Chapter Five

7 5 0
                                    

Nang maging maayos ang pakiramdam ni Miya, nawala na sa isip niya ang sinabi ni Lucas. Nang marinig ni Lucas ang unti-unting paggalaw ng doorknob, tumayo ito mula sa kaniyang pagkakaupo sa sahig, hanggang sa tuluyan nang binuksan ni Miya ang pinto at bumungad sa kaniya si Lucas.

"Okay ka na ba?", banggit ni Lucas.

Sinuklian naman ito ni Miya ng ngiti.

"Oo naman! Ako pa ba? Capital SS ata ito!", buong galak na sabi ni Miya.

"SS? Screenshot?", si Lucas.

"Super Strong! Ikaw talaga!", si Miya.

Lalakad na sana ito patungo sa kanilang kwarto nang magsalitang muli si Lucas.

"Ano nang plano mo? Hindi ka naman aalis 'di ba? Laban pa rin 'di ba? Tutulungan kitang kumbinsihin si Engineer Vince."

Lumingon naman ulit si Miya dito.

"Hindi na kailangan. Ang dami mo nang naitulong sakin. Salamat."

Tumalikod nang muli si Miya at naglakad palayo.

"Miya...", ang tanging nasambit ni Lucas.

Ngunit nagpatuloy lang si Miya sa paglakad.

Nang makarating naman ito sa kanilang kwarto, huminga muna ito nang malalim bago pumasok sa loob. Nung una ay nagtaka ito dahil wala siyang nakitang tao sa loob, hanggang sa makita niya ang apat sa isang sulok. Nakatalikod ang mga ito kay Miya.

"Guys, anong meron?", nagtatakang tanong ni Miya.

"O Miya, nandiyan ka na pala.", si Jelly habang nakatalikod pa rin.

"Oo nga.. Bakit ayaw niyong humarap sa akin?", si Miya.

"Ano kasi.. Nag-me-meditate kami. Saglit lang ha?", pagpapalusot ni Monika.

"Meditate? Paano ba 'yan? Isali niyo naman ako..", si Miya.

"Diyan ka lang!", sabay-sabay na sabi nang apat.

Nagulat naman si Miya sa apat.

"Okay.. Mag-e-empake na ako.."

Dito na naman humarap ang apat na lalong nagpagulat kay Miya dahil sabog-sabog na ang mga make-up ng mga ito sa kanilang mukha at mugto na ang mga mata mula sa bakas ng kanilang pag-iyak.

"Miyaaaaaa!", sigaw ng apat.

Sabay-sabay naman ang mga ito na lumapit kay Miya at niyakap ito nang mahigpit.

"Ano bang nangyayari sa inyo? Kayo ba 'yung pinapaalis?", si Miya.

"Miya sorry wala man lang kaming nagawa.", si Anna.

"Please huwag mo kami ihalintulad sa mga naging boyfriends mo na iniwan ka lang bigla sa ere.", si Rizza.

"Rizza, capital NBSB ako no..", sagot ni Miya.

"Aalis na lang din kami dito Miya para maramdaman ni Engineer Vince na mali ang ginawa niya.", si Monika.

"Nako.. Iyan ang huwag na huwag niyong gagawin, okay? Kailangan kayo ng project na ito. Isa kayo sa mga magpapaganda ng mansyon ng Buenavista. Tumigil na nga kayo sa kakaiyak niyo!", si Miya.

Nagpahid naman ang mga ito ng kanilang mga luha.

"Aalis ka na talaga, Miya?", si Jelly.

"Kailangan na. Ganun talaga, may mga bagay na hindi para satin.", si Miya.

"Minsan may mga bagay din na kahit para sa atin, may mga tao pa rin na magtatakang mang-agaw.", si Rizza.

"Hayy nako parang 'yung sa pelikula lang na napanood ko! Nako, nakakainis talaga 'yung mga kontrabida!", si Anna.

Magugustuhan mo rin ang

          

Marami pang hinaing ang isa-isang sinasabi ng apat na kasama ni Miya sa kwarto ngunit wala ng ibang tumakbo sa isip ni Miya kundi ang sinabi ni Anna. Mula sa pag-e-empake ni Miya hanggang ngayon na handa na itong matulog, iyon lang ang tumakbo sa isip niya.

