5

31 1 0
                                    

5:40pm na at boarding na ang airplane kaya napaunat ako dahil nakatulog ako habang naghihintay kanina, kinuha ko na bag ko at nilabas na din ang ticket ko at pumila na dun.

Medyo sumakit katawan ko dahil metal yung sinandalan ko kanina eh, inabot ko na yung ticket sa staff kaya nagbow na sakin yun at dumeretso na sa airplane, inassist naman ako ng isang f.a nung pinakita ko sakanya ticket ko.

Nasa dulo yung bussiness class, ewan ko ba dito kay cyrene bat yun napili nya sakin pwede naman na ordinary class e.

"Good Afternoon Ma'am Takahashi!"bati sakin ng isang f.a kaya napangiti ako dun, tuwing uuwi akong japan sya yung lagi sumasakto sakin.

"Oh good afternoon too! Roselle!"bati ko sakanya kaya napangiti naman sya dun, she's younger than me.

Umupo na ako sa pwesto ko at nagseatbelt na din, nilagay ko naman sa ilalim ng upuan yung bag ko dahil etong inuupuan ko pwede maging higaan at may privacy din dito, may kumot na din at unan at libre na din ang pagkain.

Nagbow na sakin si roselle at sinara na yung pintuan, napalingon naman ako sa bintana dahil palubog na yung araw. I'll be home by 9, maglaland by 8 so by 9 na ata ako makakauwi sa apartment ko.

"Ma'am takahashi??"biglang tawag sakin ni roselle kaya slinide ko yung pintuan at nakita syang dala na yung lagi kong inoorder kaya napangiti naman ako dun.

"ang aga mo naman ata binigay sakin to pero thankyou! gutom na rin naman ako, yung dessert mamaya nalang ha?"sabi ko sakanya kaya natawa naman sya at nagbow na sakin.

Sinara nya na yung pinto kaya napangiti ako nung nakita ko yung lagi ko gustong kainin! Chicken katsu with sprite and fries, bigla tumunog yung speaker kaya napatingala ako dun dahil curious nanaman ako kung yung crush ba ni roselle yung magpapalipad ngayon or si Russel Matteo Fernandez yung crush ni margo na piloto??

"Good Evening Everyone, Capt Russel Matteo Fernandez speaking. We will be at Japan by 8:30pm, have a nice day"napangisi ako dun.

Umandar na yung airplane kaya hindi ko muna ginalaw pagkain ko dahil nahihilo ako pag pataas na, inabot ko muna yun sa isang f.a na dumaan at sinabi ko mamaya na iserve sakin pag gising na ako.

Sinuot ko na airbuds ko at kinuha phone ko at napangiti naman ako agad nung nakita ko connected agad ako sa wifi nila. Nag ig story naman ako na nakasakay na ako sa airplane agad naman yun naseen ni margo.

margomarxie_replied to you story:
was was that akiara takahashi?

Natawa ako ng mahina dun at inayos yung upuan ko at ginawang kama iyon at naglagay ng kumot sa katawan ko.

Akiara_: I'm going home!

margomarxie_: i know bitch kala ko mamaya pang 9 flight nyo magpipinsan !

Akiara_: nauna ako sakanila and guess what?

margomarxie_: don't tell me....

Akiara_: oo sis yung crush mo nagpapalipad ng ereplano na sinasakyan ko ngayon.

margomarxie_: video greet kasi ghorl

Akiara_: luh hindi pa nila break time pero sige hahanap ako tyempo or pag naglanding nalang

margomarxie_: ingat sa flight ghorl! baka naman pasalubong :(

Akiara_: buang ka? wala pa nga ako sa japan pasalubong agad?you want sapak ba?

margomarxie_: conyo ka ghorl?

Akiara_: edi ikaw na deretso magtagalog, sana all fluent sa tagalog.

Meet Me At KatipunanWhere stories live. Discover now