After 1 year....
"Hey! Why are you sad?"
"Ofcourse, nag-resign ang partner engineer ko! Napaka-sipag at galing pa naman nun." maktol ko
"Naku! Wag ka na malungkot! Balita ko yung papalit sa kanya, hottie!!" umirap lang ako sa sinabi ng kaibigan ko.
Kung makatili akala mo kinukurot ang tinggil.
"Oh! Siya na ata yung pinagkakagulohan nila sa labas.. Lika! Bilis! Silipin natin" pinilit niya akong hatakin palayo kaya nagpatianod na lang ako sa kanya.
Nacucurious din naman ako kung sinong bagong engineer makakatrabaho ko.
Nakatalikod mula sa akin yung babaeng pinagkakagulohan nila..
Shit! She looks familiar. Di ko maiwasan mapamura sa isip ko.
Habang unti unti kong nasisilayan ang muka nya ay lalong bumibilis tibok ng puso ko dahil sa kaba.
No! It can't be!
Nang tuloyan kong makita ang muka niya ay para akong natuklaw ng ahas.
She's stunning as always but i need to exit myself now.
Dahan dahan akong umalis sa grupo ng mga tao.
Ngunit hindi pa ako nakaka-layo ay may tumawag na sakin.
"Architect! Saan ka pupunta?" napalunok ako dahil alam kong sa akin na silang lahat nakatingin
Pahamak na Lienel!
Wala na akong kawala ngayon.. Huminga muna ako ng malalim at full of confidence na humarap sa kanila.
Biglang nawala lahat ng confidence na inipon ko ng makita kong nakatingin siya sakin.
Mukang di nya ako kilala kung titigan nya, blangko lang ang expression ng muka niya."M-may mga ka-kailangan pa kasi akong tapusin" pagdadahilan ko na hindi tumitingin sa bagong engineer.
Napansin ko rin naman na parang wala siyang paki sakin.
"Mamaya na yan! Dapat nga ikaw ang mag-entertain sa bagong engineer dahil ikaw ang magiging partner nya." saad ng boss namin.
Magiging partner niya? Bakit parang iba ang dating sa akin nun.
Nahihiya akong lumapit sa kanya..
"Hi!""Hello! What's your name, architect?" napanganga ako sa sinabi niya.
Seryoso ba syang di nya ako naalala? We've been good friends before! Bestfriend pa nga e!
One year lang nakaka lipas nakalimutan niya na ako? Wala namang nagbago sa muka ko. Ako pa rin ito!
P-paanong hindi niya ako kilala??
"Architect?" pukaw nya ulit sa atensyin ko.. I'm zoning out.
Napatikhim muna ako bago muling nagsakita.
"Kei. Kei Arie Oinuma" sagot ko sa kanya.
"Nice to meet you, Architect. I'm Jay. Engineer Jayleigh Pilones" OMG! Hindi mo kailangang magpakilala ulit dahil kabisadong kabisado ko ang pangalan mo at ang muka mo..
Though medyo pumuti siya ngayon, mas lalong kuminis ang balat, feeling ko mas sumexy siya ngayon at nadagdagan ang maturity kaya mas naging hot and sexy.
Pagkatapos namin magpakilala sa isa't isa ay hindi nya na ako pinansin. Nakipag-usap na siya sa iba. Ginala na rin siya ng boss namin sa iba't ibang department.
Bumalik na lang ako sa upuan ko at inisip kung bakit parang di nya ako kilala..
"Hala!!" napalingon ako kay Lienel sa lakas ng bunganga nya..
"Architect! Bakit friend kayo sa facebook ni Engineer?!!" gulat na tanong nito
"Hala, oo nga! Pasimple lang si Architect ang bilis mag-add ah!" nang-aasar din na tudyo sakin ni Angel.. Officemate ko rin sa purchasing department.
"Matagal na kaming friend sa facebook" walang ganang sagot ko at nagkunwaring abala sa pagtingin ng gantt chart
"Hala bakit? Taga FEU naman siya.. Taga UST ka.. Bakit friend kayo?" usisa pa rin ni Lienel.
"Inadd niya ako dati" sagot ko
"Ay wow! Ganda naman pala nyan!!!" sobrang ingay ng bunganga ni Angel! Tandem pa sila ni Lienel. Jusko
"Bakit ka nya inadd? Mukang di ka naman niya kilala eh. Kanina nga tinanong nya name mo" sabat ni Kyzha
"Baka nakalimutan nya lang ako. Not important person in her life. Ganon" or baka galit siya sakin dahil sa ginawa ko sa kanya kaya kung umasta di ako kilala.
Naniwala naman sila sa sinabi ko. Nag-stalk na lang sila sa mga social media account ni Jay. Di naman mapost yun kaya wala silang mapapala.
Maya maya ay bumalik si Jay kasama ang boss namin.
"Jayleigh, dyan magiging table mo sa tabi ni Architect Oinuma" nakangiting turan ng boss namin kay Jay.
"Wow. First name base. Feeling ko type ni Boss si Jayleigh." bulong sakin ni Lienel..
Pinagmasdan ko naman ang boss namin na ngiting ngiti kay Jay at may pag-hawak pa sa braso nito. Tsk
Ilang sandali pa ay lumapit sakin ang boss namin.
"Architect, ikaw na bahalang mag-guide kay Jay.. Magaling na engineer yan kaya di ka mahihirapan." bilin nito sakin
"Sige sir." magalang na sagot ko dito. Tinapik niya pa ang braso ni Jay bago tuloyang mag-paalam.
Pagkaalis niya ay naupo si Jayleigh sa tabi ko..
Parang biglang natuyo at nangati lalamonan ko kaya uminom muna ako ng tubig..
Iba pala feeling kapag ganito na siya kalapit sa akin. Amoy na amoy ko pa rin ang pabango nya na di nya pinalitan
"Ahmm.. M-marunong ka naman magbasa ng plano.. Basahin mo na lang muna itong project natin sa tagaytay" inabot ko sa kanya ang mga blueprint plan ng building..
"Thank you, Miss..?" tinaasan ko naman siya ng kilay..
"Stop acting like you don't know me, Engineer." may diin ngunit mahinang saad ko na sapat lang para kaming dalawa lang makarinig.
"Pardon?" inirapan ko lang siya at nagbusy-busyhan
"I'm sorry.. Did we met before? Nagkaroon kasi ako ng motor accident last year.. Some of my memory lost" bigla akong napatingin sa kanya sa sinabi niya..
"T-Totoo? D-di mo ko maalala?" nakaramdam ng pagkamanhid ang katawan ko ng titigan ako ni Jay na animo'y pilit nya akong inaalala.
Ang sakit.
Ito ba ang karma ko dahil sa ginawa ko sa kanya? Nakalimutan niya ako?!
Lahat ng ala-alang pinagsamahan namin na hindi ko malilimutan, nakalimutan niya?
B-bakit?
"I'm sorry.. I'm still recovering. My doctor said may chance pa naman mabalik sa akin ang mga ala-ala kong nalimutan ko. I'll try to remember you and our memories"
"No! Wag!" mabilis na tutol ko.
Okay na rin siguro na hindi nya ako naaalala at ang nakaraan namin.. Baka kapag naalala niya ang nangyari sa amin noon ay hindi nya na ako kausapin, kakamuhian niya lang ako.