"Hayy nako parang 'yung sa pelikula lang na napanood ko!..."

Hanggang sa nahulog na ito sa mahimbing na pagkatulog.

Sa pagsapit ng bagong umaga, wala man lang namang umiimik sa loob ng kwarto nina Miya. Ngayon ay muling nakatitig sina Jelly, Monika, Anna at Rizza kay Miya na nakahanda nang umalis.

"O wala nang iiyak. Hanggang sa muli nating pagkikita.", pagpapaalam ni Miya.

Nagsimula naman si Miya na kunin ang gamit nito at unti-unting lumabas ng kwarto. Nasa likod naman nito ang apat. Nang makalabas, saglit itong tumigil.

"Magpa-paalam lang ako kay Engineer Lucas."

Lumapit naman ito sa pinto ng kwarto nina Lucas. Akmang kakatok na ito nang marinig ang mga malalakas na boses nina Lucas at Vince na animo'y nagtatalo.

"Hayaan ka na lang sa desisyon mo? Your childish decision! Vince, may potential 'yung tao! Bumalik ka sa araw na nagsisimula ka palang! Hindi mo ba nakikita ang sarili mo sa kaniya?", si Lucas.

"No! Never! We both know na nagsimula ako sa mababa. Unlike her! Kailangan niya muna ng experience!", si Vince.

"That's not what I'm saying! Vince, look! She's proven her skills! Na kahit ano pang gawin mo, pagsalitaan mo man siya ng masasakit na salita, sirain mo man 'yung laptop niya, 'yung presentation niya, in the end what? She amazed us with her works!", si Lucas.

"Excuse me..", pagputol ni Miya sa usapan.

Nagulat naman ang dalawa kay Miya.

"Rinig na rinig kasi 'yung boses niyo sa labas.. Akala ko, nag-aaway na kayo, kaya pumasok na ako. Magpapaalam lang sana ako. Sorry sa abala..", si Miya.

"Miya, kanina ka pa ba? Anong narinig mo?", si Lucas.

Agad namang lumakad palabas si Miya.

"Miya, wait..", si Lucas.

Sinundan naman ito nina Lucas at Vince. Nagulat din naman sina Jelly nang makita nilang nagmamadaling lumabas ng kwarto si Miya habang nakasunod naman sina Lucas at Vince.

"Miya, saglit lang!", si Lucas.

"Lucas, hayaan mo siya! She deserves to hear everything!", si Vince.

Napatigil naman si Miya nang marinig ang mga sinabi ni Vince. Humarap naman ito sa dalawa.

"Really, Engineer Vince? Deserve ko nga ba lahat? Ano bang nagawa kong kasalanan sayo ha? Bakit mo ako ginaganito? Bakit ka ba galit sa akin?", galit na galit na sabi ni Miya.

"Dahil ba akala ko ikaw 'yung humalik sakin sa mall? Dahil ba nahuli kami nung orientation? O dahil una palang hindi mo na talaga ako gusto para sa project na 'to kahit hindi ko naman alam kung bakit? Sorry okay? Sorry dahil napili ako. Napili 'yung baguhan na katulad ko! At sorry dahil ako naman itong si tanga na tinanggap-tanggap 'yung proyekto. Ang tanga ko lang nung naniwala ako na binigyan mo ako ng isa pang chance, dahil sa una pa lang wala na naman pala talagang chance. Alam mo mali ka dun sa sinabi mo sa orientation na magagawa nating tapusin ang project in six months, we just need to give our best and trust each and everyone here. Pero paano? Kung ikaw mismo ang hindi nagtitiwala sa mga kasama mo?"

Agad na tumalikod si Miya, lumakad palayo, kinuha ang mga gamit at umalis sa apartment. Wala na itong nabanggit kina Jelly maliban sa salitang "sorry" nang dumaan ito mula sa kanila. Hindi na rin nakakilos si Lucas ng puntong iyon dahil sa gulat sa nangyari. Wala nang nagtangka pang maghatid kay Miya palabas ng apartment.

Our Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon