[BR 24]

765 65 25
                                    

note ---

Hi, kumusta kayo? Sa mga dinaanan ng bagyo, I hope you're all doing okay. Stay safe everyone. Luvluv. 💜

PS. Photo not mine.

---

R A F F Y
Before Rosa 24

○○○

Sunod-sunod ang meeting ko today. Maaga akong umalis sa bahay para sa isang breakfast meeting with our boss and the rest of the staff ng center namin. Tapos, sumunod agad ang isang counseling/therapy session kasama ang kindergarten na may autism.

Ang tanging break ko dapat na lunch  ay may kasabay paring meeting. May biglang organization na nag-invite sa center namin kaya nagpa-emergency meeting ulit si Boss.

Then, after that, nag-interpret ako ng limang nueropsychological tests, to be submitted at the end of the day.

"Raffy," tawag ni Dra. Vega, dahilan para gulat akong mapatingin sa pinto ng office. "Bukas na 'yan."

Agad akong napatingin sa orasan. "Hala, doc." I gave her a sorry look. "Hindi ko pa po tapos."

She waved her hand dismissively. "Just give it to me tomorrow morning."

"Pero po--"

"Don't you have a family to go home to?"

Natigilan ako. Si Sia. Shet.

Napahawak nalang ako sa batok ko. I have this tendency talaga na kapag sobrang engaged ako sa gawain sa office ay nakakalimutan ko nang umuwi. I'm doing it again.

"I know I do," dagdag ni Doc. "Mauuna na ako."

"Bukas na lang po 'to?"

Nakangiting tumango si Doc. "Yes, Raffy. I'll tell the clients to come by in the afternoon instead. Mga estudyante lang naman 'yun, for their college application. It's not urgent."

I nodded hesitantly, my mind juggling my responsibilities at work and at home.

"Sige na. I'll get going na," paalam ulit ni Doc. "Umuwi ka na rin ha?"

Mabilis akong tumango. "Opo. I'll just clear my table," sagot ko.

"Sige. Bye, Raffy."

"Bye, Doc."

Nang makaalis siya ay agad na 'kong nag-ayos. I left the office at around 5:40pm. Madilim na at malakas ang ulan sa labas. Agad akong sumakay sa kotse at pinaharurot ito.

Sa kalagitnaan ng byahe, sa gitna ng traffic, bigla akong inabot ng antok at pagod. Nagsimula ring manlabo ang mga mata ko.

"Shet, bakit ngayon pa."

I massaged my forehead while waiting for the other cars to move. Ang bigat ng ulo ko.

There was a loud horn coming from behind me, causing me to jump from my seat. Nang i-angat ko ang aking tingin, nakita kong gumalaw na pala ang nasa harap ko.

"Sandale," sabi ko sa nasa likod kahit na hindi niya naman ako maririnig. Agad kong inalis ang aking paa sa brake at pinagalaw ang sasakyan. "Init ng ulo. Ilabas mo kaya 'yan sa bintana nang maulanan. Baka sakaling lumamig."

Few meters later, the traffic stopped again. Napahinga na lang ako nang malalim. I glanced at the clock and thought about Sia. Siguradong nakaluto na 'yun at naghihintay sa 'kin.

I reached for my phone to check if she called or texted. Nang makita kong wala ay ibinaba ko na lang ulit. Nagpatuloy ako sa pagdrive.

Sa pagdaan ng mga minuto, lalong bumigat ang pakiramdam ko. My vision also kept acting up.

Before RosaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon