"Magandang umaga, magandang buhay, magandang ako." Bati ko sa sarili ko, palagi ko itong ginagawa para palagi rin akong puno ng good vibes. Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Inayos ko na ang mga gamit ko saka ako naligo para maghanda sa pag pasok ko. Ngayon palang ulit ako makakapag-aral dito sa Pilipinas. Grade 4 kasi ako nang mag-migrate kami sa US tapos after two years lumipat na kami sa Korea. Kailangan kasi naming umalis para maasikaso nila Mommy at Daddy ang business namin. Pagkalabas ko ng kwarto ko binati ako agad si Yaya Rina.
"Good morning, 'nak." Bati ni yaya bakas sa kanya na miss nya 'ko ah.
"Good morning, Yaya." Tugon ko habang nakangiti.
"Marami ka pang i-kukwento sakin ha, miss na miss ka ni Yaya eh." Ang gaan talagang kausap ni Yaya.
"Opo, Yaya." Tugon kong muli.
Si Yaya Rina ang pinaka pinakakatiwalaan ko sa lahat ng maids namin. Si Yaya Rina kasi ang lagi kong nakakasama dito noon tuwing umaalis sila Mommy at Daddy. Bata pa lang ako nandito na si Yaya Rina kaya parang itunuturing ko rin siyang pangalawang ina. Dumiretso na 'ko sa kitchen para mag breakfast. Hindi ko na hinintay sila Mommy, male-late na kasi ako sa school. Ayo'ko pa namang ma-late eh.
"Papasok na po ako!" Sigaw ko para marinig nila Mommy, nando'n kasi s'ya sa Garden kasama si Daddy.
"Sige anak, ingat." Sagot ni Mommy.
"Opo, ba-bye!"
Sumakay na 'ko sa kotse ko. Si Kuya Mel ang nagda-drive, s'ya ang personal driver ko. Sabi ni Daddy kailangan ko rin daw ng personal driver para hindi na raw ako mag-drive, kasi nga minor ako at wala pang license. Saka para raw safe ako, kasi si Kuya Mel ang nagsisilbing bodyguard ko. Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa University na pag-aaralan ko, ang Fuego International University. Medyo malayo ang bahay naming sa university ko kaya't medyo napatagal na rin ang byahe.
Isa akong Tourism Management Student, ito na ang simula ng panibago kong buhay. Gusto ko nang maging independent, kaya unti- unti ko nang sinasanay ang sarili ko.
Pumunta nako sa classroom, doon ko naabutan si Ellaine kasama sina Alicia, Aiya at Xeus. Sila ang matatalik kong mga kaibigan, simula bata palang ako kilala kona sila. Kahit na nasa ibang bansa ako ay pinupuntahan parin nila ako. Kaya nga sobrang saya ko ngayon at magkakasama na kaming lima. Sa wakas na-buo na ulit kami.
Si Ellaine ang pinaka-close ko sa kanila. Kami palagi ang sanggang-dikit sa kalokohan. Marami kasi kaming pagkakamukha sa ugali kaya't nauunawaan at naming ang isa't-isa at nasasabayan ang vibes. Parehas rin kaming mas bata sa kanila, ang pinag-kaiba lang ay mas bata siya sakin ng isang taon. Sa kan'ya nga yata ako nagmana ng kalokohan. Tahimik lang ako dati , pero dahil sa kan'ya daig ko pa ang baliw ngayon.
Sina Alicia at Aiya naman ang palaging magka-vibes. Kung kami ni Ellaine sa kalokohan, sila namang dalawa ay sa pag-huhunting ng gwapo. Kapag may poging nakita 'yang dalawa na'yan nag o-auto focus mga mata nila.
Samantala sina Lyzelle at Xeus ang naiiba samin, kasundo nila ang lahat. Kaya nilang sabayan ang topak ng bawat isa. Kung kami ni ellaine kalog, sina aiya at Alicia ay pogi hunters sila namang dalawa ang fusion naming apat. Malakas na ang topak pogi hunters pa.
Ako naman si Yasen, ang tumatayong nanay nilang lahat, kahit naman kalog ako at mas mantada sila sakin ako parin ang nagsisilbing nanay nila. Ako ang taga-pamagitan tuwing may hindi pagkaka-unawaan. Ayo'ko kasing nag-aaway kami, gusto kong palagi kamin maayos at masaya. "A-yo-ne" ang tawag naming sa barkadahan namin. Wala lang trip lang naming na 'yun ang ipangalan.
Natapos na ang klase naming, kaya nagdecide kaming dumeretso sa condo ni Aiya, magkasama sila ni Alicia sa iisang condo. Kahit uang araw palang feeling ko pagod na pagod na 'ko sa klase kaya dumiretso ako sa sofa sa ako nahiga.
YOU ARE READING
Under The Moon
RomanceUnforgettable Love Series #1 Yasen Neil Mendrez, a young model. MRuiz owner's youngest daughter. A fine good looking and kind hearted teenager who once dreamed to become a successful Flight Attendant someday. How will she achieve her goals? What tri...