Fate 05

951 35 6
                                    

Chapter 05

Hindi ko mabilang kung ilang beses kong tinanaw ang mansion mula sa bintana ng kwarto ko. The lights are still open over there and the place really looks elegant at night. Hindi ako mapakali kung anong gagawin dahil duon.

Is he still awake?

Nawalan na ako halos ng gana kumain kanina. It made me really upset when he walked away just like that. I'm really blaming myself for it. Kung bakit ba naman nawawala ang tama kong pag iisip tuwing nandyan siya. His presence affect me so much.

And I want to apologize to him or else I won't be getting any sleep tonight. I want to apologize for how rude I was. I was conceding those foreign feelings and I ended up treating him badly.

Yet like a coward I knew I was, I fell asleep with a thought of going to the mansion when in reality, I didn't.

"Anong oras ang tapos ng klase mo, Ady?"

"Po?" Agad akong napabalikwas sa pagkakayuko dahil hindi ko narinig ang sinabi ni Nanay.

"Mukhang puyat ka, masama iyon sa kalusugan, Adyleighn,"

"May tinapos lang po akong assignment," Pagsisinungaling ko dahil hindi ko naman kayang sabihin ang totoong dahilan kung bakit halos napikit pa ang mga mata ko ngayon.

"Anong oras ang tapos ng kalse mo?"

"Mga alas tres po. Bakit po?"

Kinuha ko na ang mga plato at nilagay sa lababo. Nilingon ko si Nanay na patuloy sa pagsusulat sa maliit niyang notebook.

"Samahan mo akong mamili ng mga tela mamaya at umalis ang Tatay mo,"

Tumango agad ako at wala naman akong gagawin pagkatapos ng klase. Siguro ay nag d-deliver ng manok si Tatay sa kabilang syudad.

"Sige po. I-text---" Naitikom ko agad ang bibig ko. Hindi ko pa nga pala nahahanap yung telepono ko. Saan ako itetext ni Nanay? Kahit anong hanap ko talaga duon ay hindi ko na nakita pa.

"Magkita na lang po tayo sa bayan," Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko.

"Sige 'nak. Sa may tapat na ginagawang mall tayo magkita. Nanduon ang bagong tindahan nila Desa,"

Ginagawang mall?

I immediately thought of him. Would he be there? Pero malabo rin dahil hapon na iyon. Or maybe I would still be able to see him?

That was in my head the whole time I was going to school.

"Ms. Torreto,"

Napatigil ako sa paglalakad sa hallway nung tinawag ako ng isa kong prof. It was Mr. Acevedo, my Philippine History teacher. Sa pagkakaalam ko ay fresh graduate ito ng school namin na naging prof agad.

"Good morning, Sir," Magalang na bati ko bago lumapit dito. Nag alanganin pa nga akong lumapit dahil may mga estudyante na siya sa loob ng classroom niya.

He then handed me a set of papers and I can already conclude that it was our last activity with his subject. Nasa unahan ang papel ko na may markang A++.

"I'm quite impress with your essay," He said then paused. He gestured the group of reporters to continue. Nakita ko na medyo tumaas ang isang kilay nung isa sa kanila at pasimple akong inirapan.

What was that? May nagawa ba akong mali? I was just talking to the professor.

"Looks like you don't belong here,"

Agad kong naintindihan ang sinabi ng prof ko. I'll definitely take that as a compliment. Kaya napangiti ako.

"Why don't you transfer next year? I'll help you with your credentials,"

Defying FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon