It's been 3 weeks. At Friday na ngayun, mamayang gabi na gaganapin ang Search.
"Belle, kinakabahan ako!" Sigaw ni Marian na kasalukuyang nasa dressing room.
"Meron naman si Jungkook, hindi ka ipapahiya nun." Sa three weeks na panliligaw ni Jungkook kay bestfriend ay nakita ko namang totoo siya.
"Paano kung matapilok ako? Kung mamali yung sasayawin namin? Paano na Belle?!"
"Wag ka ngang kabahan Marian! Focus lang ha? Isipin mong nasa audience sina Tito Chad at Tita Merli." Sabi ko sakanya.
"Let us all welcome Candidate no. 4!" Sigaw ng emcee.
Candidate no. 7 si Marian kaya malapit na siyang rumampa sa stage at pinaprepare na siya ng adviser namin.
"OMAYGHAD. Ang daming tao teacher!" Sigaw niya.
"Normal lang yan Marian, labanan to ng matataas na universities dito sa Manila. Siyempre marami talagang tao." Pagpapaunawa naman sa kanya ng guro namin.
Tinignan ko lang siya habang naglalakad patungong stage.
Aang sexy tignan ni Marian, lalo na't kasama niya ngayun si Jungkook na rumarampa.
Nagbotohan na at siyempre pinili ko yung sa school namin, which is sina Marian.
"And the winner goes to *drum rolls*" Sabi ng emcee, mahigit 1 hour na pala kami rito.
"Winston University!"
Napanganga kami dahil sa sinagot ng emcee. Bukod sa mas maraming audience impact ang school namin, tingin ko mas marami ring bumuto sa amin.
"Oh----wait sorry, So. We have a tie!"
"Winston and Venezuela Family Universities! Please come forward."
Nakita kong galak na galak si Marian. She's happy, because she knows that her parents were happy too, because of her accomplishments.
Malapit na ito matapos at malapit na rin ang dance criteria namin kaya hinanap ko muna si Taehyung. Pero ang daming tao sa stage kaya hindi ko siya nakita.
"Taehyung .... Asan ka na ba?" Bulong ko sa sarili ko.
"Miss Belle, malapit na ang sayaw niyo asan ang kapartner mo?" Sabi ng trainor namin.
"Hindi ko po alam. Hinanap ko na po siya pero hindi ko po talaga siya makita." I said. I remained calm pero nag aalala na ako dahil kunti nalang ay kami na ang tatawagin.
"Make sure he'll come back. Dahil kung hindi mapipilitan kang si Hoseok ang makapartner mo." He said.
"Ho?"
"Siyempre, may reserba dapat kaagad dahil I expected this situation. That's why I told Hoseok to know the steps too."
"Anong ibig mong sabihin na you expected this?"
"It's a long story Belle." Sabay tapik niya sa balikat ko.
"So ano magandang binibini? Simulan na ba natin ang practice?" Tanong ni Hoseok sa akin.
"Ewan ko sayo Mr. Jung, hindi naman tayo close, ang FC mo rin eh. Tara na nga at makapagpractice na!" Sabi ko nalang at bumalik sa dance room.
Sakto naman at last 5 minutes nalang ay kami na, buti nalang at 3 minutes backward ang kantang to.
Mabuti nalang at napaka galing ni Hoseok sumayaw kaya ready na kami for the last two minutes.
"Pre! Kumusta na?" Nagsidatingan naman ang mga kagrupo niya. Ang Bang Tan.
BINABASA MO ANG
Destined [BTS FANFICTION]
FanfictionCan I just forget the bad memories and make good ones? Or to stop dreaming and wake up because this is the actual world?