Puwesto ng mga Saratobias ang salas at since hindi pa sila nakakabalik sa loob, nanatiling walang tao sa salas kasi nasa labas naman talaga ang party ni Medi. Umupo ako sa malapit na side table na gawa sa kahoy at kinalikot ang cell phone ko kahit na naka-charge pa ito. Fifty-five percent pa lang din naman ang percentage ng battery.

Nag-connect na lang ako sa wifi at nagtingin-tingin ng update sa social media ko. Ch-in-eck ko ‘yong picture namin ni Medi kanina sa cake niya na p-in-ost ko to greet her. Karga-karga ko si Medi no’n habang malawak na nakangiti sa cute na cute niyang Hello Kitty-inspired cake.

Maraming nag-like at nag-greet sa comment section. ‘Yong iba hindi ko naman kilala, ‘yong iba mga kamag-anak namin na nasa ibang bansa, mga kamag-anak na nasa malalayong lugar na hindi physically present sa party. Mama also greeted Medi, even Tita Leceria. Reasonable naman na maraming magla-like at comment sa photo na iyon dahil naka-tag naman si Tito Doane at Tita Annellia. At saka, cute din naman kasi talaga si Medi.

Isa-isa ko na lang na ni-like ang mga comments and greetings nila. Hindi na ni-reply-an. Hindi rin naman ako ang birthday celebrant.

Until I came across with the latest commentor. His account name is Newton Lizares and he just simply commented: happy birthday. Cl-in-ick ko ang account niya and we’re not even friends but we have a lot of mutual friends. Mga two hundred four accounts.

Hindi ko kilala kung sino ang nagmamay-ari ng account but since Lizares ang apelyido, I have a hunch na kilala ko siya. Hindi ko rin naman kasi makita ang profile picture niya dahil nakatalikod siya sa camera and mas na-emphasize ang view sa likuran niya kaysa mismo sa katawan niya. Para na nga’ng naging silhouette ang image niya. Naka-private din account niya.

Saktong papasok si Nicho sa loob ng kanilang bahay na may bitbit na hotdog na nasa stick na may kasamang dalawang marshmallows. Pinalapit ko siya sa akin at agad na kinuha ang stick na bitbit niya. Kinagatan ko agad habang ipinapakita sa kaniya ang cell phone ko para mawala sa hotdog ang atensiyon niya.

“Kilala mo?”

Sinamaan niya ako ng tingin nang makita niyang kinakain ko na ang kaninang bitbit niya lang na hotdog on stick. Napa-iling na lang siya at muling tumingin sa cell phone ko. Naka-flash pa rin doon ang account no’ng Newton’s Law ay este no’ng Newton Lizares pala.

“That’s Tonton. ‘Di mo ba kilala?”

Nangunot ang noo ko dahil sa sinagot ni Nicho sa akin. “Tonton? Na kapatid ni Decart? Na bestfriend ni Ada?”

“Mm-Hmm. ‘Di mo ba nakita na nasa mutual friends ako?” Ini-scroll up niya ang screen ko at ipinakita ang profile niya sa list ng mutual friends. Bumabalandra ang pangalang Nichodemus Felizar S. Vaflor. “Bakit? Anong mayroon sa kaniya? Type mo?”

Agad kong inagaw ang cell phone sa kaniya at pinandilatan ng mata. “Bugok! Anong type-type ‘yang pinagsasabi mo? Nag-greet lang kasi kay Medi through comment section ng p-in-ost kong photo namin ni Medi. Utak mo talaga may ubo.”

“Ba’t ang defensive mo? Hindi ka rin naman magugustuhan n'yan. 'Di ka niya type,” natatawang sabi niya habang tinitingnan ako. “Akin na. I-add natin. Kawawa ka naman. Hindi pala kayo friends.”

Madali niyang kinuha ang cell phone ko at ewan sa engkantong nasa tabi-tabi lang kung anong ginawa niya. Baka nga in-add niya gaya ng sinabi niya. Wala na akong pakialam. Bahala ka sa buhay mo Nichodemus.

Matapos ang ginawa niya, siya na rin mismo ang nagbalik sa cell phone ko sa ibabaw ng side table at hinayaan ulit itong mag-charge. Unti-unti na rin na pumasok pabalik sina Lolo at Lola sa salas ng bahay nina Nicho. Kaya cue na rin namin ni Nicho ‘yon na muling lumabas since bawal kaming makihalubilo sa usapan ng mga matatanda.

When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon