Chapter Seven: Good Morning

48 4 0
                                    

Ascanara's POV

"Maliwanag na sumikat ang araw, ang mga ibon ay masasayang nagsisikantahan at mahalimuyak ang mga bulaklak sa paligid ng tahanan ni Ascanara."

Pero sa totoo lang, sa perspective ko lang yun.

Dahil dito ako nakatira sa Terras Frigida Manerium, kung saan, pinaka maaraw ng masasabi ang makulimlim na panahon ngayon. Ang mga ibon, pagkumanta sobrang paos. Bakit? May mga uwak bang nakakaantig ang boses? At ang mga bulaklak, eh, di sila ganun ka bango. Basta 'yun.

Winter has long past, but the climate in our region has never been so warm and sunny.

"Hhhnng-" Ah, ang sarap mag-unat.

I got up from bed and did more stretching, then I parted the curtain for the little rays of sunshine to enter my room.

Tuwing umaga, nasanay, sinanay, na akong gawin ang aking routine -- simple stretching exercises and endurance and strength exercises.

"1, 2, 3...1, 2, 3..."

Medyo inaantok pa nga ako ngayon dahil kailangan kong pakinggan ang report ni Alterisa kagabi, pero hinahanap ng talaga katawan ko ang exercise. (A/n: sana all)

Maya maya lang, tatawagin na ko para mag-almusal, hindi pupuwede na pumunta ako sa hapag kainan ng mukhang bagong gising.

Ayan, pinapagpawisan na ako ng kaunti.

Tumuloy ako sa washroom na nakakonekta lang sa kuwarto ko. Pinunasan kong maigi ang pawis ko atsaka nagpunas ng malinis na tubig at sabon.

Di katulad sa dati kong mundo na modern ang panahon, ang tubig dito sinasalok lang sa balon, o sa ilog. Kaya, sa bawat washroom, may nakaimbak na tubig na tatagal ng pang-isang linggo.

Kabilin-bilinan ni mama, 'wag mag-aksaya ng tubig, dahil ang mga katulong namin ay hindi mga alipin, katulong lang. At isa pa, di uso dito ang mainit na tubig, parang may yelo pa naman ang tubig dito. Pero kung talentadong mage ka, like me, kayang kaya naman magpainit ng tubig, why not? But not today, maybe next time.

At nagsipilyo na din ako bago lumabas.

I open my closet and took whatever my hand touched. I'm still a kid, so my clothes are simple and easy to wear by myself, like this one. White dress that reaches below my knees, topped with a black vest. Lastly, black high socks.

Usually, kapag nakahanda na ako, didiretso na ko sa hapag kainan bago pa ko tawagin ng maid. Nasa isip ko pa din kasi ang mga nilalaman ng report ni Alterisa kagabi.

Naupo muna ako sa harap ng desk. Kinuha ko sa tabi ang papel na pinagsulatan ko para i-review.

Sa pagkakaalam ko, base sa mga alaala ng nakaraan kong buhay, may mga hint na akong napapansin, na maaari ngang nasa "Princess of the Magic School" ako.

Si Alterisa, alam ko isa siya sa mga tauhan sa nobelang iyon. At ang pangalan ng kahariang ito ay Moldegar, kaparehas din sa kuwento. Ayaw ko sanang isipin. Napaka kakaiba na nga ang ma-reincarnate ako na may ala-ala pa din, tapos sa sa loob pa ng nobelang binasa ko noon.

Pero, kung mangyayari nga ang mga pangyayari sa nobela, kailangan kong paghandaan, kasi makakaapekto ito sa kaharian.

At ito na nga, dahil sa report ni Alterisa, kumpirmado ko na nga. Na malaki ang chansa na masunod ang mga pangyayaring ito.

Si Charles Damon Harrington, ang batang magdidiwang ng ika-7 niyang kaarawan, anak ng Duke Harrington. Isa siya sa mga love interest ng heroin ng story. Tugma ang nabasa kong flashback niya sa nobela at ang nasa report ni Alterisa.

Anong Ginagawa Ko Dito?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon