Hi! My name is Crizia not your typical nerd, hindi ako yung nerd na manang kung manamit, buhaghag ang buhok, at may malalaking braces, Nope that's not me...
Sometimes they call me nerd, but i prefer Genius haha., at kung tatanongin niyo rin ako kung isa akong bratinella... nope. Hindi rin, i'm just a gorgeous Bookworm.... kaso nga lang i'm not in the first, lagi lang akong second, well tanggap ko naman, i'm contented in where am i right now, and i accept who am i without a doubt...
But my parents, they're not satisfied in what i reached, gusto nila akong maging 1st, pero eto lang ang kaya ko....
"Crizia, what the--?! Hindi ka naging parte ng pamilya para maging pangalawa LANG!, kung gusto mong ituring ka naming anak, ayusin mo yang grades mo!!, we don't have a child as stupid, idiot and dumb like you!"
Dad said, sanay na naman ako ehh, halos buong highschool ko ganyan sila, they are so controlling, as if i'm a robot that they can manipulate and control every moment, at ngayong college na ako ay ganun parin sila...
"Kung hindi ka makaka kuha ng Summa Cum Laude sa darating na Graduation mo, forget that you have a family like us, hindi ka na namin cargo, bahala ka na sa buhay mo!!" Mom said....
How can they just abandon their child? In fact! I can reach that Summa Cum Laude kung gusto ko yung ginagawa ko, dang! I want to be a Doctor! Not a businesswoman! The nerve! Pero, wala akong karapatan na mamili, sila ang nagpapaaral sa akin kaya sila ang may kakayahan na magdesisyon sa buhay ko...
"Mom.. Dad.. please don't do this, you know i can't... eto lang ang kaya ko, Mom please... Dad...." i cried while kneeling in front of them.. what kind of parents they are? Letting their child to plea?... to kneel down before them?... to beg for?...
"There are so many ways you can use, gamitin mo yang utak mo! Ano na palang pakinabang niyan?, hindi mo man lang gagamitin yan?!" Sigaw ni Dad...
"Kung hindi kaya ng isip mo, gamitin mo yang katawan mo!" Mom said that made my eyes wide.. "w-what do y-you mean?" I asked, don't tell me they're thinking that i will give my body to someone JUST to get that Dang position?! Darn No!! Never!
"Yung current Top 1 niyo..., akitin mo siya, i distract mo!, after all you had a good figure and physiques..." Mom said, hindi ako makapaniwala, itataya nila ang katawan ng anak nila para lang sa karangalan? Sa Titulo? Rank? Posisyon?
"B-but i c-can't" i said still crying what an effing freak?! "You don't need to give up your v-card, akitin mo lang siya para di siya makapag review, or make him fall in love with you, then break him before the Graduation or the NET, with that you can distract him"
No, no hindi ko kayang gumamit ng isang tao, hindi ko kayang magpaikot ng isang tao, Hindi ko kaya... "You'll do what we want or, we will disown you, choose wisely Crizia...."
Hindi ko kayang magpaikot ng isang tao, pero mas lalong hindi ko kayang maitakwil ng sarili kong pamilya, i think, i was born just to be manipulated by them, i was born to obey them to gratify and satisfy them, i think i was born JUST to serve them....
Pinilit kong maging mas malapit kay Joao ang current Top 1 ng campus (pronounced as: jowaw), at hindi naman ako nabigo, bawat pagiging malapit namin ay siyang ikinatutuwa ng mga magulang ko, masaya ako tuwing kasama siya, hindi na kailangang umarte, hindi ko na kailangang maging plastic....
Noong una ay nagdadalawang isip pa siyang makipaglapitan sa akin, dahil alam kong grade conscious din siya, at akala niya'y aagawan siya lagi ng puwesto kaya lang siya kinakaibigan, guilt hit me in that time, ngunit dahil lagi ko siyang kinukulit ay kalauna'y napalapit na siya sa akin.
"Ang ayaw ko sa lahat ay yung mga manggagamit, yung may iba palang agenda" i remembered what he said, noong tinanong ko siya if what his likes and dislikes, napatahimik ako noong sinabi niya yun, ngunit pinilit kong huwag ipahalata sa kanya.
Naging masaya naman ang pagiging malapit namin, walang awkward moment walang ilangan na naganap, sabay lang sa agos, sabay kami sa pagiging abnormal naming dalawa.
