Third Person.
You know you can count on me like one, two, three, I'll be there
And I know when I need it
I can count on you like four, three, two, and you'll be there
'Cause that's what friends are supposed to do
oh yeah
woooooh wooooooh
ooh yea yeaIsang katok sa pinto ang nakapagpatigil kina Ria sa pagtugtog at pagpraktis. Sabay sabay silang napatingin sa pinto para makita kung sino ang kumakatok.
Dalawang plastic na puti na may lamang mga pagkain ang itinaas ni Ace. Sa likod nya ay nakasukbit ang bag na naglalaman ng gitara nya. Itinaas nya ito para makita ng lahat saka nag aalangang ngumiti.
“Dinalan ko kayo ng pagkain?” nagaalangan nyang pananalita na mas naging patanong ang dating.
“At anong ginagawa mo dito?” maangas na tanong ni Pink na mabilis na bumaba ng platform sa music room para sana puntahan si Ace pero agad namang pinigilan ni Ria.
“Pink ano ba, ako ang nagpapunta sa kanya.” Pigil ni Ria sa dalaga.
Sabay sabay na napakunot noo at napatingin sina Paris, Black at Pink sa kanya. Mga tinging may pandududa.
“At bakit?” nakataas kilay na tanong ni Pink.
“Oo nga. Bakit mo pinapunta tong gagong to?” tanong din ni Black na tinuro pa si Ace.
Napabuntong hininga at roll eyes si Ria sa mabilis na pagkukwestyon sa kanya ng mga kaibigan nya.
“Ano ba, nagdala lang ng pagkain yung tao oh.” Bulong nya sa mga kaibigan nya na pinandidilatan nya ng mata.
“May pera ako para bumili ng pagkain sa canteen. At tsaka—“ bago pa man maipagpatuloy ni Pink ang patuloy nyang pang iinsulto, hinigpitan na ni Ria ang hawak nya sa balikat ni Pink, indikasyon na tumigil na sya.
“Please, Pink.” Matigas nyang bulong ng may pandidilat ng mata. Sumulyap rin sya kay Black ng may ganung tingin. Pati na rin kay Paris na nakakunot noo lang at tila ba pinag aaralan ang nangyayari.
Napasiring at cross arms lang naman ang kambal at hindi na nagdagdag ng kahit ano pang salitang pang insulto sa binata.
“Good.” Bulong ni Ria sa sarili nya.
Lumingon ang dalaga kay Ace saka ito simpleng nginitian.
“Tara, kain muna tayo.” Pagyayaya nya. Alangan din namang ngumiti si Ace sa dalaga saka tuluyang pumasok sa loob ng kwarto.
Isang mesa at limang upuan ang hiniram nila sa utility at mga plato’t kutsara naman sa canteen para makakakain sila. Iba’t ibang putahe ng pagkain ang dala ni Ace para sa mga dalaga.
Nag aalangan man dahil alam nyang galit sina Paris, Black at Pink sa kanya, gusto parin ni Ace na maging maayos sya para sa mga dalaga at hindi lang kay Ria.
“Binili mo to kila Aling Celia?” naeexcite at nakatingin na tanong ni Ria kay Ace habang tinitingnan ang mga pagkaing pamilyar para sa kanya.
“Oo.” Nag aalangang kunot noo at ngiti ni Ace. “Naaalala mo na sya?” tanong nito. Naalala kasi ng binata na hindi naman maalala ni Ria si Aling Celia kahapon lang.
Napatigil at napatingin si Ria kay Ace. Oo nga pala, medyo hesitant si Nicole kahapon sa kanya kasi hindi nga nya yun kilala. Isip isip ng dalaga. Pero, sinubukan nyang umarte lang ng natural.
“Oo naman. Di ba pinakilala mo nga sya sa akin kahapon. Siguro dun mo to binili panigurado?” kunwaring tanong nalang nya para sana hindi masyadong maghinala sa kanya ang binata.
YOU ARE READING
Two Souls in a body
Teen FictionAng buhay ay isang sugal. Ang araw araw ay isang pagtataya ng buhay na ibinigay. Para kay Crescent Nicole Salvador at Gregoria San Juan, ang buhay nila ay isang paglalakbay na walang katapusan. Buhay na palaging may bukas. Pero, paano nalang kun...