After formally talking to the President of the hospital, I got out of the office and saw Levi waiting for me. Tumayo na siya at hindi naman nagtanong. Nauna akong naglakad papunta sa staff room. Nakita ko pa si Russ at Naths, kasama kong magpaalam. Next week daw si Russel magreresign, si Naths ay mananatili sa clinic niya dito at sa BMH.
Masama naman ang tingin ni Levi kay Russ kaya ilang beses ko siyang sinikuan pero hindi nagpatinag. "I'm not doing anything," he defended, that's why my speech was interrupted.
"So this is the goodbye! Thank you for the learnings and memories that we shared."
"Bakit naman biglaan, Lu?"
"Oo nga! Ang sabi mo kanina nagbakasyon ka lang bigla. May emergency rin na sumabay kaya wala ka, tapos ngayon bigla kang aalis."
Tipid ko silang nginitian. "The hospital needs me.."
Actually, they don't. It's just that maybe it's time for me to adapt to a new environment.
I want to be healed. I want to do something for myself, baka ito na yun.
"Ah! Lilipat kami. Kailangan ka pala, baka kami rin. Magkano sahod doon, mare? Mas mataas diba?"
Napanganga ako, ngumiwi naman si Naths at kumibit balikat ang kapatid nito.
Nanlaki ang mga mata nila sa reaksiyon namin. "Mas mababa? Hala!" halos lahat rin ay nataranta, tatlo lang naman sila.
"Bakit? Maayos naman dito ah?"
"Ayoko! Pangit 'yung president." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ng isa pero natawa na din. Well, may sense.
"Magkano sahod doon?"
"Not sure.. but will you really transfer?"
Actually kabisado ko ang wages. Ayoko lang na manggaling sa akin dahil baka lahat ay lumipat doon, hindi rin naman kami kapos sa staff.
Uminom siya sa tumbler niya. "Depende sa benefits, mabuti nang practical." I felt relief as I heard those.
Hindi sa ayoko silang kasama, malamang gusto ko. Pero inaalala ko ang funds namin para sa staff. Also, sobrang iba ang patakaran namin doon. May magaan para sa mga empleyado, pero syempre may tina-take into considerations bago mag resign. Hindi naman lahat ng nag a-apply ay nabibigyan ng puwesto kahit pa gustuhin namin. May funds kasi na nakalaan para doon.
"Hmm.. sige. Baka nakaabala pa ako sa duty. Pumunta lang ako para ipaalam sa inyo na wala nang last day na mangyayari, ito na 'yun."
"Para naman napakalaki ng field natin at hindi na kayo magkikita!" sambit ni Russ.
"Hoy bawal magsalita ang aalis rin!"
Nagtawanan kami. Hindi na kami nagtagal pa at umalis na rin. Kami lang ni Levi ang umalis. Hinatid na niya ako sa bahay at binaba ang mga gamit ko mula sa sasakyan. Nang nakapasok kami sa sala at sinabay na niya ang huling bagahe ko, pinagpag niya ang kamay at napatingin sa paligid.
"It didn't change."
"But the people that live here got older."
He chuckled at that. Sunod niya akong tinignan mula ulo hanggang paa, making sure that Im fine now. "I'll leave now."
"Thank you," I sincerely uttered. He didn't have to do all of this as whoever he acted to be, neither as a friend or my lawyer.
Lumabas na siya ng entrance door at nakita ko ang pagmaneho niya palabas ng driveway gate namin. Umakyat na ako sa kuwarto pagkatapos inakyat ang mga gamit ko. Inayos ko na ang mga iyon pero nag-ayos ng panibagong set para sa Davao.
BINABASA MO ANG
Sundered by Time (Manila Series #1)
RomanceMANILA SERIES #1 Everyone is allured by Allura Lacsamana, a family-oriented woman known for being playful with boys. Her life was filled with people of affection. She was under the spotlight of her own passion and current events, however it change...