Lianna's POV
"Good morning class," bati ng guro namin. Tumayo naman kami bilang pagtugon, sumenyas naman siya na umupo na kami.
"So we're going to have an activity and it's by pair, sasabihin ko kung sino sino ang magka-kapareha ngayon,"sabi nito.
"Jasper and Ann,"
"Ely and Allyson,"
"Venus and Jeanna,"
Tumingin at ngumiti ako kay Jeanna at Venus nung tinawag sila na sila magiging partner, tinaas naman ni Jeanna ang kamay niya at sinabing fighting ng pabulong.
Sunod sunod nang tinawag ni Ma'am ang magka-kapartner kinakabahan ako kasi hindi pa natatawag yung pangalan ko.
"And lastly, Lianna and Dominic," tumingin naman ako dun sa kaklase kong si Dominic masasabi kong mukha naman siyang mabait pero tahimik lang may itsura rin siya.
"Ang gagawin niyong activity is reporting bubunot kayo sa box na hawak ko ng magiging topic niyo, Jasper and Ann kayo na ang mauna," tumayo naman sina Jasper at Ann, at bumunot na sila ng magiging topic nila.
Sunod sunod na silang tumayo at bumunot apat nalang kaming dipa bumubunot si Jeanna, Venus, Dominic at ako. Tumayo na sila Venus para bumunot nang matapos sila kami naman ni Dominic ang tumayo. Ngumiti naman si Ma'am at pinabunot na kami, bumunot nako at building yung nakuha kong topic tinignan ko si Dominic at ipinakita niya naman yung nakuha niya, designs.
"Lahat na nakabunot ng topic?"tumango naman kami bilang pag-sagot.
"Next week pa ang presentation niyo kaya may ilang araw pa kayo para matapos yung activity, iiwan ko na kayo ngayon para makapag usap kayo nang partner niyo," nagpaalam na si Ma'am at nag kanya kanyang punta naman ang mga classmate ko sa mga ka partner nila, si Jeanna at Venus ay nag-uusap narin.
"Hi, Lianna right?," tumingin ako sa nagsalita, si Dominic pala. Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Nag-usap kami kung paano namin gagawin yung presentation at kung ano ang mga ka-kailanganing gamit.
Pagkaraan ng ilang minuto dumating na rin yung sunod naming Teacher at nag discuss.
"So class that's for today and be ready for the quiz tomorrow," pagkatapos nun ay umalis na siya. Nagsilabasan narin yung mga kaklase ko para mag recess
"Lianna bilisan mo nagugutom na'ko,"reklamo ni Jeanna, natawa 'ko kasi nagpapapadyak pa siya halatang gutom na nga. Niyaya niya rin si Venus na sumabay ulit sa'min.
Matapos kong ligpitin ang gamit ko ay lumabas narin kami . Pag kapunta namin sa Cafeteria ay wala nang vacant seat.
"Pa'no nayan walang bakanteng upuan," tanong ni Jeanna, nilibot ko ang paningin ko at lahat na ay occupied.
"Maki sit-in nalang tayo sa iba," sabi ni Venus, nagsimula ng maghanap si Venus at Jeanna habang ako ay bumili ng pagkain namin.
Magbabayad na'ko ng pagkain namin ng maalala ko na wala akong dalang pera naka'y Jeanna yung bag ko at nakalimutan kong kunin yung pambayad nila. Tumingin ako dun sa Tindera bago ngumiti ng pilit, tinaasan niya ko ng kilay at nilahad niya yung kamay niya. Hinanap ko sila Jeanna pero diko sila makita, kinakabahan na'ko.
"Neng!Ano may pambayad kaba marami pang nakapila oh?!," sigaw nito.
"Ate...kasi..ano..wa--," diko na natuloy yung sasabihin ko ng may magbigay ng pera dun sa Tindera, tinignan ko kung sino 'yun at nagulat ako ng makilala ko kung sino siya, si Chrysler. Naalala ko yung pangalan niya ng tinawag siya nung babaeng nakabanggaan ni Jeanna. Inabot na sakin nung Tindera yung pag kaing binili ko.
"Salamat, 'wag kang mag-alala babayaran kita," saad ko, tumingin lang siya sa'kin at tumango. Ang sungit, sabi ko sa isip ko. Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Jeanna na kumakaway sa'kin kay Dominic pala sila naki sit-in. Naglakad na'ko at pumunta kala Jeanna.
"Lianna ba't ang tagal mo?," Tanong ni Jeanna. Nagpaalam naman na si Dominic na aalis nadaw siya kasi tapos na siyang kumain. Kinuwento ko naman yung nangyari kanina kay Jeanna at Venus.
"Sino ba talaga yung Chrysler nayun,?" tanong ni Jeanna.
"Chrysler Kerby Diaz ang full name niya, yung lolo niya yung may ari ng school na'to kaya marami ang takot sa kanya pero marami rin ang nagkakagusto at nagkakandarapa sa kanya. Yung babae namang nabangga mo kanina Jeanna 'yun si Angel De Guzman malaki yung share ng family niya sa school na'to kaya marami rin ang takot sa kanya, only child si Angel kaya lahat ng gusto niya nakukuha niya," paliwanag ni Venus.
"Si Chrysler at Angel, sila ba?,"tanong ni Jeanna kay Venus.
"Hindi, si Angel lang ang nagpapakalat na sila na kasi matagal na siyang patay na patay kay Chrysler," sagot ni Venus.
Marami pang tinanong si Jeanna at sinasagot naman 'yun ni Venus lahat habang ako naman ay nakikinig lang. Napagawi ang tingin ko sa table nila Chrysler, katulad kahapon kasama niya si Angel na nakalingkis sa braso niya, pero kung titignan mo parang wala naman siyang pakialam kay Angel, nagkukuwento si Angel pero siya ay nakatutok lang sa kinakain niya.
Umiwas na'ko ng tingin at nakinig nalang kay Jeanna at Venus. Nagulat ako ng pag-tingin ko ulit sa table nila Chrysler ay nakatingin na siya sa'kin, matagal pa siyang tumingin at nabigla ako ng bigla siyang ngumiti. Ang gwapo niya kapag nakangite. Sa sobrang gulat ko ay umiwas agad ako ng tingin at tinuon nalang ang tingin ko sa kinakain ko.
BINABASA MO ANG
Fear of Love (Series 1)
RomanceLianna Rein Catanghal is afraid to enter into relationship because of what happened to her parents. Until Chrysler Kerby Diaz a famous playboy to her school confessed to her saying that he likes her. Would she believe him or not?