Effective naman. Tara baba na tayo, baka malate pa tayo."

" Aye sir!"

Pumasok na kami sa Arena. Halos puno na ang arena. Dami palang fans ng mga koreanong yun? Eto namang kasama ko, kulang nalang magningning ang mata sa nakikita niya. Hindi naman ako ganito ng makita ko yung The Vamps dati.

Pumunta na kami sa upuan namin na nasa harapan at habang naghihintay na magsimula ang concert at walang ginawa ang kasama ko kung hindi ang magselfie. Hindi pa man nagsisimula ang concert pero ang hyper na niya. Tch. Parang bata but actually, I find this side of her cute.

" Selfie tayo!"

" E-eh? Ayoko nga."

" KJ mo talaga. Isa lang e, remembrance 'to ng nasa concert tayo. Dali na, wag ka ng choosy!"

Aba't tawagin ba naman akong choosy. Tch. Di pa ako ready e.

" Oo na, tch. dami mong arte"

" Sus. Papayag ka rin naman pala. Oh eto na 1,2,3 smile!"

*click*

" wow. ang cute natin"

" tignan mo, may kpoper na couple o? Ang ganda at ang gwapo nila. "

Sabi ng katabi namin

" oo nga. Pero wala pa ding forever" sagot ng kasama ko.

Bitter naman ng isang 'to.

tinignan ko si bubwit. She's blushing. Ang cute niya.

Nagsimula na ang concert. Ang dami nila ,9 sila. Parang pare-pareho lang naman ang mukha nila e, mas gwapo pa ako sa mga iyan e.

Nagsimula na silang kumanta. Itong kasama ko masyadong hyper. Nakikikanta rin ito't nakikipagtilian. Fangirl talaga.

" Kyaaaah! EXO saranghae!"

Ano daw? Alien yata itong bubwit na'to.

Hanggang sa tinawag siya sa harapan ng isa sa mga members ng EXO, yung mukhang kwago na maliit.

At yun nga dali-dali siyang umakyat doon. Tinanong ng lalaki kung sino daw ang kasama niya at tinuro niya ako. Pinapapunta niya ako sa stage. Aba asa, ayoko nga baka masapawan ko lang ang kagwapuhan nila. Tch.

Pero dahil sa hiyawan ng mga tao at pamimilit ni Anne ay umakyat na rin ako.

I saw her smile. She knows how I hate being in front of the crowd. Pasalamat ka bubwit, mahal kita.

***
Author's note: tomorrow will be the next update. Sorry if di siya buo. Bukas nalang yung part two. Exo-L's saranghaja!

Ps: lubus-lubusin na hanggang di pa pasukan. I ship these two ♥ KiAnne for the win!

I don't know if yung media is yung Surely ni Gemini. Ayaw magplay e, mahina ang net.

Love lots,

Pink.

My Stupid Ex ♥ ( CHANDARA FANFIC )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon