THE UNEXPECTED FEELINGS.
Kusa niyang inilayo ang sarili niya sa akin matapos ang ilang segundo. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko at hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
What just happened? What just actually happened?
Nakayakap pa rin ang braso ko sa canvas pero niyayanig na ang buong mundo ko, patuloy sa pagtibok ng mabilis ang puso ko. Diretso kaming nakatingin sa isa’t-isa and the worst part is ako lang ang nagulat sa ginawa niya.
“B-Ba… B-Bakit mo ako h-hinalikan?” tanong ko sa kaniya. Nakaramdam ako ng inis pero mas nangingibabaw ang gulat.
Pero bago pa man siya makapagsalita, na-realize ko na kung anong gusto niyang sabihin at ang ginawa niya. Dahan-dahan kong inilapag ang canvas sa paanan ko at napaatras na lang habang umiiling. It’s like animatedly saying to her that what she did is not right, that it’s clearly wrong and inappropriate.
Tumalikod ako and help myself to the way of the door. I was about to grab the doorknob when she finally speak.
“I… I really like you, Zetty. No scratch that… I think I’m inlove with you now. Please don’t leave this room without hearing me first.”
Sunod-sunod ang naging paghinga ko at dahan-dahan muling tumalikod paharap sa kaniya. She stayed where she at a while ago nang makalingon ako.
“G-Gusto mo ‘ko? Teka- paano? Impos- are you-”
“Yes, I’m a bisexual, Zetty.”
What the actual fuck?
Umiling-iling ako at hindi makapaniwala sa mga lumabas sa bibig niya. She’s a bisexual. Silahis.
“Ito ba ‘yong rason kung bakit hindi mo sinagot si Yosef?”
She sighed and looked away. “I don’t like Yosef because I like someone else. And I tried running from it for a hundred times but I always come back to liking her… to loving you, Zetty.”
Humakbang siya ng isang beses that resorted me to take a step backward. Nakita kong napatingin siya sa paa ko dahil sa ginawa ko pero agad ding bumalik ang tingin niya sa akin, this time mas nakikita ko na ang lungkot sa kaniyang mga mata.
“P-Paano? I mean… we barely had an interaction, paano ka-”
“Remember grade seven? Therence and I were transferees that time. Galing kami sa isang international school sa Bacolod but we ended up studying in a local private school in this small city pagdating ng high school. Therence adjusted immediately. Habang ako, ilang buwan na pero nangangapa pa rin because I suck at adjusting and communicating with someone else. But you were there and you helped me adjust with my new environment. At sana hindi mo nakalimutan ‘yon.”
Napa-iwas ako ng tingin sa kaniya at nag-isip, inalala ang grade seven year ko.
Yeah, it’s true, kaklase nga namin sila no’ng mga panahong iyon. Pero hindi lang naman ako ang tumulong sa adjusting period niya. Lahat naman kami nag-a-adjust no’ng mga panahong iyon. It just happened na classmates na ni Nicho ang mga Osmeñas kaya madali ko silang nakapalagayan ng loob, plus they’re all friendly. I came from a public school, habang ‘yong mga kaibigan ko ngayon ay dito na rin nag-elementary sa school namin ngayon. Maliit na tulong lang naman ‘yong ginawa ko, anong kakaiba roon? At tinulungan din naman siya ng mga Osmeña no’ng mga panahong iyon.
“From that day, hindi ka na nawala sa isipan ko. I want to befriend you pero alam kong ang choices ng friends mo ay hindi katulad kong tahimik. Your friends are loud, your friends are extrovert. Hindi katulad ko na introvert. Sinubukan ko, Zetty, pero naubusan ako ng pagkakataon hanggang sa hindi na tayo naging magkaklase pa. No’ng una, gusto lang kitang maging kaibigan pero namamalayan ko na lang ang sarili ko na hinahanap na kita, na hindi nabubuo ang buong araw ko kapag hindi kita nakikita. Kahit nasa malayo lang, natutuwa na akong makita kang nakangiti. And that’s when I realized that I’m not normal. I like girls and I know I’m not normal.”
BINABASA MO ANG
When The Waves Touch The Sky (Yutang Bulahan Series #4)
General FictionZetty Mondejar loves risking her life. Will she be able to risk anything for the man of her life?