Ngunit sa mga oras na masaya kami ay lagi rin ipinapaalala ng mga magulang ko na isa lang itong arte, isa lang kasunduan, at paulit ulit iyong ipinapaalala sa akin ng mga sakim kong magulang..
Dumaan ang mga buwan at tuluyan nang nahulog ang loob niya sa akin, niligawan niya ako, at walang pagaalinlangan ko siyang sinagot, tulad ng gusto ng mga magulang ko, we did build a great relationship, we did great being a couple,
Para sa akin totoo lahat, lahat ng pakikisama ko sa kanya, bawat emosyon na inilalabas, at bawat damdamin na ipinadadama ko, lahat totoo kasi alam ko sa sarili ko na... hindi lang siya ang nahulog, mukhang ako rin ata, mukhang nahulog rin ako sa sarili kong bitay...
Palalim ng palalim ang nadarama namin sa bawat isa at ganoon narin palapit ng palapit ang ibinigay nilang oras para saamin, parang isang sampal iyon sa akin na palapit na palapit na ang araw kung saan hihiwalayan ko siya at sasaktan, pero iniisip ko palang parang di ko na kayang saktan siya kaya, nagmakaawa ako sa parents ko...
"Hindi pwede Crizia, kung ano ang napag usapan yun na yon!!" Galit na galit sila noon nung sinabi kong hindi ko na itutuloy..
"Mom, please... pakawalan niyo nalang ako, kung itakwil niyo ako okay lang, please Mom, Dad" pagmamakaawa ko..
"No, not this time!, ano bang mahirap sa ipinagagawa namin? At ano? Papayag kang itakwil ka namin? Kung ganun rin naman pala aba! Susulitin ko na! Wala ka nang dinala sa pamilya kundi kahihiyan, at pagbabayaran mo lahat ng yon!!"
Inaamin ko natakot ako doon, hindi ko akalain na mapag babantaan ako ng ganun ni Mom,
akala ko tapos na ngunit hindi pa pala, dumating na yung consequence ng mga ginawa ko, yung pagbabayaran na sabi ni Mom dumating na, at hindi ko kinaya yun, napakabigat...
"Maam Crizia pinapatawag daw ho kayo ni Maam sa baba" sabi ng isa sa mga kasam
bahay namin habang nageempake ako ng mga gamit ko, eto na raw ang kapalit ng mga ginawa ko, ngayong gabing ito, itatakwil na nila ako...Pababa na ako ng hagdan ng may marinig akong pamilyar na boses hindi ako magkakamali siya yun, ang mahal ko si "Joao" usal ko ngunit, pano siya napunta rito? At bakit? Hindi maganda ang kutob ko rito...
"Hihiwalayan ka rin ni Crizia" nanginig ang tuhod ko ng marinig iyon kay Mom so ito pala yung kabayaran ko? Eto yung susulitin na sabi niya... "ho? Bakit ho?" Tanong ni Joao, Ohh Gosh... hindi ko ata to kakayanin, "lahat ng pinakita niya sa iyo, ay para sa kasunduaan lamang"
"Ano hong, koneksyon ng kasunduan sa relasyon namin ni Crizia?" Halatang tumataas na ang boses niya "Lahat ay kasunduan, all that intimation, feelings and even your relationship was all under the agreement, in short hindi ka mahal ni Crizia"
'Liar! kaya nga nag makaawa akong wag nang ituloy dahil sa mahal ko siya at ayaw ko siyang masaktan, pero masasaktan ko pa rin pala siya...' i want to say her that, but i dont have the guts, papalapit na ako ng papalapit sa kanila,
"Ano ho bang pinagsasasabi niyo? Mahal ako ni Crizia, at plano na naming magpakasal pag ka graduate..." matutuloy pa ba yun kung malaman mong may kasunduaan nga talaga?
"Makinig ka, lahat ng ito ay kasunduan lamang, dahil gusto naming maging Summa Cum Laude siya, at ginusto niya rin yun, kaya nag karoon kami ng kasunduan na i distract ka, pero yung Crizia na yun, duwag.. nakokonsensya na raw siya kaya gusto niya na matapos to, at wala narin daw siyang balak agawan ka ng puwesto..."
Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Joao at tuluyan na nga akong nakalapit sa kanila "ohh, ayan na si Crizia, kung ayaw mong maniwala sa akin then ask her yourself, i will leave you two then...." at umalis na si mom, magkaharap na kami ni Joao ngayon, hindi man lang ako makatingin sa kanya ng diretso, lumapit siya sa akin malapit na malapit, kaya kinailangan kong ituon ang ulo ko pababa.