12: The Right Person

61 3 0
                                    


Ghianne Sanchez


"Ladies and gentlemen, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport. Local time is 1:47 PM and the temperature is 32°C," the head stewardess spoke as the plane maneuvers to the gate. "Katipunan Airlines welcomes you to Manila."


Ilang beses na-delay ang flight namin bound to Manila. Dahil sa air traffic, late nang nakarating 'yung eroplano. Pero sa wakas, after a long 18 hour flight from London, we've finally arrived.


"On behalf of your flight deck crew headed by Captain Corry Barrinuevo with First Officer Cassidy Barrinuevo and the rest of the team, we'd like to thank you for joining us on this trip and we are looking forward to seeing you on board again in the near future. Have a nice stay at maligayang pagdating sa Perlas ng Silanganan!"


Once everything was settled, I was by the door of the plane, leading the passengers out of the plane. After safely deplaning, we checked the isles and seats for trash and things that passengers have left behind or forgotten.


"Good job, everyone. Amidst all of the delays, the flight was run smoothly," F.O. Barrinuevo, our co-pilot, exited the cockpit. "Thank you for all of your hard work. Kuya and I really appreciate your hard work."


"Nako, Ma'am Cassidy, wala po 'yun," my co-flight attendant said, casually. "Salamat din po dahil hindi nag-crash 'yung eroplano."


"Pwede ko pa namang paliparin 'to at isalampak sa dagat kung gugustuhin mo," sagot nito sa kaniya. Nakikipagbiruan man sa amin sina Cap pero alam naming papanindigan nila ang isang bagay 'pag naibigan nila.


Natawa kaming lahat sa bangayan ng isang hamak na flight attendant at piloto na anak rin ng may-ari ng Katipunan Airlines.


Laging sila ang nakakasama ko sa mga flight kaya ganito kaming kakaswal sa isa't isa. Ang magkapatid na Barrinuevo ang laging namamalagi sa mga flight na kinabibilangan ko. Nagtataka nga ako kung pinapalitan pa ba nila 'yung flight deck crew dahil mga pagmumukha nila ang nakikita ko araw-araw.


Pero wala akong marereklamo, they're my friends now at this point. Mabubuti silang lahat, at hindi ko sila kayang ipagpalit.


***


[Are you sure it's alright? You know I can just ask someone else to pick—]


"Plato, ayos nga lang," paniniguro ko. "'Wag mo 'tong intindihin, wala 'to, okay?"


Bahagya akong napailing nang makipagtalo na naman siya sa akin. Alam kong nahihirapan si Nica pero hindi pa rin siya nanghihingi ng tulong. Sanay na ako sa ugali niya, matigas talaga ulo nun.


"Plato, don't worry," ani ko. "Iuuwi ko siya as soon as matapos ang klase niya, okay?"


Narinig ko ang pagkawala niya nang malalim na hininga. [I'm just worried, Ghi. Hindi siya sanay na iba ang sumusundo sa kaniya.]


Madalang lang kung manghingi ng tulong si Nica, lalo na sa anak niya. Gusto niya kasi siya ang mag-asikaso dito, kaya nakakatuwa lang isipin na pinagkatiwalaan niya akong magsundo dito. Simpleng bagay lang 'yun pero alam kong hindi talaga mapapakali si Nica kung hindi siya ang gagawa nun.


"I know, alagang-alaga mo ang inaanak ko," bumungisngis ako. "Anyways, you should go now. Nakakaabala na ata ako sa trabaho mo."


She sighed, again. [Alright, take care of him for me,] aniya. [Ingat kayo pauwi.] 'Yun ang huli niyang sinabi bago naputol ang kabilang linya.


Bibingka (Ben&Ben Trilogy #2) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon