~~~
Something touch my lips and it's so softI don't know what it is but I like it
It is soft like a marshmallow and somehow it smelled good too
It taste good in my lips?
I move my lips to taste it more, wanting more of it
I'm not getting enough of it
It's like a dessert I wanted to finish
When it slowly withdraw I bite it wanting more of it and still not satisfied
Not wanting it to withdraw
Pagmulat ko ng aking mga mata ay umaga na at nasa kama ko na ako sa kwarto ko
Galing sa pagkakahiga sa kama ko ay umupo ako at kinusot kusot ang mata ko at nag unat
Tumingin ako sa pinto ng teresa ng kwarto ko na nakabukas at hinahangin ang kurtina na nakasabit sa pinto
Binaba ko ang paa ko sa sahig at nanatiling naka upo roon
I remembered my dream
"What was that?" Humikab ako and just shurgged that thought about my dream
'So anong gagawin ko ngayong araw?'
Malamang papasok sa school dahil hindi pa naman weekend ehh
"Hayss!" Pumasok nanaman sa isip ko yung panaginip ko usually naman nakakalimutan ko ang panaginip ko paggising ko
That's New
Hinawakan ko ang labi ko "Kaylan ko kaya mararanasan yung nasa panaginip ko?" And then I remembered the soft lips that touch mine yesterday
Bigla akong namula at napahiga ulit sa kama ko kinuha ko ang unan at pinantakip sa mukha ko
Yesterday was... Uhh! It's already fucking past
Umupo ako at tumayo
"No! Iisipin ko lang hindi nangyari yun sa buhay ko and tada! Pero..." bigla nanaman ako napaupo sa kama at ginulo gulo ang buhok ko sa frustration
"Hayss! Bahala na." Pumasok nalang ako sa CR ng kwarto ko at naligo na at pilit kinalimutan ang nangyare kahapon
Tapos naalala ko napagalitan rin pala ako ng isang teacher kahapon
Ahh pake ko dun! Kiss lang naman yun ahh at wala namang nangyare samin! Tsk! Mga tao ngayon masyadong judgemental!
~~~
Pagpasok ko ng school at malapit na ako sa room namin ang lakas lakas ng tibok ng puso ko
Kalma self! Wala pa naman sya pumapasok... siguro
Pagdating ko sa harap ng classroom namin ay para akong tangang tingnan sa pwesto ko na sige silip sa loob ng room namin
Maraming dumadaang estudyante na napapatingin sa akin mukha kase akong estudyanteng naghahanap sa crush nya sa kabilang section
Peste! Pumasok na ako sa room ng hindi ko sya nakita katabi ng upuan ko
Pag upo ko pa lang sa upuan ko ay napabuga na ako ng hangin normal na ulit ang tibok ng puso ko pero agad akong nagulat ng sumigaw si adler at louela
"Wahhh!" Tangena napa talon pa yata ako sa upuan ko sa sobrang pakenang gulat
Inis akong humarap sa kanila na parehong nasa likuran ko nakahawak sa tyan nila at pagkalakas lakas ng tawa
Tinarayan ko sila at humarap na sa harap
Ganun na ba ako kakabado para hindi sila mapansin na nakatago lang pala kung saan man sa likuran ng inuupuan ko
"Tsk!" Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko dahil sa paggulat nila sa akin at parang mas bumilis ang tibok ng puso ko ng pumasok si Kai ng classroom na nakangiti at halatang masayang masaya
Umiwas ako ng tingin sa kanya, bumalik na sa mga upuan nila si adler at louela na bahagya paring tumatawa kinakausap nila ako pero inis lang akong nakatingin sa kawalan at parang mamumula pa yata ng naramdaman kong umupo na si Kai sa tabi ko
"Good morning!" Bati nya, pilit akong tumingin sa kanya na nakangiting nakatingin sa akin at halatang good mood na good mood sya ngayon
Kailangan ko ba talagang humarap sa lalaking ito ngayon, uhhh!
Pilit akong ngumiti at binati rin sya
"Good morning!" Mahina kong sabi, he just smiled and touch his glass
Balak ko syang hindi pansinin ngayong araw pero takte pansin na pansin ko ngayon na ang gwapo nya pala kapag nakangiti dibale baka mamaya seryoso na yan at wala nang ngiti sa mga labi nya
Binati din sya ng good morning nila louela at adler at binati nya din sila pabalik
Napanatag ako nang hindi nya na ako kinausap pa dahil pumasok na rin ang teacher namin at nagsimula na syang mag klase
Pinipilit ko ang sarili kong tumingin lang sa harap at hindi dumapo sa kanya ang mata ko
Hindi ako masyadong maka focus sa lesson namin
Naramdaman kong may kumalabit sa akin sa likod kaya agad akong nataranta at bahagyang napagalaw sa gulat
Tumingin ako sa likuran ko at nakita ko sa adler na nakangiti
Agad akong kinabahan sa naisip na baka alam nya ang iniisip ko rito
'Pakshet!'
Nilapit nya ang labi nya sa tenga ko at bumulong
"Pahiram ballpen." Parang nawalan ako ng gana at tamad na tumingin ulit sa kanya
'Haysss!'
Tamad akong kumuha sa pencil case ko ng extra ballpen, kita ko sa gilid ng mata ko na gumalaw si kai at may kinuha sa bag nya at may inabot sa likod at humarap ulit sa harap nya
Humarap ako kay adler na may hawak ng ballpen at inis na nakatingin sa likuran ng katabi ko
Nang tumama ang mata nya sa akin ay awkward syang ngumiti
"Hehe!" Mahina nya pang tawa
I look at him at pinarating ang salitang 'TALAGA BA?!' sa pamamagitan ng reaction ko
"Tsk!" Mahina kong asik pilit na ginawang dahilan ang paghiram sana ni adler ng ballpen para makapag focus na ngayon
Kinabahan talaga ako kanina na baka may napansin si adler sa akin o sa amin
Pakshet na adler
Napunta ang tingin ko sa likuran walang kaalam alam na louela sa nangyayare sa akin sa mga nakaraang araw
Sanaol kase may pinag kakabusyhan maliban sa pag-aaral
#late na haha😅
YOU ARE READING
MR. TORPE VS MR. WOMANIZER (COMPLETED)
Teen FictionSloane loves the way how her life goes So simple and So normal She knows the answers to every problem in her life and she knows what to do in any situation she's encountering She loves to plan what will happen to her life like she's controlling ever...