13

58 11 0
                                    


(A/N: NAGTATAKA BA KAYO KUNG BAKIT SUNOD-SUNOD UPDATE KO? TINAPOS KO NA KASI MUNA SA WRITER APP YUNG BUONG STORY PARA SUREBALL NA AKO NA MATATAPOS KO HAHAHA. JULY PA AKO NAG-START, NGAYON KO LANG NATAPOS— AY NO, KULANG PA PALA. KAKASIMULA KO LANG SA EPILOGUE, MAY SPECIAL CHAPTER PA AT BAKA MAY IDAGDAG PA AKONG POV NG IBANG SIDE CHARACTERS)

"KANINA ka pa tulala" it's Seren, she's slowly coming out from her cocoon. Hindi na s'ya nahihiyang makipag-usap sa akin.

Maybe she realized na kami-kami lang halos ang makakapagprotekta at makakaintindi sa bawat isa.

"May iniisip lang" sagot ko.

It's been a week simula nung engagement party at ni isang mensahe o balita tungkol kay Eros ay wala akong natatanggap.

Huling beses na nakahagilap ako ng balita ay umalis daw si Eros para sumama kila Psyche pabalik sa Australia.  Si Aga naman ay isang linggo pang mananatili rito sa Pilipinas. Si Liah naman ay MIA. Aalis daw muna s'ya for 3 days pero hindi n'ya sinabi kung saan s'ya pupunta.

"The last time I checked, there's a lucky guy na nanliligaw sayo di ba? What happened?" nandito kaming dalawa sa kwarto n'ya. 

Mas gusto ko rito dahil napakalinis maggamit ni Seren, tahimik din ang kwarto n'ya at kitang-kita rito mula sa bintana n'ya ang malawak na garden namin.

"Tinaboy ko ulit" walang ganang sabi ko, dati man ay kahit ilan ang itaboy ko ay ayos lang, back to normal. Pero bakit ngayon ay tila may mali sa akin. I told him na hindi ko siya kayang mahalin pero nakikita ko pa lamang ang bahid ng sakit sa mata n'ya ay parang may kung anong kumukurot sa dibdib ko.

"You like him, don't you?" hindi ako nakasagot sa tanong n'ya.  Dahil kahit anong sabihin ko sa sarili kong hindi ko s'ya gusto ay hindi ako makasagot ng "hindi" kapag tinanong na ako ng diretso.

.

"Hindi mo alam? Or ayaw mo lang aminin?" nilingon ko na s'ya, prente s'yang nakaupo habang nakatingin sa akin.

Sumagot ako at tila na napangiti s'ya dahil sa narinig.

"Hindi ko alam dahil ayaw kong aminin"

.

Napailing-iling pa s'ya bago ako iniwan sa sala.

Tatayo na sana ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Message from Agape:

Hey, are you busy? Nabo-bored ako, labas tayo?

Message from Agape:

Susunduin kita maya-maya, sasama ka kahit ayaw mo kasi gutom na ako, ayaw ko mag-isa dahil magmumukha akong alone.


Binasa ko na lang iyon at hindi na nagreply, naggayak na ako at hinintay s'yang dumating.

.
"HOY, Fleur! Bitawan mo nga ako!" halos mapailing ako ng makitang nakasabit ang mga braso ni Fleur sa bisig ni Aga.

"Aga naman, ngayon na nga lang tayo nagkita eh. Ayaw mo ba ng kiss ko para pawelcome back?" pangungulit ng isa pa.

"Kung hindi lang talaga dahil kay Seren, matagal ko na naihagis sa dagat 'yang si Fleur." saad ni Aga at dali-daling lumapit sa akin.

Napahalakhak naman ang babae dahil sa narinig, nagpaalam na itong aalis na kaya naman nakahinga ng maluwag si Aga. Alam n'ya kasing hindi sya titigilan ni Fleur hangga't hindi s'ya nakakaalis.

          

Nagsuot lang ako ng sandals bago naglakad sa pinto, uupo pa sana si Aga ng bigla ko s'yang ayain.

"Elle naman! Hindi pa nga nakakalapat yung pwet ko sa sofa n'yo tapos tatayo na agad ako?" pagmamaktol n'ya habang papalapit sa akin.

Hinayaan ko na lamang s'yang magrant at nauna na akong maglakad. Nakaabang na ang kotse n'ya sa labas ng bahay.

