Broken

3.3K 77 3
                                    

Things are getting very difficult for me and Miguel. Seems like everything that we did for the past three years for this relationship start to slip away. It's been several weeks since the last time we were able to talk. Haven't seen him around the campus as well. Men's basketball off season so he spend more time in their house after class.

As the days past, it's getting more and more difficult. I hate this feeling, so heavy. There are times that I want to cry it all out but, I'm getting tired of crying. Isa pa, sa pagkakataon na 'to, wala na talagang maitutulong ang pag-iyak. Yeah, gagaan ang loob ko after I cry but, hindi naman naayos ang problema.

Migs, I really need to talk to you. Meet me at BEG please.

Hindi na ako makatiis, kailangan na talaga namin 'tong mapag-usapan. Sana maging maganda ang resulta or kung hindi man, atleast, ginawa ko ang sa tingin kong pinaka huli kong dapat na gagawin at kung ano man ang mangyari sa aming dalawa, wala akong pagsisisihan sa huli.

♡♡♡

Naandito ako ngayon sa BEG. Tapos na ang practice namin at nagpaiwan lang ako dahil hinihintay ko si Miguel para makapag-usap kami. Ang tahimik. Tunog lang ng kulog at kidlat lang ang nagsisilbing ingay sa lugar na ito. Wala akong ideya kung pupunta si Miguel para makipag-usap saken. Di bale na, I'll take my chances. It's now or never.

Ilang minuto pa ang lumipas ay may isang familiar na imahe ang papalapit saken- si Miguel.

Habang papalapit s'ya ng papalapit sa kinaroroonan ko ay pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Bawat hakbang na tinatahak katumbas ay bigat sa aking nadarama.

Naupo na s'ya sa tabi ko at patuloy parin kaming binabalot ng katahimikan. Tila ba na ang Miguel na nakilala ko ay ibang-iba na ngayon. Marahil na rin sa sakit na naidulot ko sakanya. Ako ang nagkulang, ako ang dapat sisihin kung bakit ganito kami ngayon. Kung kaya't kung ano man ang gugustuhin nya na mangyari sa relasyon namin, gagalangin ko. Masakit man, pero 'yon ang tama.

Hindi malinaw saaken kung kelan nagsimulang mangyari sa amin 'to. Isang lang ang malinaw, nasasaktan ako. Hindi ko naalagaan ng maayos ang taong minamahal ko kung kaya't lumayo ng hindi sinasadya s'ya ng ganito sa akin.

Wala parin naglalakas ng loob na magsalita sa amin. Panay buntong hininga lang ang tugon sa bawat sandali na lumilipas. Hindi pwedeng ganito nalang ito kaya inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron para magsalita at kausapin s'ya.

"Kamusta ka?"

"Hindi mabuti."

Ramdam ko ang bigat na nararamdaman nya sa mga salitang binitawan nya na 'yon. Pinipigilan ko ang sarili ko na mapaiyak pero hindi ko na nagawa dahil na rin sa susunod na tanong na bibitawan ko.

"Ano ang gusto mong mangyari sa atin?"

Nanginginig na ang aking kamay at nakatingin nalang sa kawalan. Hindi ako handa sa magiging sagot nya pero ito ang kailangan. Ayoko na patuloy pa s'yang mahirapan ng dahil saken. Minsan bumabaling ang paningin ko sa direksyon nya. Ramdam ko ang sakit na nadarama nya.

"Hindi ko alam."

"Ako ang nagkulang sa pagkakataon na 'to, kaya kahit na masakit sa akin, tatanggapin ko kung ano man ang magiging desisyon mo."

Tumingin s'ya sa taas ng BEG at sa pagpapakawala nya ulit ng isang malalim na buntong hininga ay tila ba handa na s'ya sa kanyang sasabihin. Hinawakan nya ang mga kamay ko at tumingin saken ng diretso.

"Jia, alam mo na mahal kita." Sa kasalukuyan ay pareho na namin hindi mapigilan ang pag-iyak. "Pero kapansin-pansin na ang mga bagay na nangyari sa atin nitong mga nakaraan ay hindi natin ginusto. It's completely way beyond our control. Hindi talaga tayo binibigyan ng pagkakataon. Kaya I decided na hayaan nalang muna kung anuman ang gusto mangyari sa atin ng tadhana. Kung tayo parin sa huli, hindi ako magdadalawang isip na bigyan 'to ng pagkakataon."

Wala na akong ibang nasambit bilang tugon sa mga narinig kong 'yon. Ang gusto ko nalang gawin ngayon ay ibigay kong ano ang gusto nyang mangyari.

Sumabay sa pag-iyak ko ang kanina pa'y nagbabadya ng pagbuhos ng ulan. Nakaalis na rin si Miguel. Pinili ko na ang ganito para hindi na rin kami mahirapan pareho.

Nagdesisyon akong suungin ang kalakasan ng ulan na kanina pa nagngangalit. Nanghihina ako. Ang bawat paghakbang ay napakabigat hanggang sa tuluyang mapaupo nalang ako. Nanginginig. Sinusubukan sumigaw para mailabas ang lahat ng aking nararamdaman. Nabigo ako. Hindi ko inasahan na magiging ganito kahirap na pakawalan ang taong minamahal ko. Ngayon, ramdam na ramdam ko na ako'y mag-isa. Bigla akong natigilan. Tumigil na ba ang ulan? Hindi. Teka. Ano 'to? May humawak sa kamay ko at tinutulungan akong tumayo.

Sa bawat pag-iyak mo, pangako, naandito lang ako...

UnconventionalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon