~Third Person's P.O.V~
Nauna nang nakauwi sina Yeji at Soobin. Parang silang magkapatid, parehong tahimik hanggang ngayon. Wala ring ka-emotion ang mukha nila. Hinihintay nalang nila si Lia at Hueningkai. Nagulat nalang si Soobin nang marinig niyang uuwi ang bestfriend niya. Sa tagal ng panahon, hindi pa rin nawawala ang feelings niya sa kaniya. This is the opposite for Taehyun. Kahit na hinihintay pa rin niya si Chaeryeong, nawala na ang feelings niya. Napalitan ito ng galit, dahil akala niya, hindi tinupad ng dalaga ang promise niya.
"U-uuwi si Jisu?" -Soobin
*Nod* -Grandma Jihyun
Masaya si Soobin of course. Pero sa loob lang. Poker face pa rin siya sa labas kagaya ni Yeji. Nagusap-usap sila para makacatch-up. Let's see how Chaeryeong will get home.
~Chaeryeong's P.O.V~
Sobrang init, kahit gabi na, dahil summer season ngayon. Oo, may pasok pa rin kami kahit na summer, at ayaw na ayaw ko yun. Pauwi na'ko galing school pero I decided to stop by sa dati naming bahay. Basta di ako malelate ng uwi, hindi ako sasaktan ni Chaeyeon unnie. Iba na ang may-ari ng bahay, kaya patago akong sumisilip sa loob. Meron kasi kaming mini-playground dati dun. Habang chinecheck ko ang bahay, may nakita akong isang papel sa side ng gate. Wala naman yun dati 'pag bumibisita ako, kaya tiningnan ko ang nakasulat.
'Chaeryeong, si Minho oppa ulit 'to. Hinahanap ka namin ni Felix sa orphanage, at may nakausap kami na lalaki. He's name is Taehyun at gusto niyang bumisita ka sa Seoul dahil may sakit ang nag-alaga sa'yo. Pinsan, pls contact us kung makita mo ang paper na 'to.' -Minho
'Hinahanap ako ng mga pinsan ko? Pati na rin si Taehyun?? Dapat talaga di na'ko sumama kina unnie nung nahanap nila ako... Paano ako makakarating dun???'
Umuwi ako agad dahil baka hinahanap na'ko ni Chaeyeon unnie. Kaming dalawa lang ang nasa bahay dahil palaging nasa business trip parents namin.
'What if magpaalam ako kay unnie na uuwi ako? What if hindi niya 'ko payagan?? What if sasaktan lang niya ako ulit???'
Kahit takot ako sa pwedeng mangyari, I still continued what I think is the right thing to do. Nakauwi na'ko at nakita si Chaeyeon unnie na nanonood sa sala. Lumapit ako sa kaniya habang nanginginig ang kamay ko na hawak ang paper.
"U-unnie..."
"Kailangan mo ng pera? Alam mong di kita bibigyan nun." -Chaeyeon
"H-hindi yun. Kung pwede, payagan mo'kong pumunta sa Seoul. May kailangan lang talaga akong bisitahin pls."
"Gaano katagal?" -Chaeyeon
"Baka mga ilang buwan."
"Hindi pwede." -Chaeyeon
"O-okaya isang buwan lang! Pls?"
"Sige." -Chaeyeon
"T-talaga unnie?"
"Basta huwag mo lang isiping tumakas. Dahil mahahanap at mahahanap ka namin." -Chaeyeon
'Totoo ba 'to? Pinayagan ako ni unnie! Pero what if this is just a trick?? What if may mag-babantay sa'kin habang nasa Seoul ako???'
Umakyat na'ko at nag-empake. Sa Seoul nalang ako kakain ng dinner. Gusto ko ring makasama si halmeoni. Nagsuot ako ng jacket, mask at pants para masiguradong hindi makikita ang mga sugat ko. Ayokong mag-alala sila. Pero paano na kay Taehyun?
'What if galit sa'kin si Tae?'
Bumaba ako at umalis na ng bahay. Buti at may naipon akong pera dahil hindi naman ako binibigyan ni Chaeyeon unnie. Sumakay ako ng taxi at pagdating sa Seoul, dumiretso ako sa orphanage.
*Knock* *knock*
*Creak*"Chaeryeong? Anong ginagawa mo dito??" -Pamangkin ni grandma Jihyun
"Hello po, nandito ba si halmeoni?"
"Wala na siya dito. Dun na siya nakatira sa bahay niya kasama mga kaibigan mo. Bigay ko sa'yo yung address." -Pamangkin ni grandma Jihyun
Pagkatapos ibigay sa'kin ang address, dali-dali ako pumunta sa bahay ni halmeoni. So dito na sila nakatira? Kumusta na kaya sila?? Habang papalapit na'ko sa bahay, nakita ko sina Jisu unnie at si Kai. Namiss ko na kayo guys. Hinayaan ko muna silang makapasok sa loob. Pagkatapos, nagpakita na'ko. Kahit takot ako sa magiging reaction nila, kailangan ko pa ring gawin 'to.
"Noona?" -Taehyun
"Hi Tae."
Ilang taon na ang lumipas nung huling nagkita kami ni Taehyun. Tingnan mo nga naman. Ang laki na niya, mas matangkad pa sa'kin. Mas lalo ring pumogi. Pero nagbago rin ang expression ng mukha niya ng makita ako. Yung akala kong ngiti na ipapakita niya, hindi man nangyari. Pumasok siya sa loob na galit, hindi man ako tinulungan sa mga gamit ko.
'Sabi na nga ba at mangyayari 'to.' *sniffle*
BINABASA MO ANG
Summer Home☀
FanfictionGrandma Jihyun, an orphan keeper who's near her death has only one wish... Txt and Itzy back together. But how will that happen if their love is drowning? Talks about: •Lovers •Family •Friendship •Mentality A TXTZY story (Language: Tagalog, English)