17

10 1 0
                                    

Nakakailang beses na tawag ako kay Trix pero hindi siya sumasagot. Gusto ko sana mangamusta sa kanila kasi nag-aalala ako. Sana naman walang nangyaring masama. Kita ko kasi sa mukha niya kanina na nagmamadali siya. Na parang natataranta.

Hinihintay ko na ang kapatid ko dahil hindi pa tapos ang kanilang klase. Nagchat kasi yung tatlo na nakauwi na daw sila.

Tuwing may nakakakita sa akin sa school na kakilala ko, binabati rin nila ako.

"O kuya, sorry mahaba kasi ang lesson namin ngayon kaya medyo natagalan. Tara na po?" si Abby na kakalabas lang ng kanilang classroom.

Sabay kaming naglakad palabas ng school. Halos 15 minutes din kami naghintay sa labas dahil kaunti lamang ang nagdadaan na jeep. Idagdag mo pa yung traffic.

"Kuya? Pwede mo ba ito ibigay kina Jessie? May gagawin pa kasi ako e. Sige na please?" She pouted.

"Oo naman, sige mauna ka na doon sa bahay." at saka niya iniabot sa akin ang dalawang libro.

"Thankyou kuya!" Sabi niya sabay takbo papunta sa bahay. Sabado naman bukas e bakit hindi nalang niya gawin bukas? Haynako, hayaan ko na nga lang.

Nakita ko na agad si aling Myrna na nagwawalis ng kanilang bakuran.

"Uhm aling Myrna, pinapabigay po ng kapatid ko kay Jessie." sabi ko at agad naman na pumunta si aling Myrna sa direksyon ko.

"Uh ganoon ba, o sige. Happy birthday pala sa iyo Aljon." sabi niya

"Salamat po. Pakisabi na rin po kay Jessie na salamat, pinapasabi po ng kapatid ko." I gave her a smile. At dumiretso na agad ako sa aming bahay.

Pagkabukas ng pintuan ng aming bahay, nagulat ako.

"Surprise!" bati ng lahat sa akin.

Hindi ko in-expect ito. Well, kaya nga surprise Aljon, huwag kang tanga. Kumpleto sila, nakakatuwa. So ito pala yung emergency na sinasabi ni Trixie, huh? Ang galing!

"Thankyou po sa inyo!" emotional na sabi ko sa kanila. Nakaka-touch kasi ito, grabe.

"Blow the candle!" Sabi ni Trixie na may hawak ng cake. Yung disensyo ng cake ay may mga nota at ibat'-ibat instruments. Yung candle ay hugis number 18.

Nagwish muna ako bago i-blow ang candle.

Sana po maging healthy palagi yung mga taong nakapaligid sa akin ngayon. At sana hindi na ko maging torpe.

Medyo natawa ako sa huling hiling na nasa isip ko. Lol

"Yehey! Happy Birthday Aljon!" masayang bati nila sa akin. I said thankyou to them and I also gave them a hug.

Maraming inihanda na pagkain si mama. Syempre hindi mawawala ang shanghai at spaghetti. Mayroon din na steaks, cordon bleu and fish fillet. Those foods are my favorites.

Nagsimula na kaming kumain at magkuwentuhan. Nag-half day lang daw si mama para sa surprise na ito. Si Trixie hindi naman daw totoong may emergency sila, excuse niya lang daw iyon para makapunta agad dito. Wow, ang galing umarte. Ganoon din ang tatlo. Kaya rin ako ang pinagbigay ni Abby kina Jessie ay dahil gusto niya kasama siya sa magsu-surprise. Palakpakan ang mga mapagpanggap, joke hahaha.

Ang saya, ang saya saya ko ngayon. Hindi ako magsasawang magpasalamat dahil mayroon akong pamilya na katulad nila. Grabe yung saya na idinulot nila sa akin ngayon.

"Ma, ikaw po nagluto lahat nito?" tanong ko.

"Uh oo pero tinulungan ako ni ate Myrna kanina."

"E bakit po hindi natin sila kasama ngayon?"

"E sabi niya mag-uuwi nalang siya ng pagkain dahil may gagawin pa daw siya sa kanila."

Pagkatapos kumain pumunta muna ako sa kwarto ko para magbihis. Then nagulat ako dahil may nakalagay na gitara sa kama ko. Tapos maya maya narinig ko na sila na nasa labas ng kwarto ko.

"Nagustuhan mo ba anak?" tanong sa akin ni mama.

"Sa akin po ito?" Tumango naman sila. Dahil doon lumapit ako sa kanila at saka yumakap. Grabe sabi ko bibili ako kapag nagkapera ako tapos ngayon mayroon na akong sariling gitara.

There are friends, there is family and then there are friends that become family. Having them at my side is such a blessing. And that's the greatest gift I ever received.

Happy 18th birthday to me!

---------------------------------------------

jenesixcm <3

Grow Old With YouWhere stories live. Discover now