ORION

13 7 0
                                    

                                            PROLOGUE


"Kilala mo yon?" Takang tanong ni sun nang makitang natigilan si isla at napatitig doon sa lalaking mag isang nakaupo sa sementong upuan malapit sa school nila.

Umiling si isla pero hindi parin nya nilulubayan nang tingin ang lalaki.

"Nagtataka lang ako" sagot ni isla

"Ha? Dun sa lalaki? Nagtataka ka dun sa lalaking yon?"

"Hmm" tinuro nya yung mga lalaking nag uusap dun sa tapat nang gate nang school nila. Nakauniporme din tulad nila. "Tumitingin tingin sila sa lalaking yon e" dagdag ni isla

Natawa si sun dahil as usual heto na naman siya at makikinig na naman sa mga observation ni isla pero hindi parin sya masanay sanay sa hilig nito.

Isla's hobby is to observe. Magsalita kama sa harapan nya oobserbahan nito kung papano ka magsalita tapos bigla nalang magsasabi nang mga bagay na napakalayo sa pinag uusapan nila. Like now.

Hinawakan ni sun sa magkabilang balikat si isla at nilagay sa kabilang gilid nya kaya naharangan nya yung tinitignan nito.

"Let them. Matatanda na mga yon at alam na nila ang consequences na mangyayari sakanila isla. Umuwi na tayo" mahinahong sabi ni sun

Ayaw man ay pilit na tumango si isla pero bago yon ninakawan muna nya nang tingin yung lalaking mag isang nakaupo sa sementong upuan.

He look sad. Why?

Naputol lang ang tingin nya sa lalaking yon nang hilahin na sya ni sun sa palapulsuhan nya. Napabuntong hininga sya at pinokus sa daan ang tingin nya pero kapag may nakakasalubong sila parang may humihigop sa attention nya pasalubong sa mga mata nang mga ito.

She want to know why they are sad. Kung bakit sila masaya at kung bakit.....ganun sila makatingin nang pabalik sakanya.

Tinignan nya si sun na hila hila padin sya.

"Sun?"

"Hmm? Why gutom kana?"

Umiling sya pero tinuro nya yung sarili nya.

"May dumi ba sa mukha ko?" Takang tanong nya.

Gusto nyang malaman kung bakit napapakunot ang noo nang mga nakakasalubong nya kapag nagtatama ang mga mata nila.

Tumigil si sun at pinakatitigan ang mukha ni isla pagkuwan ay umiling sya.

"Wala naman e. Bakit ba?" Takang tanong din ni sun

Mas lalo namang napuno nang pagtataka ang mukha ni isla dahil don. Pero bakit ganun silang makatingin?

Nilapitan nya nang husto si sun at bumulong "ang weird kasi nilang makatingin saken. Bakit ganon?"

Natigilan si sun pero agad ding nakabawi bago tumawa at umiling

"Wag mo nga silang intindihin islang. maganda ka kasi kay ganun sila kung makatingin" sagot ni sun

Tumango nalang si isla at hindi na nagtanong pa hanggang sa makarating na sila sa village nila at hila hila padin sya ni sun.

"Maaga kayo ngayon ah"

Nginitian nila pareho si kuya ranch -gate security- nang village habang papasok sila

"Maaga pong natapos sa mga gawain kuya" sagot ni sun

Ngitian nalang ulit ni isla si kuy ranch nang magawi ang tingin nito sakanya tsaka kumaway nang mag umpisa nang maglakad si sun at nahila na naman sya.

ORION: The MysteryWhere stories live. Discover now