.

SASAKAY na sana ako roon ng biglang may tumigil pang isang kotse sa tapat. Halos mapako ako sa kinatatayuan ko ng mapatingin sa bagong baba.

Si Psyche at Eros.

"What are you two doing here?" tanong ko, hindi ko pinahalata ang kaba.

Hindi ko alam pero kinabahan ako bigla nung makita ko s'ya.  Bahagya pa s'yang tumingin sa likuran ko at mas lalong nandilim ang paningin n'ya ng biglang may magsalita.

"Love, let's go?" bwisit talaga 'to si Aga eh, nakakainis.  Bahagya pang bumaba ang tingin ni Eros sa bewang ko ng pumulupot do'n ang kamay ni Aga.

Nagtagis ang bagang n'ya bago nag-iwas ng tingin.

"Bro, what are you doing here? May date pa kami eh." sa halip na sumagot ay ang inis na boses ni Psyche ang bumungad.

"Nandito ba si Liah?" napataas ang kilay ko dahil sa tanong n'ya.  Nang makitang tumingin ako ay agad n'yang hinawakan ang kamay ni Eros dahilan para bumaba roon ang tingin ko. Bago pa man nila mapansin ang pagtingin ko ay nag-iwas na ako ng tingin.

"Wala s'ya rito, may pinuntahan." napatango-tango siya saglit bago hinigit ang kapay nang nobyo- why does it felt wrong.  Ano ngayon kung magkasintahan na ulit sila? eh hindj naman naging kami.


"Ah, can you update us kapag bumalik na s'ya?" si Eros.

"How? Hindi ko alam ang number ni Psyc-" hindi n'ya pinatapos ang sasabihin ko at bigla s'yang sumingit.

"You can text me"

How can I text him e binlock ko nga ang number n'ya! Inalis ko rin siya sa followers ko at nagprivate ako ng account sa twitter. I can still saw his post pero wala s'yang kakayanan para maimessage ako.


Matapos yun ay nagpaalam na ang dalawa, ayaw pa ni Eros umalis pero naiinis na si Psyche kaya wala s'yang nagawa.

----

TAHIMIK kami sa buong byahe, ewan ko, nawala ako bigla sa mood. At bakit nila hinahanap ang layas kong pinsan? Gagawin ba nilang abay sa kasal nila? As if naman papayag ang isang 'yon.

"Hoy, Elle. Tahimik mo ata? Mahal mo na?"

"Of course not!" nagulat si Aga sa biglaan kong pagsigaw kaya humingi agad ako ng tawad. Miski ako ay nagulat sa naging pagsigaw ko.

"Sige, sabi mo eh."

.

Wala nang nagsalita muli sa amin hanggang makarating kami sa isang resto. Umorder lang kami saglit at tahimik na naghintay ng order namin. Tingin ko ay maging s'ya ay wala na sa mood. Pangit talaga ng desisyon n'yang lumabas kami ngayon tskstk.

Dumating ang order at nagsimula kaming maghiwa ng steak.

"Aga" tawag ko sa kan'ya habang pinaglalaruan ang steak sa plato ko.

"Hmm?" tiningnan mo ang plato n'ya at parehas lang pala kami halos ng ginagawa.

"What will you do if makita mo yung taong mahal mo sa piling ng iba?" tanong ko, hindi naman s'ya nagtaka dahil sa tanong ko, tila mas lalo pa ngang sumama ang mood n'ya.


"Edi iiyak" napailing-iling ako sa sagot n'ya.

"Hindi mo aawayin?"

"Syempre- hahambalusin ko at ihuhulog sa dagat" natawa kami pareho pero muli rin kaming tumahimik.

.

"HI!" napatingin kami sa dalawang taong nakatayo sa harap ng table namin.

It's Seren and her red flag na fiancè.

"What happen to both of you? Kulang na lang patayin n'yo ulit yung steak n'yo.  Ang brutal n'yo naman"  agad kaming napatingin sa steak ng isa't-isa.


Hindi hiwa ang nangyayari sa bawat steak kung hindi saksak. Halata rin ang gigil namin sa hawak naming kutsilyo kaya sabay kaming napabitaw ni Aga sa kusilyo.

What the hell???


——

Our Last Dance (CS1)Where stories live. Discover now